Zayn's POV
"Hindi pa tapos ang laban."
Nakarinig kami ng isang napaka pamilyar na boses. Boses na kilalang kilala namin ngunit hindi ko siya makilala.
Agad siyang nagpakita sa amin.
"Ikaw!? Ikaw!!!!?? Ikaw ang lahat ng may pakana nito!?"
"Oo. Ako nga."
Hindi namin inaakala ang lahat na siya lang oala ang killer. Ang lagi naming kasama. Ang tinuring naming kaibigan na nabalitaan nalang naming namatay. Pero isa palang maling kasinuwalingan lahat iyon. Tinaydor niya kami!
"Gago ka XANDER!!!" sigaw ni Jeremy na nakakabingi dahil sa poot sa kanyang puso.
"Mga bobo talaga kayo. Hindi niyo man lang ako pinaghinalaan dati. Masyado lang ata akong matalino. Ako ang pumatay ka Andrea! Nung sinabi kong nasa clinic ako, pinatay ko siya ng oras na iyon! Ako ang pumatay kay Ms. Iza. Ako ang pumatay sa lolo mo Jeremy!"
Pagkatapos niya magsalita ay kinuha niya ang kanyang baril na nasa bulsa niya.
"Pero bakit Xander!? Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo ako sinaktan!?" Sigaw ninAngelica na may halong luha sa kanyang mukha.
"Bakit? Kasi naghihiganti ako! Si Liane, siya ang dati kong kababata nung nasa probinsya pa kami! Kababata na tinraydor at tinalikuran ako sa harap ng aking mga problema! Lumayo siya sa akin at pumunta sa Maynila! At ikaw Angelica, hindi talaga kita mahal! Sinaktan kita dahil ang tatay mo ay ang kabit ng nanay ko! At dahil dun nagpakamatay ang tatay ko at humanap ng ibang lalaki ang nanay ko! Naghihiganti lang ako!"
"Gago kayong lahat!" Dagdag niya pa sa kanyang sinabi.
"Papatayin ka namin!" Sigaw ni Jeremy
"Tara! Magpatayan na tayo dahil ito naman talaga ang pinakahihintay ko!" Sagot ni Xander
"Agad siyang nag paputok ng baril at tinamaan niya ulit si Angelica sa paa.
"Ahhhh!"
Ramdam ni Angelica ang sakit. Ang hapdi ng sugat.
Pinaputukan ko si Xander ngunit nakailag siya. Tumakbo siya papunta sa akin at binaril ako.
Pagkatapos nun ay pinukpok niya ang ulo ni Angelica at Jeremy gamit ang baseball bat na aking dala. Pinukpok niya rin ang ulo ko.
Nandidilim na ang paningin ko.
Nagising na lang ako na nakatali ang aking kamay at hindi ko ito maigalaw. Pati rin si Angelica at Jeremy ay nakatali ang kamay. Wala kaming magawa sa oras na iyon.
Bigla nalang nagbukas ang pinto na mayroon siyang dalang kandila.
"Mapupunta kayo sa impyerno!" Sigaw niya
Agad siyang pumnunta kay Angelica at at pinatakan niya ng kandula ang kanyang katawan.
"Ahhhhhh!!!!!!" Sigaw niya na halos nakakabingi.
"Itigil mo yan! Ako nalang ang saktan mo!" Sigaw ko.
"Bravo." Tangi niyang sagot.
Pumunta siya sa akin at nilabas ang yosi niya at sinindihan niya ito. Pagkatapos niya humithit ay pinaso niya ako. Hindi ko na mapigilang sumigaw dahil sa sakit na aking naramdaman. Sobrang init."
Nilabas niya na ang kanyang baril at tinutok niya ito sa akin.
"Isa, dalawa, tatlo"
Pumikit lamang ang tangi kong magawa dahil yun lang ang kaya ng katawan ko. Sa sakit na aking dinanas, gusto ko narin mamatay pero pagkadilat ko ay hindi langit ang aking nakita, kung hindi ang walang buhay na Xander na may tama ng baril sa kanyang ulo.
"Zayn! Jeremy! Angelica!" Sigaw ng isang babae. Babae na pamilyar sa amin ang boses.
Hindi ako nagkakamali. Si Liane nga iyon, pero paano siya nakalabas ng ospital. Milagro ba ang nangyari sa kanya?
"Nasaktan ba kayo!?" Tanong niya na may luha sa kanyang mata.
Hindi pa kami nakakasagot ay tinanggal niyana ag pagkakatali sa amin. Pagkatapos nun ay niyakap niya si Jeremy habang tumutulo ang luha sa kanyang mata.
Liane's POV
Niyakap ko kaagad si Jeremy dahil akala ko ay hindi na ulit kami magkikita ng buhay. Halong saya at lungkot ang aking nararamdaman. Saya dahil nailigtas ko sila. Lungkot dahil kaibigan pala namin ang killer pa simula noon. Si Xander na traydor. Walanghiya siya.
Kasama ko anh mga magulang ko sa labas at nag patawag na ako ng pulis at ambulansya para sa kanila. Sa kabutihang palad, wala namang kailangan ng ambulansya sa kanila, maliban sa walang buhay na si Sir Gareth at Xander.
Ang bilis ng mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Class S
Mystery / ThrillerClass S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatagong katangian?