Chapter 13

3.1K 86 1
                                    

  PILIT NA TINUTULAK ng dalaga si Brent. Ngunit mas lalo lamang siyang napapailalim sa marubdob at mapag-parusang halik nito.

Hanggang sa naramdaman ng binata ang pagkalma ng dalaga. Ramdam din niya ang pagtugon nito sa halik niya. Naging masuyo at marahan na ang paraan ng paghalik ni Brent, ngunit hindi nagtagal ay naramdaman niya ang mga kamay ng dalaga na mahigpit na kumakapit sa likuran niya. Saglit siyang napahinto at tinitigan si Jecka, bahagyang nagulat ang binata ng makita ang mga malalaking butil ng luha na nagsilandas sa pisngi nito, habang nanatiling nakapikit ang dalaga.

Nakaramdam naman ng hindi maipaliwanag na awa ang binata kaya't masuyo nalang niya itong niyakap.

Tuluyan ng pinakawalan ni Jecka ang hikbing tinitimpi, lalo na ng maramdaman ang mainit na mga bisig ng binata, tila isang sandigan na handang saluhin lahat ng sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

"I'm sorry." Masuyong bulong ng binata.

"W-wala kang alam, kayong l-lahat sa pinagdaanan ko kaya hindi n'yo ko maiintindihan." Aniya sa pagitan ng pag iyak.

Hindi kumibo ang binata, patuloy lang siya sa pagyakap kay Jecka.

"I-i really hate her..Sila ni daddy! Iniwan nila ako na parang isang tuta. Matagal akong naghintay na may bumalik man lang kahit sino sa kanila, pero wala..Tapos ngayon babalik siya?!" Lalong napahigpit ng hawak si Jecka kay Brent, doon niya binubuhos ang hinagpis at sakit na nararamdaman.

Hindi man malinaw ay unti-unting nababatid ng binata ang saloobin ng dalaga. Bigla din pumasok sa isip niya ang mga sinabi noon ni Berry.

Malungkot ang naging buhay nito simula pagkabata, dahil galing ito sa broken family. Tanging abuelo at abuela lang nito ang kasama. At Salat sa kompletong pamilya.

Ilang sandali pa ang lumipas at nang kumalma ang dalaga. Dahan-dahang kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya.
Nang mag-angat ito ng tingin ay nagtama ang kanilang paningin.
Basa pa ng luha ang malalantik nitong mga pilik mata. Masuyo namang hinawi ng binata ang ilang hibla ng buhok nito na nasa mukha ni Jecka.

Walang anumang salita ang namumutawi sa kanilang mga labi, tila nag-kakaintindihan at nangungusap ang kanilang mga mata. Hindi rin nagtagal ay marahang inilapit ni Brent ang mukha sa dalaga.
Pigil hininga naman si Jecka at habang bumibilis ang tibok ng puso niya. Nang maramdaman niya ang mainit na hininga ng binata ay kusa siyang napapikit ng mga mata.

Nais namang mapangiti ni Brent sa reaksyon ng dalaga. Kaya't buong suyo niyang inangkin ang malambot at naghihintay nitong labi. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay parang sumabog ang iba't-ibang kulay sa paligid. Kung kanina ay marahas at mapagparusa ang halik na ginagawad ng binata, ngayon naman ay kabaliktaran. Dahil Puno na ng init at suyo ang bawat pananalasa ng labi nito.

Kahit na bago kay Jecka ang pinalalasap ng binata ay matiyaga niya itong sinasabayan.

'This is can't be!' Biglang sigaw ng isip ng dalaga.

Bago pa lumalim ang kanilang pinagsasaluhan ay nanaig pa rin ang kamalayan ng dalaga na magprotesta. Kaya't bigla niyang naitulak si Brent, dahilan upang magkaroon sila ng distansiya.

Takang napatingin sa kaniya ang binata.

"This is not supposed to be happened! No, Brent!" Aniya at may pagmamadaling lumabas ng pinto. Halos takbuhin na niya ang daan upang makalayo lang sa presensiya ng binata.

"Jecka, wait!" Habol ng binata ngunit hindi na niya ito naabutan. Habol tanaw nalang niya ang binagtas nitong daan.

