Transferee

2.9K 44 1
                                    

Ang iingay ng mga estudyante sa Class S. Siyempre, ang tagal nilang hindi nagkita eh. Halos tatlon buwan na simua nung nagkita sila.

Napansin nila na may pumasok sa kanilang silid aralan.

"Good morning class!" Ang guro pala nila iyun.

"Good morning Ms. Iza!" Sabay sabay ang mga esudyante sa pagbati.

"Magsiupo na kayo aa mga upuan ninyo at may ipakikilala ako sa inyong bagong estudyante."

Nagsiupuan na ang mga estudyante sa kanilang upuan.

"Iha pumasok kana."

At pumasok na ang isang babae. Marami ang agad ang nagbulungan at siya ang pinag uusapan.

"Pare ang ganda oh!"

"Ang ganda niya naman!"

"Ang weird niya. Bakit hindi na lang siya pumasok agad kanina at kailangan niya pa talagang antayin ang adviser natin?"

"Class..." Pasaway na sinabi ni Ms. Iza sa kanyang mga estudyante.

Tumahimik na rin ang klase.

"Introduce yourself please"

Naglakad ang babae sa harapan at nagsalita.

"Hi, Ako si Liane C. Atos. Just call me Liane!" Nahihiyang sabi ni Liane.

"Umupo ka nalang doon sa tabi Jeremy. Si Jeremy yung nasa likod sa kanan."

At naglakad na si Liane papunta sa upuan niya.

Pagkatapos makaupo ni Liane ay biglang may kumausap sa kanya.

" Hi! I'm Jeremy, Jeremy Santos. Nice meeting you!"

Nakangiti ang muka ni Jeremy habang siya ay nagsasalita. Palakaibigan talaga siya.

"Liane, Liane Atos." Pangiti rin niyang sinabi.

Habang nagtuturo si Ms. Iza ng mga rules and regulations sa classroom ay nag uusap lang silang dalawa. Halata namang nagiging close na agad sila.

*Bell Bell ( Tunog ng bell)

break time na pala.

" You may take your break class"

Dali dali nagsilabasan ang mga estudyante sa kanikang silid aralan para kumain, ngunit natira sina Jeremy at Liane sa loob.

" Bakit ka nga pala napalipat?" Tanong ni Jeremy kay Liane.

" Ahhhhh.... B-bakit?? W-wala lang..." Sagot ni Liane.

Liane's POV

"Bakit ka nga pala napalipat?"

Bigla akong natulala. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sasabihin ko ba ang totoo o hindi? Ang tagal ko bago ako sumagot kaya tinanong niya ulit ako.

"Uy bakit ka nga napalipat?

Tumawa siya dahil pangalawang beses niya nang itinanong ito sa akin.

At dali dali akong sumagot. "Ahhh...B-bakit? W-wala lang."

"Pwede ba yun? Wala lang?" Tumawa ulit siya. Napakamasayahin niya talaga. Ang sarap niya maging kaibigan.

"Ahhh....Ehh.... Kasi.... Personal Problems.. Yun lang.."

"Ahhh okay. Hindi na kita tatanugin kung ano ba yun kasi personal ata eh"

Nginitian ko siya

"Salamat Jeremy"

Nginitian niya rin ako.

Nang may biglang sumingit sa usapan namin.

"Jeremy!"

Sumagot si Jeremy. " Oh bakit pare?"

"Pakilala mo naman ako diyan sa kaibigan mo oh!"

" Ahh sige ba."

"Liane, eto nga pala si Xander, bestfriend ko since grade 5.

"Liane Atos. Nice meeting you." Ngumiti ako as pagpapakita ng hello.

"Xander Monteverde. Nice meeting you too."

Nag kwentuhan lang kaming tatlo habang nasa loob ng silid aralan. Inaantay nalang namin bumalik si Ms. Iza para sa kanyang ituturo na rules and regulations.

Unti unti nang bumabalik ang aking mga kaklase sa silid aralan. Umiingay na naman dahil ang dami na namin dito. Bumalik na rin si Ms. Iza pagkatapos ng 20 minute break time namin.

Ang dami niyang itinuturo sa amin. Ang iba halatang nakikinig, ang iba, hindi. Nakikinig ako kay Ms. Iza habang may narinig akong tumatawag sa aking pangalan.

"Liane!"

Lumingon ako at wala naman akong narinig.

"Liane sa harap mo!"

At tumingin ako sa harap. Si Xander lang pala.

" Pwede ba sabay tayo mag lunch mamaya ni Jeremy at ni Angelica?"

Angelica? Sino yun?

"Oo naman pero sino ba si Angelica?"

"Ahhh si Angelica yung girlfriend ko. Siya yung nasa harapan ko."

"Ahhhh, Sige" at ako ay ngumiti sa kanya at bumalik ako sa pakikinig kay Ms. Iza.

Makalipas nang 2 oras ay biglang tumunog ang bell.

*Bell Bell

"Ok class mag lunch na kayo."

Dali dali naman nagsilabasan ang mga estudyante papuntang food court. Nag aayos pa kasi ng gamit si Angelica kaya inantay namin siya.

"Hi Liane! Ako nga pala si Angelica. I'm sure napakilala na ako sayo ni Xander."

"Hi Angelica! Oo nasabi na nga ni Xander"

"Tara?" Sabi ni Jeremy.

At sabay sabay kami naglakad papunta sa foodcourt kung saan kami kakain.











Class STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon