Chapter 21

3.5K 80 0
                                    

  MASAMA ANG loob at pilit na nilulunod ni Brent ang sarili sa alak. Tripleng sakit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Tila echo sa pandinig niya ang mga binitawang salita ni Jecka.

Sa sobrang emosyon ay napahawak siya ng mahigpit sa basong hawak at nabasag iyon sa mga kamay niya. Dama ng binata ang sakit at kirot ng tumulo ang sariwang dugo sa kamay niya. Hindi niya namalayan ang pagdaloy ng kaniyang mga luha.

"Mahal na mahal kita..Pero bakit?" Usal ng binata at mariin napapikit. Hinayaan lamang niya ang mga butil ng luhang nagsilandas, maibsan man lamang kahit papaano ang sakit na nararamdaman.

Habang si Jecka naman ay nagkulong at magdamag na nag iiyak. Nais niyang magsisi sa mga nasabi sa nobyo, ngunit sa isang bahagi ng utak niya na nagsasabing tama lang ang ginawa niya upang masanay na ang puso niyang wala ito. Paano nalang pag hindi na siya gumaling? Ayaw niyang magdusa si Brent dahil sa kahihinatnan ng kondisyon niya.

...

ILANG ARAW makalipas ay dumalaw ang mag asawang Berry at Uno. Ngunit bigo silang makaharap ang dalaga. Nanatili lang ito sa sariling silid. Maging si Pinky ay hindi matiis ang matalik na kaibigan, ngunit wala rin siyang napala.

Habang si Brent ay walang sawang literal na kumakatok sa pintuan ng dalaga. Kahit alam niyang hindi siya haharapin nito.

"Twinkle, 'wag mo kalimutang uminom ng gamot ha? Aalis na ako, i love you." Wika ni Brent habang nakadikit ang tenga sa pinto ng silid nito. Ganito siya lagi pag nagpupunta sa unit ng nobya. Hindi man ito sumagot alam naman niyang naririnig siya nito.

Habang sa loob ng silid ay mahinang lumuluha din ang dalaga. Nais na niyang pagbuksan ng pinto si Brent ngunit nagpipigil lang siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya ngunit naninindigan ang pagkaawa niya sa sarili.

Bago tuluyang umuwi ang binata ay masinsinan niyang kinausap si Carmela. Alam niyang ito lang ang natatanging paraan para sa ikabubuti ni Jecka.

...

MAHIHINANG katok sa pintuan ang mga narinig ni Jecka, alam niyang ang kaniyang ina iyon.

"Anak, pwede ba tayong mag usap? Please?" Pakiusap ni Carmela.

Parang pagod at wala ng ganang magsungit si Jecka, pagkaraan ay isang tango ang naging sagot niya.

Marahang lumapit si Carmela sa anak at sa misong harapan siya umupo.
Masuyo niyang sinapo ang mukha ni Jecka at nagwika.

"Hindi ka pa ba pagod? Tama na anak, buksan mo uli ang puso mo para sa ikasasaya mo at ng mga taong nakapaligid sa'yo. Ibalik mo na ang dating ikaw kasi miss na miss kana naming lahat." Basag na tinig ng ginang.

Mariing napapikit at napayuko si Jecka kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"Ma' h-hirap na hirap na din ako. Pero pag naiisip kong wala na akong silbi, gusto kong magalit, alam ko nakakasakit ako pero hindi ko alam kung paano ako babangon."

"Nandito kaming lahat para tulungan ka, tanggapin mo lang anak."

"Kung papayag ka dadalhin kita sa new york, nakausap ko na ang matalik kong kaibigan na may anak na isang ophthalmologist na naka base doon. Ikaw nalang ang kailagan anak. Gusto kong gumaling ka." Ani ni Carmela.

"Ma' baka wala rin mangyari." Nauunahan ng takot at pag aalinlangan ang dalaga. Takot dahil ayaw niyang umasa pati na ang mga tao sa Paligid niya. Pag-aalinlangan dahil baka masayang ang effort ng ina.

"Paano natin malalaman kung takot kang subukan? Please anak pumayag kana." Mahigpit na hinawakan ni Carmela ang mga kamay ng anak.

"Para sa mga pangarap mo, para kay Brent. Ako na ang bahala sa lahat, magtiwala ka lang." Dagdag pa ng ginang.