Kinagabihan ay nagkulong lang ang dalaga sa cottage niya. Makailang ulit na nagpapalitan ng katok sina Berry at Pinky upang pakainin ang dalaga ngunit balewala.

Kaya't nagpasiya silang hayaan nalang itong mapag-isa.

Ganoon din si Brent na nagmukmok sa mini bar niya sa loob ng resort. Pilit niyang inaanalisa ang sariling damdamin. Siguro nga ay hindi na basta-basta ang kaniyang nararamdaman kay Jecka. Hindi niya maiintidihan ang pakiramdam ng makita niya ang paghihirap ng kalooban nito ng mga sandaling nasa mga bisig niya ang dalaga. Alam at ramdam niya ang malaking sugat at sakit na dinaranas nito ngayon.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ng binata, habang nilalaro-laro ang baso ng alak na hawak.

"I'm willing to take all of your pain ..." Marahang bulong niya at inisahang lagok ang laman ng baso.

...

KINABUKASAN HULING shoot ng dalaga para sa society magazine. Kahit na hindi gaanong nakatulog ay pilit parin niyang ginawa ang mga pinagagawa sa kaniya.

Habang malungkot na nakatanaw lang si Carmela sa di kalayuan. Pigil ang mga luha at isang matamlay na pag ngiti ang kaniyang ginawa.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ng mag asawang Berry at Uno, ang reaksyong ginawa ng ginang.

"Tarzan, parang may mali sa itsura ni tita Carmela. Pansin mo din ba?" Hindi nakatiis na untag ni Berry sa asawa.

"Meron nga Shine, she look pale. Physically, parang weak siya." Ani ni Uno.

Nagsalubong ang tingin ng mag asawa at panabay pa na nagwika.

"Parang may sakit?" Duet nilang dalawa.

"So pareho tayo ng paningin at pakiramdam." Ani ni Berry at muling tinuon ang tingin sa ginang na di kalayuan.

"Aalamin ko, Shine." Wika ni Uno.

Samantala naging abala din si Brent nang araw na iyon dahil sa pag gunita ng ika-sampung taon ng anibersaryo ng resort. Maraming hinanda ang kaniyang pamunuan na iba't-ibang activities para sa mga turista, lalo na sa mga sea-sports ng resort. At pagdating ng hapon ay gaganapin ang isang programa para sa lahat ng nandoon. At inaasahang tatagal ng dalawang araw. May mga games at mga presentation. May magpe-performed din na mga artista at banda.

Kaya halos hindi nagkita sina Brent at Jecka.

Nang tanghalian ay pilit na maging kaswal ng dalaga habang kasabay na nakain ang ina, nasa iisang lamesa lang sila kasama ang mga kaibigan. Ngunit tila hindi nag-e-exsist sa paningin niya ang ina.

"Mauuna na ako sa inyo. I'm tired at gusto ko lang muna magpahinga." Ani ni Jecka sa lahat.

"Tapos kana? Mamaya ha, don't miss the special event ng resort." Wika ni Miko sa dalaga.

"Oo nga, let's enjoy minsan lang 'to." Dugtong pa ni Ferdz.

"I will try." Walang ganang sagot ng dalaga.

"Ihahatid na kita, Aj." Ani ni Gwel at tumayo.

Habang papalayo ang dalawa ay biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Carmela. Awang-awa naman na nakamasid lang ang magkakaibigan.

Nang marating nila ang cottage ng dalaga ay hindi nakatiis si Gwel na magtanong.

"Aj, anong nangyari kahapon sa pag uusap niyo ni Brent?"

Saglit na hindi nakaimik ang dalaga. Paano ba niya sasabihin ang mainit na tagpong naganap sa kanila?

"N-nothing Gwel. Hindi din niya ako naiintindihan." Pag iiwas ni Jecka.

Malamlam ang mga tinging ginawad ni Gwel sa dalaga at muling nagwika.

"Alam ko kailangan mo ng masasabihan ng lahat ng dinaramdam mo. Why don't you trust me?" Anito at hinawakan ang kamay niya.

Bahagyang ngumiti si Jecka at gumanti ng pagpisil sa palad ng binata.

"Hindi pa ako handa, Gwel. Masyadong malalim at masakit ang lahat. Sana maintindihan mo." Ani ni Jecka.

