Jeremy is Back

469 7 0
                                    

Liane's POV

"Jeremy!"

Hindi ko na mapigilang sumigaw sa sobrang tuwa dahil gumaling na siya. Hindi ako makapaniwala na sa isang buwan ay makakabangon na siya.

"Kamusta ka na Liane?"

"Eto, tuwang tuwa dahil sa iyo! Ikaw ang kamusta na!?"

"Eto, nandito na magulang ko para alagaan ako. Dalawang linggo na akong gising. Pero sinikreto ko ito dahil gusto kita ma suprise."

"Salamat naman at gumaling kana. Nabigyan na rin ng hustisya ang pagkakamatay ng lolo mo, ang ginawa niya sa iyo."

"Si James! Patay na siya!?"

"Oo Jeremy."

Tuwang tuwa si Jeremy pero may binulong ako sa kanya.

"Hindi pa tapos Jeremy, hindi siya nag iisa. Dalawa pa."

"Tatlo sila!? Ang pagkakaalam ko ay dalawa lang sila!"

"Tatlo sila"

Bigla namang sumingit si Zayn sa usapan

"Pare musta na!? Lagi kang dinadalaw ni Laine."

"T-totoo ba yun L-liane?"

"Oo naman Jeremy. Binabantayan nga lagi kita eh."

"Salamat ha Liane!"

Ilang saglit pa ay nakita namin si Angelica umiiyak.

Zayn's POV

"Angelica! Bakit ka umiiyak!?"

Hindi man lang umimik si Angelica at nag mukmuk nalang mag isa sa kanyang upuan. Nilapitan naman siya ni Jeremy.

"Angelica...si Jeremy ito. Magaling na ako"

Napalingon naman agad si Angelica at napayakap kay Jeremy.

"Si Xander....."

Tumutulo ang luha ni Angelica habang Nag uusap silang dalawa ni Jeremy.

"Anong ginawa ni Xander!?"

"Niloko niya ako!"

Kitang kita sa mukha ni Angelica na nadudurog ang kanyang puso.

"Asan siya!?"

"Nasa labas...."

Jeremy's POV

Bwiset talaga itong si Xander. Niloloko niya lang pala itong si Angelica. Nagagalit ako.

Binitawan ko muna si Angelica at marahas kong binuksan ang pintuan papalabas sa classroom.

Nakita ko sa entrance ng gate na nandun si Xander.... at isang babae.

Nagtago muna ako para makinig sa kanilang pinag uusapan.

"Xander, bakit hindi mo sinasabi sa akin na may girlfriend ka na pala!?"

"Julianne, please let me explain.."

Julianne pala ang pangalan niya.

"Go! Explain!"

"Ok umm so...."

"See!? Gusto mo lang ako saktan! Mamili ka sa aming dalawa!"

"Of course Julianne..."

"Of course who!?"

Antagal na hindi nakasagot si Xander sa tanong niya.

"See?! You can't choose me! Kasi siya ang gusto mo! Niloko mo lang ako! Sabi mo ako ang mahal mo, wala nang iba!!"

"Ikaw ang mahal ko, ok? Handa ko siyang iwanan para sa iyo!"

"Then do it now! Sabihin mo sa kanya na hindi mo na siya mahal!"

Hindi kumikilos si Jeremy.

"Ano? Hindi mo gagawin?! Sinasabi ko na nga ba na niloloko mo lang ako!"

"Just shut up!!!" Sigaw ni Jeremy

"Sige! Magsama kayong dalawa sa Impyermo!"

Umalis na si Julianne at naiwan si Xander nakatayo mag isa.






Class STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon