Jeremy's POV
"Xander! Ayos na ba pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ulo mo?"
"Oo, ayos na pakiramdam ko ngayon. Halos dalawang oras din pala ako nasa clinic."
"Tapos na kami mag lunch. Kumain ka na ba?" Tanong ni Angelica
"Oo. Doon na ako pinaglunch ng Nurse sa clinic."
"Mabuti naman" sabi ni Liane
Ilang saglit ay nagvibrate ang phone ni Liane.
"Saglit check ko lang"
Liane's POV
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Isang text message. Pero ibang number na siya ngayon. Nasa amin na kasi yung cp na ginagamit ng killer.
Ibig sabihin ba nun ay marami sila?From: 09872265431
Kamusta na Liane? Kilalang kilala mo ako. Ayos lang kaya si Ms. Grande? Hahaha
Agad agad kong pinakita sa kanilang apat ang na recieve kong text message
"Max, yan ang killer" sabi ni Xander.
"Mukhang pinatay na rin niya si Ms. Grande." Sabi ni Jeremy."
"I save niyo sa contacts yang number na yan" sabi ko.
"At Max... ang killer ay nasa classroom lang natin. Huwah na huwag tayong magtitiwala kahit kanino maliban sa ating lima."
"Oo naman"
Pinangalanan naming killer yung nag tetext sa amin.
Walang dumadating na teacher sa amin kaya't wala ring kaming ginawa buong maghapon kung hindi magplano kung paano mahuhuli ang killer.
Hay salamat. Nakauwi na rin ako ng bahay. Masarap humiga sa kama na malambot. Pagkauwi ko ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Nagbihis na ako. Sinuot ko yung damit na iniregalo sa akin ng lola ko. Miss na miss ko na ang lola ko. Pinatay siya. Tinadtad ng saksak sa katawan. Kaya naman sinusuot ko ito para gabayan niya ako. Black sleeveless shirt ito. Humiga na rin ako sa kama ko habang nasailalim ng ulo ko ang aking mga kamay.
"Lola, gabayan niyo po kami" sinabi ko sa sarili ko
Tumayo muna ako saglit kasi kukunin ko yng laptop ko sa drawer. Pagkabukas ko ay may sulat akong nakita. Envelope ulit. Kimakabahan ako habang hinahawakan ko ang envelope.
To: Liane
Te voy a matar! Veta al infierno! Pudrete en el infierno!
Huh? Di ko maintindihan ang mga nakasulat dito dahil hindi ko naman alam ang lenguahe nito. Siguro ay itatanong ko nalanh sa mga kaklase ko kung marunong ba sila mag espanol.
BINABASA MO ANG
Class S
Mystery / ThrillerClass S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatagong katangian?