Walang nagawa si Gwel kundi igalang ang nais ng dalaga.

"Sige, pahinga kana. Para mamaya okay ka. Magsasaya tayo." Anito sa kaniya.

Tanging pagtango nalang sagot ng dalaga bago tuluyang pumasok.

Samantala, hindi na rin makatiis sina Berry at Pinky kung kaya kinausap na nila si Carmela.

"Tita, pwede po bang malaman kung bakit malaki ang hinanakit sa'yo ni Jecka? Masyado pa po kaming mga bata ng huling magkita tayo. At kahit po super best friend namin ang anak n'yo, ay hindi din po malinaw kung bakit kayo umalis noon. Basta ang alam lang namin naghiwalay kayo ni tito Mon, at si Jecka naiwan kina mamsy at popsy." Mahabang wika ni Berry.

Matamang nakikinig lang ang lahat.

Mapait na ngumiti si Carmela bago sumagot.

Tama namang paparating si Brent.

"Nagsimula ang lahat dahil sa pagkakaroon ng kabit ng ama ni Jecka. Pilit akong nagbulagbulagan para hindi masira ang pamilya naming binuo. Nag-resign ako sa pagiging nurse para lang matutukan ko ang pamilya ko. Pero dumating na sa puntong hindi ko na masikmura. Lumalala ang away naming mag-asawa at lagi iyong nakikita ni Jecka. Nagbanta akong idedemanda ko ang asawa ko pati na ang kabit niya. Pero tuso sila dahil binaliktad nila ako. Sinet-up nila kami ng kaibigan ni Mon. Hanggang sa pati ang mga biyenan ko ay nagalit na. Pilit kong pinapaunawa sa kanila ang lahat pero mas matimbang ang tinagping kwento ng anak nila."

Saglit na tumigil ang ginang dahil sa pag-garalgal ng tinig. Pinuno muna nito ng hangin ang dibdib bago muling nagpatuloy.

"Naghiwalay at napalayas ako sa sarili kong pamamahay. Pilit kong kinukuha si Jecka, ngunit ayaw siyang ibigay ng lolo at lola niya. Wala akong laban sa kanila, simpleng tao lang ako at sila ang makapangyarihan. Kilalang magaling na abogado ang lolo ni Jecka. Ganoon din ang lola niya na dalubhasang doktora. At ang asawa ko na isang piloto. Anong laban ko sa kanila? Paulit ulit kong sinubukang kunin ang anak ko pero, paulit ulit lang din akong nabigo. Kaya nagpasiya akong mangibang bansa, upang makaipon ng sapat na lakas at pera, para mabawi si Jecka. Pero sa kasamaang palad ay nakulong ako at muling napagbintangan sa kasalanang hindi ko ginawa." Tuluyan ng pumatak ang mga luha nito.

"Halos mawalan na ako ng pag asa pa na muling makakasama at makikita ang anak ko. Pero pinilit kong magpakatatag sa loob ng mahabang panahon. Ngayong nandito na ako ay hindi ko na kayang alisin o baguhin pa ang pagtingin ng anak ko sa'kin. Pero sana kahit ma-pangkinggan man lang niya ako, bago tuluyang...." Naudlot pa ang sasabihin nito ng humagulgol na ito.

Parang kinukurot ang puso ni Brent sa nakikita, sadiyang naging masaklap ang naging buhay ng ginang.
Pati sina Berry at Pinky ay panay ang punas ng luha.

Muli na namang napansin ni Uno ang pamumutla ni Carmela at ang paghawak nito sa dibdib.

"Tita Carmela, tama na po. Magpahinga na rin po muna kayo." Ani ni Uno.

"Ako nalang ang maghahatid kay tita." Presenta ni Brent at inalalayang tumayo ang ginang.

Hanggang sa pagpasok nila sa cottage ni Brent ay todo alalay ang binata. Bigla kasi niyang namiss ang mommy niyang nasa states kasama ng daddy at dalawa pa niyang kapatid.

"Brent, hijo. Maraming salamat ha?" Anito at ngumiti sa binata.

"Welcome po tita. Sana matupad din po ang mga dasal niyo na mapangkinggan kayo ni Jecka." Ani ng binata.

"Sana nga. At sana ay ikaw din." Makahulugang tumititig si Carmela kay Brent.