Saglit na natigilan ang dalaga at mahinang napahikbi. Gusto niyang gumaling at muling makita ang ganda ng mundo.

"S-subukan n-natin, mama." Aniya sa pagitan ng pagluha.

Animo'y natanggal ang kung anong mabigat sa dibdib ni Carmela pagkarinig ng pagsang ayon ng anak.

"Salamat anak! Salamat." Mahigpit niyang niyakap ang anak na ginantihan naman ni Jecka.

...

PARANG MAY mga pakpak na nagsidatingan ang magkakaibigan ng makatanggap ng tawag mula kay Jecka. Pinapupunta sila nito at gustong makausap.

Mahihigpit na yakap at patak ng mga luha ang namagitan sa muli nilang pagkakaharap harap.

"Girl kainis ka ngayon mo lang kami naalala." Singhot-singhot na wika ni Pinky.

"Thank you at okay kana." Dagdag ni Berry.

"Sorry sa lahat ng mga nasabi at nagawa ko. Tama kayo kahit ano mangyari magkakaibigan tayo. At kahit kailan hindi na natin mapaghihiwalay ang mga nakabigkis na mga pinagsamahan natin. Patawarin niyo ako." Wika ni Jecka at malungkot na ngumiti.

"Ikaw lang naman ang nakalimot pansamantala eh." Sabat ni Miko.

"Handa kaming damayan ka no matter what." Ani naman ni Ferdz.

"Mabuti naman nagpatawag kana ng meeting, kasi 'yong asawa ko parang batang nag iiyak." Biro ni Uno na ikinatawa ng lahat.

"Pero sandali, si Brent pa yata ang nahuli?" Tanong ni Uno.

Malungkot na sumagot ang dalaga.

"Hindi ko talaga siya tinawagan."

"Pero bakit? I mean, hindi ba dapat siya ang isa sa mga taong dapat ay makasama mo sa pagpapa gamot mo? Miss na miss kana niya, Jecka." Ani ni Berry na tumingin sa gawi ng asawa.

Isang ngiting hindi umabot sa mata ang ginawa niya.

"God knows miss na miss ko na din siya. Para akong sinasaksak ng paulit ulit pag naririnig ko ang boses niya. Ilang ulit ng sakit sa'kin pag nandito siya at nagbibingi-bingihan ako sa mga tawag niya. Pero pinipilit kong tiisin." Tuluyan ng bumagsak ang mga napipintong luha niya.

"Bakit kailangan mong gawin 'yan? Hindi kaba magpapaalam sa kaniya? Hindi mo man lang ba sasabihin sa na aalis ka papuntang new york?" Tanong muli ni Uno.
Samantala tahimik lang ang iba habang nakikinig, kabilang na ang isang pusong nilulukob ng matinding lungkot at paninimdim ng damdamin na katabi lamang ni Uno.

"Ayokong magpaalam sa kaniya dahil sa parehong dahilan."

"Anong dahilan?" Tanong ni Pinky.

"Hindi ko gustong magpaalam sa kaniya dahil, ayokong mapangako na babalik ako at magiging maayos na ang lahat. Dahil hindi ko tiyak kung magagamot pa ako. Hindi ko nais na umasa siya. Sa ikalawang dahilan ay dahil hindi ko kayang basta nalang magpaalam ng ganoon kadali. Siya ang pangarap kong pag ibig mula pa ng unang mag-krus ang mga landas namin. Pero nagtatalo ang puso at isip ko ngayon. Mahal na mahal ko siya at ayokong madamay siya sa kahahantungan ng miserable kong kondisyon at sitwasyon." Mahabang paliwanag ng dalaga at mahinang napahikbi.

"Bakit hindi ka nagtitiwala sa pag ibig ni Brent? Hindi mo naisip na gusto ka niyang alagaan at damayan?" Ani muli ni Pinky.

Marahang napailing ang dalaga.

"Mabuti na ang ganito, kesa pareho kaming mas masaktan sa huli."

