PATULOY SI BRENT sa mariing pagsakop ng labi ni Jecka. Habang ang dalaga naman ay unti-unting nakakabawi mula sa pagkagulantang.
Nag-ipon naman ng lakas si Jecka, at buong pwersa niyang tinulak ang binata, dahilan upang mabitawan siya nito, pagkaraa'y isang nakakayanig na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito.
"How dare you! Hindi ba matanggap ng ego mo na isang ordinaryong katulad ko lang ang mambabalewala sa'yo?! Hindi ako marunong ng larong gusto mo, Brent!" Nangagalaiti at hinihingal na wika ni Jecka. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya.
"Look, Jecka hindi iyan ang gusto kong i-impose..." Muli isang sampal ang nagpatahimik kay Brent.
"Cut the crap, Brent! Tanggapin mo nalang na hindi na ako ang dating babaeng naghahabol na mapansin mo! Tulad ng pagtanggap ko sa mga binitawan mong salita sa'kin dati! Alam mo ba na pinagpapasalamat ko pa iyon sa'yo? Dahil na-challenge akong ipakita kung sino talaga ako!" Maigting na pahayag ni Jecka. Nararamdaman na niya ang panghihina ng tuhod at paghapdi ng mga mata. Kaya't nagmamadali siyang pumasok ng sasakyan, at mabilis na pinasibad ito.
Nais namang murahin ni Brent ang sarili sa ginawa. Nakaramdam siya ng pagsisisi at kahungkagan.
May pagmamadali siyang sumakay ng sariling sasakyan. Pilit niyang nililinga ang paligid dahil sa pagbabakasaling maabutan pa niya si Jecka. Ngunit bigo lang siya. Sandali niyang inihinto ang sasakyan, inis niyang pinukpok ang manibela.
"Bullshit Brent! Anong ginawa mo?" Aniya at mariing napapikit.
Samantala, hindi na napigilan ni Jecka ang pag-alpas ng mga luhang kanina pa niya pinipigil.
"Bakit ba ako umiiyak? Diba matibay na ako?! 'huwag kang umiyak!" Sigaw niya sa sarili, habang marahas na pinupunasan ang mga luhang walang patid sa pagpatak. Naiinis siya sa sarili dahil nararamdaman na naman niya ang pagbangon ng kirot sa dibdib.
...
KINABUKASAN, Naudlot ang paglabas ni Uno, habang bitbit ang anak sa garden ng marinig ang mataas na boses ng asawa.
"Aneth, sinong kausap ng ate mo?" Takang tanong niya sa kasambahay.
"Si kuya Brent po, kuya." Magalang nitong sagot.
Agad na pinuntahan ni Uno, ang dalawa.
"Oh, ano ngayon Brent? Hindi mo alam kung anong ginawa mo kay Jecka!" Bulyaw ni Berry sa kaharap, habang naka-pameywang.
"Shine? Ang aga-aga highblood ka. Ano bang problema?" Bati ni Uno sa asawa.
"Ito kasi si Brent!" Ani ni Berry na halos magdikit na ang mga kilay.
"Pare? Mukhang masama umaga ng asawa ko sa'yo." May himig pa ng pagbibiro ni Uno.
"I deserved it, pare. Hindi ko sinasadya" Mababang tinig ni Brent at napahilot ng nuo.
"Teka lang ha? Hindi ako makaintindi sa inyo eh. Ihahatid ko muna 'tong baby Heaven ko, baka magkaroon pa ng nervous breakdown dahil sa mommy niya." Anito at muling pinasok ang anak sa loob.
Ilang minuto lang ang tinagal at muling bumalik si Uno. Agad na sinabi ni Brent ang mga naganap ng nakalipas na gabi.
"Alam mo bang isa sa mga dahilan kung bakit umalis si Jecka, ay dahil sa'yo? Nainsulto mo siya, tapos ito ka na naman." Inis na wika ni Berry.
"I know, Berry. Kaya nga ako nandito dahil hindi ko intensyon na saktan siya uli."
Puno ng sinseridad na wika ng binata.
"Humingi ka ng sorry! Alam mo sa aming tatlo nina Pinky, si Jecka ang fragile. Puno ng kalungkutan ang buhay na kinakilahan niya. She used to live by her grandparents. Dahil produkto siya ng broken family, hindi mo alam ang pinagdaanan niya kaya madali mong nahusgahan ang pisikal niyang itsura. Tahimik lang na tao si Jecka, She alway's bear a smile, but behind that is a lonely woman." Malungkot na pahayag ni Berry.
