Xander's POV
"Magpakatatag ka pare. Andito lang kami para sayo, wag mong kalilimutan yan."
"Salamat Xander, Angelica, Liane. Salamat dahil nandiyan kayo sa oras ng kailangan ko. Pero..."
Nakangiti ang muka niya habang nagsasalita pero biglang nagbago yung ekspresyon ng muka niya nung sinabi niya yung salitang "pero".
"P-pero ano??" Tanong ni Angelica
"Pero walang makakapigil sa akin sa paghahanap kung sino ang pumatay sa lolo ko! Ang nag tetext sa akin at yung killer ay i-isa."
Halatang galit na galit si Jeremy habang siya ay nakikipag usap sa amin. Matagal ko na siyang kakilala. At kung hindi ako nagkakamali. Kayang niyang pumatay ng tao pag siya ay galit. Yan si Jeremy. Mabait siya pag mabait ka sa kanya. Pero sa oras na kinalaban mo siya. Humanda kana.
"Tutulong ako" sagot ni Liane
"Wag na, mapapahamak ka lang."
"Baka nakakalimutan mo na sa akin ata pinadala yung sulat. At ibig sabihin nun, ako ang target. Nadamay ka lang dahil hindi niya or nila nagustuhan ang sagot mo." Pa seryosong sinabi ni Liane
Napuno ng sandaling katahimikan sa amin. Pagkaraan ng mga ilang minuto ay sumagot si Jeremy.
"Sige. Handa ka na ba?"
"Oo Jeremy." Sagot ni Liane.
"Kulang ang dalawa. Dapat tatlo, isama niyo ako!" Sabi ni Angelica.
"Tatlo lang ba? Gawin nating apat." Sinabi ko.
Unti unti nang ngumingiti ai Jeremy. Halata ito sa ekspresyon ng kanyang muka.
Jeremy's POV
Nagpapasalamat ako dahil meron akong kaibigan na hindi nang iiwan.
Nilabas ko ang cellphone ko para maitext kona yung killer.
To: 09128754216
Hoy! Simulan na natin! Gago ka!
Send
.
.
.
.
.
. SentMakaraan ng dalawang minuto ay nag reply na siya.
From: 09128754216
Masyado ka ata nagmamadali. Este...masyado ata KAYO nagmamadali. Pero sige gusto niyo eh. HAHAHA
Humanda na kayo. Bukas na magsisimula.
Umuwi na kami sa sari sarili naming bahay at natulog dahil maaga pa ang klase namin bukas.
BINABASA MO ANG
Class S
Mystery / ThrillerClass S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatagong katangian?