Mula sa katapat ng upuan ay mapait na ngumiti si Brent. Kanina pa siya naroon at nakikinig na katabi lamang ni Uno. Parang naninikip ang paghinga niya sa mga narinig. Pagkaraan ay marahan siyang tumayo at saglit na pinakatitigan ang nobyang panay ang paglandas ng luha. Gustohin man niyang lumapit ay nagpipigil siya. Isang tango para sa lahat ang ginawa niya at mabigat na humakbang papalabas ng unit.

Pawang mga tinging nakikisimpatya lang ang nagawa ng mga naroon ng tuluyan ng nawala si Brent. Wala silang magawa dahil sa kagustuhan na rin ni Jecka.

...

MABILIS NA naisaayos ang lahat upang tumungo sa new york ang dalaga. Nais niyang magtanong sa ina kung paano nitong naisagawa ang lahat ng ganoon kadali. Ngunit nanahimik na lamang siya.

Habang lulan ng eroplano ay lungkot na lungkot ang namamayani kay Jecka. Okupado ni Brent ang puso at isip niya.
Lalo pa at pakiramdam niya ay katabi lamang niya ang nobyo. Parang pamilyar kasi sa kaniya ang amoy ng katabing pasahero. Kumakabog ang dibdib niya.

"Brent?" Hindi mapigilang anas niya.

"Jecka anak, ano 'yon?" Wika ni Carmela na nasa kaliwang gilid niya.

"Mama si Brent nandito ba siya?" Tanong niya habang ang lakas ng pintig ng puso.

"Anak ano bang sinasabi mo? Paanong makakasama natin si Brent dito?" Takang wika ng ginang.

Saka lang tila natauhan ang dalaga. Oo nga naman paanong mapupunta ang nobyo doon, ni hindi nga siya nagpaalam o tumawag man lang lang.

Nanlulumong napasandig at mariing napapikit ang dalaga sa sandalan ng upuan niya.

"I'm sorry, Brent." Mahinang usal niya.

...

"HOW'S my beautiful patient?" Bati ng doctor niyang si Marlo.

Agad na napangiti ang dalaga habang naka-benda ang mga mata.

"Happy and excited." Sagot ng dalaga.

Isang buwan mula ng dumating sila sa albany, new york ay agad na sumailalim sa mga iba't-ibang pagsusuri. Inihanda at tiniyak muna na sapat ang lahat bago siya operahan, kaya't umabot ng halos isang buwang pananatili niya sa pinaka malaking hospital ng siyudad. Nakilala din niya ang kanyang resident specialist doctor na si Marlo Buenavizta, ang anak ng kaibigan ng ina. Magiliw at mabait ito. Matiyagang nakaalalay sa kaniya hanggang sa operasyon niya.

"Where is Candice?" Maya-maya ay tanong niya.

Tinutukoy ng dalaga ay ang girlfriend nito na palagiang pumupunta kaya't nakilala din niya. Madali niyang nakagaanan ng loob dahil una palang nilang pagdadaupang palad ay mabait na ito sa kaniya, tila nakatagpo siya ng mabuting kaibigan sa katauhan nito.

"Later she's coming. And hindi ka matitiis na hindi ka maka-kwentuhan." Masayang sagot nito.

"I missed her, three days siyang hindi pumunta dito. Wala tuloy akong ka-kwentuhan."

"Don't worry she's coming today. Umuwi muna kasi siya sa amsterdam to visit her parent's."

Tumatango lang si Jecka bilang pagsang ayon.

Naka-base din si Candice sa Albany Medical hospital bilang isang dermatologist ng naturang pagamutan. Kung saan isang specialista naman ni Marlo. Tunay na pinagpapasalamat ng dalaga ang mga mabubuting tao na naging sandigan niya sa lumipas na buwan, kabilang na ang kaniyang ina na laging nasa tabi niya.

Hindi rin naman nawala ang komunikasyon niya sa mga kaibigan na nasa pilipinas. Panay din ang kamustahan nila.

Ngunit ang puso niya ang lubos na nangungulila. Nitong nakaraan lang ay nagtangka siyang tawagan si Brent ngunit bigo siyang makausap ito. Lubos ang panlulumo niya ng sabihin ni Berry na mula din ng umalis siya ay nawalan na sila ng balita sa binata. At naka-indefinite leave naman ito sa society magazine. Sinubukan din niyang tawagan ito sa resort ngunit tanging assistant lng din nito ang nakausap niya at hindi rin alam kung nasaan ang boss. Alam naman niyang kasalanan niya kung bakit ito lumayo ngayon.