Lalong nakadama ng pagkadismaya sa sarili si Brent sa mga narinig.
"Kaya ako nagpunta dito, Berry dahil kaibigan mo si Jecka. Ayokong isipin mo na sinasamantala ko siya. I was ask that time kung anong tingin ko sa kaniya. Maybe, yes i'am a pathetic moron. Nasanay akong tumingin sa mga hindi basta-bastang babae. At ikaw alam mo 'yan, dahil once i really admire you. I did not mean to be an asshole." Paliwanag ng binata.
"Hindi basta-bastang babae lang ang best friend ko!" Umaalmang boses na naman ni Berry.
"Shine? Please relax, inaamin naman ni Brent ang pagkakamali niya." Pagpapakalma ni Uno sa asawa niya.
"You know what, pare? Parang pareho tayo ng sitwasyon before." Ani ni Uno..
"Hindi! Hindi pareho! Dahil may girlfriend siya at iyon ang mali, ano ba 'to? Laro?" Inis na bulalas muli ni Berry.
"Wait, ikaw ba, Brent ay may gusto kay Jecka?" Seryosong tanong ni Uno.
"I don't know. Basta i feel annoyed when she keep ignoring me." Tugon ni Brent.
"My god! Ego yan Brent! Hindi mo matanggap na ang dating babaing binabalewala at hindi mo pinapansin noon ay magbabago ng higit pa sa inaakala mo! I'm really, really dissapointed to you. I'm not expecting all of this from you!" Puno ng pagkadimasayang tinalikuran ni Berry ang binata. At nagmamartsang pumasok sa loob.
"Alam mo Brent, wala kang maasahan sa asawa ko, galit din eh. Pero ang mabuti pa pagtuunan mo muna ng pansin si Jecka. Sa kaniya ka humingi ng tawad. Isipin mong mabuti kung ano talaga ang dapat mong gawin." Payo ni Uno sa binata.
Laglag ang mga balikat ng lisanin ni Brent ang bahay ng mag asawa.
...
NATAGPUAN NA LAMANG ni Brent ang sarili na nagbu-buzzer sa pintuan ng unit ni Jecka.
Patamad at painat-inat naman na bumangon ang dalaga, sapo ang masakit na ulo. Hindi na rin siya nag abala pang tingnan ang kasuotan.
Parehong nagkagulatan ang mga reaksyon nila nang buksan ng dalaga ang main door niya. Saka lang niya napagtanto na naka lace baby nighties lang siya.
Sa pagkataranta ay muli niyang naisara ang pintuan, at dali-daling nag-suot ng roba. Parang may nagtatakbuhang mga kabayo sa dibdib niya. Pakiramdam tuloy ng dalaga ay nag iinit ang mga pisngi niya.
Pinuno muna ni Jecka ng hangin ang dibdib at saka muling binuksan ang pinto, kung saan nanatiling nakatayo si Brent.
"Anong masamang hangin ba ang nagdala sa'yo dito?" Mataray na tanong niya.
"Can i come in?" Mababang tinig nito.
Hindi agad nakasagot ang dalaga.
"Please?"
Isang marahas na buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago niluwagan ang pagkaka bukas ng pinto.
"Paki bilisan lang kung anuman ang sadiya mo. As you can see, nakakaistorbo ka." Nakahalukipkip na wika niya.
Hindi naman maiwasan ni Brent ang lihim na humanga sa kaharap. Bakit nga ba ngayon lang niya ito nabibigyan ng pansin? Kung si Berry ay may mala-anghel na mukha, si Jecka naman ay may mapang-akit na mukha.
Kunot nuong tinitingnan ni Jecka ang binatang tila nanaginip ng gising.
"Pumunta ka ba dito para lang titigan ako?" Inis na untag ni Jecka.
"I..I'm..Oh shit!" Inis na mura ng binata at walang salita-salita ay nilapitan niya ang dalagang nakatayo.
BINABASA MO ANG
IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: Gracey
Roman d'amourBRENT LORENZO, certified hunk. Mula nang mabigo sa ninanais na pag ibig ay naging mataas na ang standard pagdating sa babae. ALYANNA JECKA SUAREZ, from being timid and simple beauty, she turned into a daring and alluring woman. Ordinary beauty. No s...