Chapter 5

3.1K 95 2
                                    

  "I..I'm..Oh shit!" Inis na mura ng binata at walang salita-salita ay nilapitan niya ang dalagang nakatayo.

Maang na napatingin si Jecka sa ginawa ng binata. Halos pantay na silang dalawa, at hinawakan nito ang isang kamay niya.

"I'm really sorry. I didn't mean to be an asshole. Mali ang ginawa ko." Patuloy na pinipisil pisil nito ang kamay niya.

"Ah, guilty ka? Nabigla naman ako." Sarkastikong binawi ng dalaga ang kamay.

"Jecka, nandito ako para mag apologize for being rude and disgusted." Aniya.

Mapaklang tumawa naman ang dalaga sa narinig.

"Okay. Apology accepted. You may go mr. Lorenzo. If you don't mind?" Bakas pa rin ang pag uuyam sa tinig niya.

Huminga ng malalim si Brent, sa naging reaksyon ng dalaga.

"I know hindi ganoon kadali. But please, ayokong magalit kayong lahat sa'kin. Aalis ako, pero one thing na hindi ko ihihingi ng tawad.." Anito at sinadya pang bitinin ang mga salita.

"The moment that i kissed you." Wika ng binata at diretsong lumabas.

Maang na natigilan ang dalaga sa narinig.

...

NANG mga sumunod na araw ay hindi inaasahang balita ang natanggap ni Jecka mula sa photographer niyang pinsan, si Aries.

"Are you sure?" Pagtitiyak ni Jecka.

"Yeah, in two weeks launching na ng Adam's collection diyan sa pilipinas. At kasama 'yong mga minodel mong summer dresses." Pag babalita nito.

"Oh, that's nice." Aniya.

"That's it?" Ani ni Aries.

"Anong that's it?" Takang tanong ng dalaga.

"Ganiyan lang reaksyon mo, cousin? Alam mo bang pag nagkataon, makikilala ka diyan sa pilipinas? You're gonna be famous."

"Ah, iyon ba? Wala naman akong balak i-pursue. Alam mo 'yan."

"I know, baka lang naman magbago pa isip mo. Sayang naman, basta see you in two weeks. Bye." Anito at nawala na sa linya.

Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang ginagawa.

...

NANG mga oras ding iyon ay abala si Berry sa meeting niya.

"Ma'm Berry, i-cocover natin 'yong launching ng Adam's collection diba?" Ani ni Liza.

"Yes, at isasali iyon sa entertainment page. Magpadala kayo ng mga researcher. At focus kayo sa event." Wika niya ng biglang sumagi sa isip niya si Jecka.

Hindi ba sa Adam's collection ito nagmodel?
Ibig sabihin pwede itong rumampa sa catwalk ng event pag nagkataon? Napapangiti siya sa ideyang pumapasok sa isip niya.

...

ARAW nang linggo at kasalukuyang nanunuod ng entertainment news si Jecka. Nang mag-flash ang isang interview kay Sofia Lee.

"Sofia, is that true na ang bago mong boyfriend ay ang corporate lawyer ng sikat na society magazine? The certified bachelor Brent Lorenzo?" Tanong ng interviewer.

"Oh, no, no. The real score is we're exclusively dating. Pero hindi pa kami officialy. And focus kasi ako sa up coming concert ko kaya hindi ko mapagtuunan ng pansin ang love life ko." Anito habang nakapaskil ang matamis nitong mga ngiti.

"Pero according sa source a month ago pa naging kayo?" Muling tanong dito.

"Like what i've said we are not officially on. Masyado akong maraming obligation right now para sa diyan. We're friends." Maarteng tugon nito.

Napapailing naman si Jecka sa mga narinig.

"Showbiz ka talaga. Bakit kailangan mag deny? Ano naman ang masama kung inamin niya?" Hindi mapigilang komento niya.

"Kawawang Brent, dinedeny ng sariling girlfriend." Aniya at sinubo ang kinakain.

Samantala, madilim ang anyo ni Brent, habang pinapanuod ang interview ni Sofia. Maraming katanungan ang gusto niyang itanong dito.

Kuyom ang palad na dinial ang numero nito. At agad naman itong sumagot.

"Hi, babe napatawag ka?" Malambing pang tanong nito.

"Anong ibig sabihin ng lumabas mong interview?" Mariing wika ng binata.

"Ah, iyon ba? Sorry babe ha? Kasi baka pag inamin ko agad, maapektuhan ang mga endoser ko, saka 'yong papalapit kong concert." Anito.

"Anong reason 'yan Sofia?! Bakit ka pumayag na maging tayo, kung takot ka palang maapektuhan ang mga projects mo?"

"Pwede ba, Brent? Bago mo ako niligawan alam mo ang status ko! Celebrity ako at may imahe akong pina-ngangalagaan." Pakli nito sa kaniya.

"Very well said. Kaya pala kulang nalang sa loob tayo ng kuwarto mag date. Kasi hindi pala nila dapat malaman. This conversation is over. Malaya ka na gawin lahat ng gusto mo. Goodluck sa career mo." Malamig na wika ng binata.

"So, break na tayo? Okay fine!" Walang pagdadalawang isip na sang ayon nito at pinatayan siya ng linya.

Naihalamos ni Brent ang mga palad sa mukha, matapos ang usapan nila ni Sofia.
Ngayon niya napagtanto na masyado itong nasisilaw sa career.

"Hindi na talaga ako natuto!" Inis niyang wika sa sarili. Parang may sumpa ang pakikipag relasyon niya sa mga sikat.

Mula nang ikasal si Berry ay masyadong naging mataas ang pamantayan niya sa babae. Isang beauty queen, news caster at ngayon ay isang singer ang mga nakaka-relasyon niya at puro walang nangyari.

Bigla sumagi sa isip niya si Jecka. Ang dati nitong imahe na simple at sweet. Muling bumalik sa ala-ala niya ang mga nangyari bago ito umalis..

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon