Chapter 19

3.3K 82 0
                                    

  UNTI-UNTING minulat ni Jecka ang mga nabibigat pang talukap. Tila kasi may nang gugulo sa inaantok pa niyang diwa.

"Wake up sleeping beauty, Your prince handsome is here." Bulong ni Brent habang dinadampian ng munting mga halik sa mukha ang nobya.

Agad na napangiti ang dalaga ng bahagyang masilayan kung sino ang pangahas na nangungulit ng maaga sa kaniya.

Naka-tagilid na nakahiga ito sa tabi niya habang nakatukod ang kamay nito sa pisngi at naaliw siyang pagmasdan.

"Goodmorning, Twinkle." Bati ni Brent. Anito at dinukwang ang labi niya.

"Hindi pa ako nag-totooth brush." Aniya na tinatakpan ang bibig.

Natawa naman ang binata at marahang tinanggal ang kamay niya

"Amoy baby's breath nga eh." Anito at muling hinalikan siya. Pagkaraan ay yumakap sa kaniya.

Wala na yata siyang mahihiling pa sa isang buwan na nilang relasyon. Napaka-sweet and caring ng binata. Kahit na abala ito ay sinisikap nitong magkaroon sila ng oras. Puno naman ng kagalakan at kilig ang puso niya.

"Hmp, bolero bakit ang aga mo?" Aniya.

"Sunday ngayon kaya i want to spend the whole day with you." Siniksik pa nito ang mukha sa leeg ng dalaga.

Tila may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ng dalaga, samahan pa ng kiliti dulot ng mainit na hininga nitong tumatama sa balat niya.

"Si mama?" Pagkaraan ay tanong niya.

"Nang dumating ako kakaalis lang nila ni Len, magsisimba daw sila." Sagot nito.

"What if ikaw magluto ng lunch?" Nangingiting tanong ni Jecka.

Nitong nakaraan lang niya nalamang may talent din pala ito sa pagluluto. Dahil sa pagiging independent nito ay marami itong natutunan.

"Hhmm, sure basta ba ikaw ang assistant chief ko." Pilyong kinagat nito ang leeg niya.

Impit na napasigaw ang dalaga dahil sa kiliti.

"Ah, ganoon ha!" Aniya at umibabaw sa binata, pagkaraan ay tinakpan niya ng unan ang mukha nito.

Agad namang pumalag si Brent at mabilis itong kumilos upang siya naman ang mapa-ilalim. Nilagay nito ang dalawang kamay niya sa ulunan.

"Brent isa!" Natatawang piglas niya.

"Make two! Ggrr..I'm a hungry lion ready to take my beautiful frey." Anito at kunwari'y pinabangis nito ang itsura.

"Brent! Please tama na!"

"No..Ggrr..." Mabilis na sinubsob ng binata ang mukha sa magkabilang leeg ng dalaga.

Napuno ng tilian at halakhakan ang loob ng silid ni Jecka ng mga oras na iyon.
Pagkaraan ay tumahimik, kasi magka hugpong na ang mga labi nilang tila uhaw sa isa't-isa.

Mainit at puno ng pagmamahal ang bawat dampi ng kanilang mga labi. Hanggang sa naging mapaghanap at mapusok. Ang mga kamay ng binata ay nagsisimula ng maging mapangahas.

Kahit na nadadarang na ay sinikap ng dalaga na magpigil.

"B-brent.." Aniya at nangingiting tinulak niya ito.

"Twinkle naman eh." Bakas ang pagprotesta sa gwapong mukha.

Pilyang tumayo ang dalaga at nagsalita.

"Pumunta kana sa kusina, susunod na ako. I'll just take a quick shower. Go." Aniya at kumindat pa.

Nakangusong tumalima nalang ang binatang nabitin.

...

LUMIPAS pa ang ilang oras at maging hanggang sa kusina ay napuno ng lambingan at kulitan.

"Wow, nakaka-takam naman itsura palang." Puri ni Carmela ng makita ang mga nakahain sa dinning table.

Sweet and sour lapu-lapu, roasted chicken, healthy veges and mushroom soup ang mga nakahain na sinamahan pa ng sweet desert.

"Pasado na ba ako tita para mag asawa?" Tanong ni Brent sa ginang habang pinaghihila ito ng upuan.

"Hindi pa nga natitikman ni mama eh." Ani Jecka.

"Bakit ka ba kontra? Pag nag propose ka sa'kin hindi kita sasagutin. Kasi kumokontra ka agad eh." Nakangising kumindat ito sa kaniya.

"Tse! Ako talaga magpro-prose? Itsura mo attorney Lorenzo." Kunawari'y ingos ng dalaga.

"Naku, anak baka magsisi ka nga. Aba ay ang sarap talaga." Ani ni Carmela habang ngumunguya.

"See? Approved na kay tita." Pangiti-ngiting tudyo nito.

"Yabang." Natatawang irap niya.

Masaya nilang pinagsaluhan ang masarap na tanghalian na ginawa ng binata.

...

NANG sumunod na araw habang abala sa mga ginagawa si Jecka ay hindi niya namalayan ang oras ng mga sandaling iyon.

"Mama, nasa labas na ang fafa Brent mo. " Pukaw ni Arida sa kaniya.

Nang tiningnan ang relong pambisig ay napakagat labi siya. Sobrang busy talaga niya.

"Nakalimutan ko ang oras." Aniya na natatarantang tumayo.

Paglabas niya ay nakangiting mukha ng nobyo ang sumalubong sa kaniya.

"Sorry nakalimutan ko ang oras, kanina ka pa?" Wika niya at dinampian ng halik sa labi ang nobyo.

"Okay lang, twenty minutes lang naman akong nag antay." Malambing na sagot ni Brent. Pagkaraan ay inilapit nito ang mukha sa mukha niya upang ipagkiskis ang mga ilong nila.

Kinikilig naman na nakamasid ang mga tauhan ni Jecka.

"Hay naku! Kaka-inggit naman." Parang kinikiliting untag ni Arida na kanina pa nakamasid.

"Bagay talaga kayo ni sir Brent, ma'm Jecka." Sabat din ng isa sa mga tauhan niya.

"Thank you sa inyo." Malapad na mga ngiti ng binata.

Pagkaraan ay umalis na ang mag nobyo.

...

"ANG ganda naman dito handsome!" Hindi mapigilang wika ng ni Jecka habang ginagala ang paningin sa paligid.

Nasa isang garden restaurant sila na pagmamay-ari ng pinsan ni Brent.

Ang nakalaang lamesa para sa kanila ay nasa ilalim ng rubber tree na may mga makikislap na tanglaw, at maraming sariwang bulaklak na nakapaligid.

"I'm glad you like it Twinkle." Nasisiyang wika ni Brent.

Alam ni Brent na magugustuhan ng nobya ang lugar kaya dito niya naisipang dalhin ito upang mag-dinner.

"Beautiful! Specially the ambience." Sagot ng dalaga. Mas lalo niyang nararamdaman ang lugar.

Ilang sandali pa ay nagsimula na silang kumain. Hindi maiwasang titigan ni Brent ang nobya, parang siyang nahihipnotismo sa bawat pag ngiti nito. Matagal na panahon bago niya muling naramdaman ang kakaibang saya.

Nang matapos nilang kumain ay agad niyang inakay ang nobya sa bench na nandoon. Magkatabi sila nakaupo at magkahawak kamay. Pagkaraan ay tumingala si Brent sa langit na may maningning na mga bituin, at nagwika.

"See that stars? They are shining as you twinkle."

Mahinang nagpakawala ng tawa ang dalaga sa sinabi ng nobyo.

"Hhmm, talaga?" Aniya at isinandig ang ulo sa balikat ng binata.

"Yup. Pag nakatingin ako sa mga mata mo para talaga silang mga stars na nangingislap. Hinuhugot ang malalim na damdamin." Sagot ni Brent at idinikit din ang ulo sa nakasandig niya ulo.

"Paano pag nawalan na ng kislap 'yong mga mata ko?"

"Para sa'kin iyan pa rin ang pinaka maningning na mga matang nasilayan at makikita ko ." Masuyong wika niya at marahang tinaas ang mukha ng dalaga upang magtama ang paninin nila.

"Kahit anong mangyari ikaw ang magsisilbing tanglaw ng buhay ko. Akala ko noon hindi na ako magmamahal ng higit pa. Pero dumating ang pagkakataong muling tumibok ang puso ko. And i'm glad ikaw ang napili niya. Mahal kita." Madamdaming pahayag ng binata.

Puno ng kagalakan at hindi maipaliwanag na damdamin ang lumulukob sa dalaga ng mga oras na iyon.

"Hindi ko rin akalain na ang pinapangarap kong pag ibig ay mabibigyang katuparan. I couldn't ask for more, as long as you're beside me. Mahal din kita." Ganti ng dalaga.

Napapikit ang dalaga ng unti-unting inilapit ng binata ang mukha. Isang masuyo at puno ng pagmamahal na halik ang iginawad nito sa kaniya. Katulad ng kislap ng mga bituin sa langit na nagsasabog ng kakaibang liwanag ng mga sandaling iyon ay ang pag uumapaw din ng kanilang mga damdamin.

"Handsome? Can you tell me paanong namatay ang first love mo?" Tanong ng dalaga.

Nabanggit kasi ng nobyo na namatay sa isang trahedya ang unang minahal nito.

Isang buntong hininga ang ginawa ng binata bago nag wika.

"She's a lawyer also, but we're in different forte. I'am a corporate lawyer while Diane is a criminal defence lawyer." Simula ng binata.

Masaya at kontento sila bilang magkasintahan. Naisip na rin ni Brent na pakasalan ito. Ngunit hindi nila inaasahan na mamatay ito. Dahil magaling at matapang na abogada si Diane ay marami na rin itong nakasagupang malalaking tao.
Sa mismong araw ng proposal sana ni Brent ay nabaril ang dalaga. At ang pinaka masakit ay sa mga bisig niya ito nalagutan ng hininga. Halos ikamatay ng binata ang pagkawala ng minamahal. Apat na taong dinamdam at pinagluksa niya ang pagkamatay nito.
Ngunit kalaunan ay natanggap na rin niya.

Ngayon ay anim na taon na ang lumipas at masasabing ni Brent na natanggap na niya ang paglisan ng dating kasintahan.

"Nanghihinayang ka bang nawala siya?" Pag aarok ng dalaga sa damdamin ng nobyo.

"Ngayon ko naiisip na kaya pala siya kinuha at nawala, iyon ay dahil darating ka sa buhay ko. Na mas hihigit at mas mahahalin ko. Kung iniisip mong mahal ko pa siya, nagkakamali ka dahil isa nalang ang sinisigaw nitong puso ko, at ikaw iyon." Wika ng binata at marahang hinaplos ang pisngi niya.

Pumatak ang mga luha ng dalaga dahil sa mga narinig.

"Thank you handsome." Aniya at siya na mismo ang umabot ng mga labi nito.

"Tandaan mong kahit anong mangyari nasa tabi mo lang ako." Pagkaraan ay bulong ng binata.

Puno ng pag ibig lang ang tanging nararamdaman nila ng mga sandaling iyon, hindi nila alam ang isang pagbabagong magaganap sa kanilang mga buhay..  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon