Paghahanda

1.2K 29 0
                                    

"Good afternoon class!"

"Good afternoon Ms. Iza!"

"Umupo na kayo."

Nagsiupuan na lahat.

"Teka bakit parang kulang tayo? Asan sina Jeremy at Ian?"

Liane's POV

"Sina Jeremy po nasa clinic. Hindi ko po alam kung nasaan si Ian." Agad kong sinagot pagkatapos niyang magtanong.

May biglang sumagot...

"Si Ian po nasa clinic. Nasugatan po kasi kanina."

"Ahhhh ganun ba? Salamat sa impormasyon Liane at Hannah." Sagot ni Ms. Iza

Hannah? Sino siya? Tinawanan ko nalang ang sarili ko dahil na alala ko na transferee pala ako kaya marami pa akong hindi kakilala. Hindi ko dama ang pagiging transferee dahil nagkaroon agad ako ng kaibigan. Si Jeremy, Xander, at Angelica.

Makalipas ng isang oras ay may pumasok sa classroom namin. Si Jeremy lang pala.

"Jeremy ayos kana ba?" Tinanong ko sa kanya

"Oo. Salamat"

"Si Ms.Iza nga pala umalis muna saglit may meeting daw silang mga teachers. Wala namang pinaiwan na gagawin. Basta sinabi niya lang na pwede daw gawin kahit ano basta wag lang daw masyado mag ingay.

"Ahhh ok. Salamat Liane."

Nginitian ko lang siya

Tapos na alala ko na may itatanong pala ako sa kanya.

"Jeremy sino nga pala si Hannah?"

"Ahhh, si Hannah yung president nang classroom natin."

"Ka ano ano niya si Ian?"

"Bestfriend niya"

"Eh sino naman si Ian?"

"Boyfriend ni Hannah" patawa niyang sinabi.

Napatawa rin ako sa joke niya.

"Joke lang, siya yung vice president natin"

"Ahhh ok salamat Jeremy"

"Walang anuman."

Tapos biglang lumipat sina Angelica at Xander sa tabi namin

"Pwede ba kami makasama sa usapan niyo?" Nakangiti siya habang sinasabi sa amin ni Xander.

At ang sagot namin " Oo naman."

Xander's POV

"So ano na balak niyo guys" sabi ko.

"Saan" tanong nila.

"July 25" pa seryoso kong sagot.

"Sht naman! Baka naman may nananakot lang sa atin." Sabi ni Angelica.

"Wala ba tayong balak sabihin ito sa guro?" Tanong ko.

"Wag. Antayin muna natin kung ano ba ang mangyayari sa July 25." Sabi ni Jeremy.

"Pero halata namang masama ito eh. Thumbmark na may dugo. Hindi pa ba halata iyon?" Sagot ko.

"Oo nga. Malaki ang posibilidad na masama ito ngunit mas makakabuti siguro kung tayo lang muna ang may alam nito. Maski Magulang natin wag muna natin idamay dito." Pa seryosong sabi ni Liane.

"Tama si Liane" sabi ni Jeremy.

"Oh sige. Maghanda nalang tayo. 42 days pa ngunit hindi natin alam kung ano ba talaga ang mangyayari. Mas mabuti nang handa kesa hindi." pa seryoso ko ring sinabi.

"So a-anong p-paghahanda?" Halatang nanginginig ang boses ni Angelica habang nagsasalita siya.

"Ihanda ang sarili. Sa takot." Seryoso kong sinabi iyon. Walang ekspresyon ang aking muka nung sinabi ko ang mga salitang iyon.

Mas nanginig lang sa takot si Angelica kaya pinagaan muna namin ang loob niya. Nagsabihan kami ng mga jokes ngunit parang hindi gumagaan ang loob niya. Biglang nagvibrate ang phone ni Jeremy.








Class STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon