A Killer Revealed

590 11 0
                                    

Liane's POV

tumunog na yung alarm clock ko. Diretso agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis agad ako at kumain. Umalis na rin ako ng bahay namin.

Habang naglalakad ako, biglang bumalik sa isip ko kung sino ba yung naglagay ng sulat na iyon sa akin, kinalibutan agad ako bigla. Merong ulit thumbmark na may bakas ng dugo sa ibaba ng sulat.

Nakarating na ako sa school. Kakaunti palamang kami at walang pa silang apat. Nakarinig ako ng malakas na sigawan sa may principal's office. Napatakbo ang lahat ng mga kaklase ko.

Nakisiksik ulit ako para makita kung ano ba ang nagyari.

Si Ms. Grande, pinatay. Puro bakas ng malalakas na pagpalo ang nasa katawan niya. Wala ring siyang damit at salawal. Mukhang tinanggal nila para mas masakit ang maranasan niya. Ang sama talaga nila. Ang natira lang ay ang kanyang bra at pangbaba. May tama rin siya ng baril sa paa,katawan, at ulo. Sira din ang cctv camera sa room nato. Matalino talaga siya.

Taga Class S nga siya.

Minsan pala ang pagiging sobrang matalino ay delikado rin. Kasi pag sobrang talino mo, lahat kaya mo gawin, makakaisip at makakaisip ka ng paraan upang magawa ang gusto mo.

Jeremy's POV

Pagpasok na pagpasok ko ng classroom ay walang tao, bakit kaya? Napaisip ako. Na alala ko yung nagtext kay Liane.

Agad akong pumunta ng Prinicpal's office. Tama nga ang hinala ko. Nandun silang lahat.

Tumingkayad ako para makita ang nagyayari. Pero hindi si Ms. Grande na nakahilalay ng walang buhay ang pumukaw sa atensyon ko. Kung hindi ang anino ng nasa cr ng principal's office. Nakikita ko ang isang anino. Parang lumalabas siya gamit ang bintana sa cr.

Kung matalino siya, mas matalino ako.

Ang bilis ng takbo ko papunta sa likod ng principal's office.

Kitang kita ko na may lumabas sa cr ng principal mula sa bintana. Lalaki siya. Ngunit hinabol ko siya pero nawala na siya sa paningin ko.
Lintik na yun. Natakasan pa ako.

Pero isa na naman ang pumukaw sa atensyon ko.
Isang anino na nasa 4th floor ng building namin.
Pumunta ako ng dahan dahan. Nasa room 401 pala ang nakikita kong anino. May naririnig akong kausap niya.

"Sinigurado ko na walang nakakita sa akin, all clear"

Sht! Pamilyar sa akin ang boses na iyon ah! Pero hindi ko makilala.

Sa oras na lumabas ka, papatayin kita.

Sandali, may kausap siya, ibig sabihin...........

Nagulat ako.

Ibig sabihin hindi lang siya nag iisa. Marami sila.

Ang tagal niya lumabas.

Kaya ako na ang pumasok. Sinigurado kong mabibigla din siya pag nakita niya ako.

"Sht! Napasigaw siya

"Ikaw?! Ikaw ang killer!?

_________________________

A/N

Sino kaya ang killer? Comment niyo hula niyo!

Class STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon