Julianne's POV
Nagising na lang ako na may taklop sa aking mata. Panaginip kang ba lahat nang iyon? Tinanggal ko ang takip sa aking mata at nakita ko na may sulat para sa akin. Nakahubad akong nagising. Ginahasa niya ako. Ipakukulong ko siya.
Binasa ko ang sulat na may thumbmark at bakas ng dugo.
"Pinatay ko na siya. Oo sino pa nga ba? Si Xander! Pinatay ko na si Xander. At ikaw, kung gusto mo pang mabuhay, huwag kang magbanta na isusumbong mo kami sa pulis. Nakabantay lang kami sa iyo. Nasa paligid mo lang kami. Maging maingat ka sa mga desisyon mo. Sa oras na magkamali ka, buhay mo na ang isusunod ko pagkatapos kong tanggalin ang iyong dignidad!"
Umiyak ako ng malakas. May bumabanta sa aking buhay. Pinatay pa niya si Xander.
Nagmukmuk lang ako mag isa at umiyak buong araw.
--------3 days later---------------
Liane's POV
Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nag away si Angelica at Xander. Apat na araw na ang nakalipas simula nung hindi na pumasok si Xander at Julianne.
Nagulat nalang ako nang may pumasok sa classroom namin. Si Julianne nga! Agad namang pumunta si Jeremy sa kanya at maangas niyang tinanong ito.
"Asan si Xander!"
Hindi makasagot si Julianne dahil natatakot siya kay Jeremy.
Inulit ulit niya ang pag tanong kay Julianne
"Sasagutin mo ba ako o hindi?!"
"W-wala na siya! Pinatay siya!" Sigaw niya na may kasamang luha.
Hindi ako makagalaw nung narinig ko ang balita. Si Xander? Patay na?!
Pati si Jeremy hindi makapaniwala.
Tinignan ko si Angelica at nakita kong tumulo rin ang kanyang luha sa pagkakarinig sa balita. Mahal niya parin si Xander. Agad namang pinuntahan ni Zayn si Angelica para pagaanin ang loob. Si Max naman nasa tabi ko. Parang wala lang yung pagkakamatay ni Xander sa kanya. Wala itong epekto sa kanya. Hindi man lang siya nagulat.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa naisip ko. Siya ba ang killer?
Hindi na ako makapag isip ng maayos kaya tinanong ko na si Max
"Max bakit parang hindi ka nagulat sa pangyayari?"
Nagulat ako sa sagoy ni Max na walang halong emosyon ang kanyang mukha
"Dapat lang yun sa isang katulad niya. Sinaktan niya lang si Angelica. Dapat lang siyang mamatay at mabura na dito sa mundo. Ang mga katulad niya ay dapat pinapatay."
"G-grabe ka naman Max. Lahat naman ng tao nagkakamali diba?"
Hindi na sumagot si Max at tumalikod nalang sa akin. Kakaiba ang kinikilos niya ngayon. Parang may iba siyang aura.
BINABASA MO ANG
Class S
Mystery / ThrillerClass S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatagong katangian?