"Ano po?" Takang tanong niya.

"Alam ko ang tungkol sa inyo. Si Pinky ang nagkwento. Alam mo noong bata pa si Jecka, mahilig na talaga yan sa mga bulaklak. At ang pinaka-paborito niya ay ang daffodils. Marami kasing kulay at sumisimbolo sa inspiration, clarity, honesty, rebirth at forgiveness. Iyan din kasi ang pinaka gusto kong bulaklak. Pag binibigyan ko siya niyan ngumingiti na ang anak ko. Hindi ko lang alam kung iyan pa rin ang gusto niya ngayon." Muling bumanaag ang lungkot sa mga mata nito.

"Opo, iyan parin ang gusto niya." Ani ni Brent at ngumiti.

Sina Pinky at Berry ang nagsabi sa kaniya na iyon nga ang gustong bulaklak ng dalaga.

"Ganoon ba." Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Carmela sa narinig.

Hanggang makaalis ang binata ay nangingiti parin si Carmela.

...

SUMAPIT ang oras ng programa pagkahapon at pati mga turista ay nagtipon-tipon sa pinaka sentro ng beach. Lahat ay nakikisaya at nag-eenjoy.

Kompleto na rin silang magkakaibigan na nanunuod ng programa. At ilang sandali pa ay nagsalita na ang host.

"Are you having fun everyone? Well, this time is something more fun and enjoyable. We are going to have a game. Can i ask a couple or a sweetheart from the crowd? I need five pairs." Masayang wika ng host.

"Sali tayo Shine!" Excited na hinila ni Uno ang asawa. Natatawa namang tumalima si Berry.

"Honey, i Love to participate." Hirit din ni Chris kay Marjorie. At nakangiting sumunod din sila.

"Sayang wala tayong mga partner!" Wika ni Pinky.

"Oo nga! Cheer nalang natin sila." Ani ni Miko.

"Tayo Aj, gusto mo?" Hirit ni Gwel.

"No, ayoko. nuod nalang tayo. Couple game yan eh." Natatawang tanggi ng dalaga.

Dalawang pares ng mga turistang banyaga pa ang pumunta sa harap. Ngunit kulang pa ng isang pares kaya't muling nagsalita ang host.

"Okay, so i need one more pair and i would like to called our very own boss of this resort, Sir Brent please come and join them." Tawag ng host sa binatang nasa g gilid ng mga staff niya.

Umiiling na tumatawa lang ang binata.

"Sige na sir, 'wag kang kill joy. Please sir." Pangungulit ng host.

"I have no pair. I'm sorry." Sagot ng binata. Lalo namang nag cheer ang mga crowd.

"No problem! Jecka is here!" Agaw atensyon ni Pinky at hinila bigla si Jecka.

Nanlalaki ang mga matang nagproprotesta din si Jecka.

"T-teka Pinky! Ayoko!" Aniya at nakikipag hilahan pa sa kaibigan.

"Huwag kang kill joy! Go." Ani ni Pinky at pinalalakihan pa siya ng mga mata.

Pilyong nag cheer naman sina Miko at Ferdz, pati ang mga mag asawang nasa harapan na.

"Go, Brent!" Ani ni Uno at Chris.

Hindi na nagpapilit pa si Brent at agad na hinawakan ang dalaga sa kamay upang pumunta sa harap.

Magkakatabi pa silang nakahilera. Ang mag asawang Uno at Berry, Chris at Marjorie. At sila ni Jecka.

Naiilang na nahihiya ang pakiramdam ni Jecka ng mga oras na iyon, pero wala na siyang magawa.

"Wow, nice couple. Okay love birds, listen carefully to the mechanics of this game." Panimula ng host.

"Our game is so called CHAPSTICK CHALLENGE." Dagdag nito.

Halos lumuwa at mapasukan ng langaw ang bibig ng dalaga sa narinig.

'Chapstick challege!' Sigaw ng isip niya.

Ito ang laro kung saan papahiran ng flavoring o kaya candy lipstick, ang labi ng partner at huhulaan naman ito ng kapares sa pamamagitan ng paghalik at paglasa sa bibig nito. Parang naghahalikan ang itsura nila.  

IF I CANNOT HAVE YOU (Book 2: Strawberry) by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon