Liane's POV
Nakaupo lang habang inaantay sila bumalik sa classroom. Nauna pang dumating si Max na kinausap ni Ian.
Umupo si Max sa tabi at kinausap ako
"Liane, may sasabihin sana ako sa iyo"
"Huh? A-ano yun?"
"May....."
"May ano?"
"May gusto ako sayo. Ang tagal ko na tong gusto aminin pero nahihiya ako."
Nagulat ako sa sinabi ni Max.
"A-ano??" Nahihiya kong sinabi
"May gusto ako sayo. Unang araw palang kitang nakilala nabighani mo na ako."
Hindi ako makapag salita. Speechless. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
"G-galit ka ba?"
"Hah? Hindi ah" sabay ngiti ko kay Max
Ngumiti din siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay.
"Pwede mo ba akong samahan?"
"Samahan saan?"
"Basta. Special tong lugar na ito dahil hinanda ko ito para sa iyo. Para mabawasan naman ang kaba sa dibdib mo."
"S-sige" sagot ko.
Naglakad na kami papunta sa sinasabi niyang especial na lugar na pupuntahan namin. Ihinanda niya daw ito para sa akin.
Sampung minuto na kami naglalakad at wala parin kami sa lugar na sinasabi niya.
"Matagal paba?"
"Malapit na."
Dalawang minuto ang nakalipas ay tinakpan niya ng panyo ang aking bibig.
"Mmmmmmm!!!" Sigaw ko
Nakakahilo ang amoy. Nakaka antok. San niya ako dadalhin? Killer ba siya? Unti unti na akong nawalan ng malay.
-
Nagising ako na may posas ang aking kamay at ang posas na iyon ay nakatali sa isang metal na bagay. Isang kamay, isang posas. Ibig sabihin dalawa ang posas na iyon. Ang paa ko rin ay may posas. Hindi ako makagalaw. Kinakabahan na ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang tagaktak ng aking pawis na tumutulo dahil sa kaba.
Narinig ko nalang ang isang pamilyar na boses.
"Liane, gising kana pala."
"Max!?"
Biglang bumukas ang ang nakakasilaw na ilaw.
"Ikaw nga! Max bakit mo ba ito ginagawa! Anong naging kasalanan ko sa iyo!?"
"Hindi ako killer Liane."
"Pwes sino!?"
May sumagot na nakakatakot at malaking boses. Nakamaskara siya kaya't hindi ko siya nakilala.
"Pare ang bayad" sabi ni Max.
"Bayad!? Inutusan ka niya Max? Ganito nalang ba lagi? Traydor!" Sigaw ko.
"Bayad? Wala naman tayong kasunduan ah hahahaha"
"Walanghiya ka! Sabi mo ibibigay mo ang gusto mo kapag ginawa ko ito!"
"Kilala mo kung sino ako, at ngayong wala kanang silbi, papatayin na kita"
Pagkatapos na pagkatapos sabihin ng lalaking nakamaskara ang mga katagang iyon ay agad niyang sinaksak likod si Max.
"Ahhhhh!" Napasigaw si Max sa sakit.
"Salamat sa iyong tulong Max."
Tuluyan niya na itong pinag tataga ng saksak sa katawan at wala pang labing limang segundo ay tuluyan nang nawalan ng malay si Max.
BINABASA MO ANG
Class S
Mystery / ThrillerClass S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatagong katangian?