Jeremy's POV
To: 09128754216
Tangna Mo!
Send
.
.
.
.
.
.
SentBiglang bumilis yung tibok ng puso ko. Dahil ba ito sa sinabi niya sa akin? Dali dali akong bumaba ng hagdanan para tignan yung lolo ko. Naka lock ang pinto niya.
"Lolo!"
Sigaw ako ng sigaw pero walang sumasagot sa akin.
Mas lalo pa akong kinabahan. Nag panic na ako.
Pero na alala ko na yung susi sa kwarto ni lolo ay nasa sala. Agad ko itong kinuha at binuksan ang kwarto ni lolo.Pagkabukas ko ay natumba ako. Natumba ako sa gulat. Parang tumigil ang mundo ng nakita ko ang lolo ko na nakahiga sa sahig...ng..... DUGUAN
Napaiyak nalang ako at niyakap ko ang bangkay ng aking lolo. At may napansin ako sa kanyang kamay, may thumbmark. Katulad ng thumbmark na nakita ni Liane sa kanyang letter. May dugo rin ito.
Nagagalit ako. Sa oras na makita ko siya, papatayin ko siya! Kukunin ko ang kanyang puso!!! Walanghiya siya!!!
Tumawag agad ako ng pulis para maibestigahan kung ano ang ikinamatay ng aking lolo. Ang dami nilang tinanong, ngunit kahit isa ay wala akong nasagot. Ang magulang ko naman nasa abroad, paano ko kaya sasabihin sa kanila ang nagyari?
Dinala na ng mga pulis ang bangkay ng lolo ko sa ospital para ma autopsy.
Killer's POV
Hahahahaha. Hindi niya alam kung ano ang kaya kung gawin sa kanya, at sa mga minamahal niya. Masarap talaga ang lasa ng dugo. Ang amoy, nakakabusog. Sino na kaya ang isusunod ko?! Hahahaha.
Liane's POV
Naka ilang message na ako sa kanya pero bakit hindi siya nag rereply. Naka pitong paulit ulit na message na ako sa kanya.
Sht. Wag naman sana. Baka hinahanap niya na ngayon yung nag tetext sa kanya.
Pagtingin ko muli sa group chat namin ay nag message siya.
"Patay na si lolo. Pinatay siya!"
"Anong nangyari!?" Tanong ko.
"Pinatay siya!!! Nagalit ako sa nag tetext sa atin kaya nilabanan ko siya. Tapos binantaan niyo yung lolo ko. Tapos yun na! Tangnang buhay to!"
"Saang hospital dinala lolo mo!!?? Pupunta kami
"Sa Manila Cross Hospital."
Agad agad akong nagbihis at nag pa alam sa magulang ko na kung pwede ba ako umalis dahil wala pa namang isang kilometro ang layo sa akin nun. Kinuwento ko sa kanila yung rason at pumayag naman sila. Basta wag lang daw kami magpagabi.
5pm na nung nakarating ako sa kanila. Nauna na pala si Angelica at Xander sa pagpunta.
BINABASA MO ANG
Class S
Mystery / ThrillerClass S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatagong katangian?