Madalas ay nagigising din siya ng alanganin, dahil tila naririnig niya ang boses nito na parang kinakausap siya. Pati ang mainit nitong labi na dumadampi sa nuo niya. Ngunit sa tuwing tatawagin niya ang pangalan nito ay walang anumang sagot. Marahil nga ay dala ng pagkasabik niya sa binata kaya't nadadala niya maging hanggang sa pagtulog.

...

DUMATING ang araw na pinakahihintay nang lahat lalo na si Jecka. Ngayon na tatanggalin ang benda sa mga mata niya. Abot-abot ang panalangin at kaba sa puso ng dalaga ng mga oras na iyon.

"Anak relax ka lang." Ani ni Carmela sa anak. Nang hawakan niya ang kamay ng anak ay nanlalamig iyon.

"Huwag kang kabahan." Wika ni Marlo habang tinanggal na ang pin ng benda niya.

"We're all here no matter what." Sagot ni Candice.

Ilang sandali pa ang lumipas ng muling nagsalita si Marlo.

"Open your eyes, Jecka. Take it slowly." Utos nito sa kaniya.

Nanginginig at unti-unting iminulat ng dalaga ang mga mata.

Malabo at pawang kulay abo lang ang nakikita niya ng una. Ilang kurap at pikit muna ang ginawa ng dalaga.

"Anak?" Tawag ni Carmela habang kumakabog din ang dibdib na naghihintay.
Marahang napalingon si Jecka sa ina pagkaraan ay lumandas na ang masaganang luha.

"M-mama, na-nakikita na kita!" Aniya at tuluyang ng napahikbi.

Isang mahigpit na yakap at mga luha ng kaligayahan ang puno sa buong paligid.

Puno din ng kagalakang nakamasid sina Marlo at Candice sa mag inang nag uumapaw ang ligaya.

Nang maghiwalay ang dalawa ay saka pinakilala ni Carmela ang dalawa ng pormal.

"Anak siya si Dr. Marlo ang responsable ng lahat." Anito.

Isang ngiti at inilahad ni Jecka ang kamay na agad namang inabot ng binata.

"Thank you. Maraming salamat sa lahat-lahat." Aniya na patuloy sa pagluha.

"You're welcome. Obligasyon at kaligayahan kong magawa ng tama ang trabaho ko." Ganti ng batang doktor.

"Siya naman si Candice, anak." Tukoy nito sa mestisang babae na nakatayo sa gilid ni Marlo.

Nang magbaling ng tingin si Jecka ay napaawang ang bibig niya. Saglit siyang hindi nakahuma.

Ang laki ng pagkakahawig nito kay Brent!
Parang namamalikmata siya.

"Hi! I'm super happy for you!" Anito at niyakap siya.

Saka lang tila natauhan ang dalaga. At gumanti ng yakap.

"S-salamat C-candice." Aniya at titig na titig sa kaharap.

"Anak Okay ka lang ba?" Untag ni Carmela sa anak na tila natutulala.

"Y-yes, ma'. I'm okay." Pagkuwa'y ngumiti siya.

Bagama't panay pa rin ang sulyap niya kay Candice.

...

DALAWANG buwan ang matuling lumipas, habang malungkot na nakatanaw sa dagat si Jecka. Tulad ng nakagawian niya, tuwing dapit hapon sa gilid ng baybayin ng karagatan, ay lagi siyang nakatayo at tumanaw sa malawak na tubig.

Nitong nakalipas na linggo buhat ng magbalik siya galing new york ay pinili niyang magbakasyon sa resort ni Brent.
Gusto niyang balikan at sariwain ang lahat noong kasama pa niya ito. Dahil hanggang ngayon ay tila bulang naglaho din ito.

"Miss na miss na kita. Sorry sa lahat ng nagawa ko. I deserved to be punished, tinulak kitang papalayo." Mahinang bulong ng dalaga sa hangin.

Tila nakiki-dalamhati din ang langit habang lumulubog ang araw.

"Mahal na mahal kita. Ikaw ang isa sa unang tao na gusto kong makita..."

"Jecka!!!" Sigaw ng tinig.

Agad na napalingon ang dalaga sa pinang galingan ng boses.  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon