Liane's POV
July 25. Eto na ang araw na pinakahihintay namin. Nakahanda na kami kung ano ba ang mangayayari, dahil sigurado kami na nakahanda na rin sila. Simulan na natin 'to.
Nakarating na ako sa school. Nakita namin ang malaking pagbabago. Ang dami nang security system. Mas marami nang cctv cameras na nakapalibot sa campus kumpara noon. Mas dumami na rin ang mga guardia.
Pumasok na ako sa classroom namin. Nakita ko na ang nandun palang ay si Vince, Max, Ian, Mark, at Joey.
Parang may kakaiba kay Vince, Mark, at Joey ngayon. Parang hindi sila kumikilos. Nakatalikod lamang sila. Si Ian at Max naman nag uusap lang. Umupo na ako. Ilang saglit ay tumumba na ang katawan ni Vince. Patay na pala ito. Walang puso. Dinukot ang kanyang puso.
"OMG" ang tangi kong nasabi.
Nagulat rin si Ian at Max kaya napatayo rin sila. Tinignan nila si Joey at Mark. Wala ring buhay. Dinukot din ang puso.
Nagkagulo ang section namin ng mas marami pang dumating.
"Akala ko matatapos na ito!"
"Sino kaya ang pumatay!?"
Rinig ang mga pinag uusapan nila.
Ilang sandali ay may biglang kumalabit sa akin. Napatalikod ako. Si Zayn lang pala.
"Liane! Musta na!?"
"Eto ayos lang Zayn. Pero tignan mo."
Tinignan ni Zayn ang pangyayari at nagulat ako nang may bigla pang kumalabit sa akin.
"J-jeremy...??"
"Ako nga Liane"
BINABASA MO ANG
Class S
Mystery / ThrillerClass S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatagong katangian?