CCTV

573 13 0
                                    

Liane's POV

Ang dami naming pinagusapan kung paano ba namin mahuhuli kung sino ang killer. Alam ko na mang hindi magagawa nina Max yun dahil nandito lang siya sa classroom nang nag aantay siya kay Andrea.

Tumingin ako sa phone ko para makita kung anong oras na. 11:20 am na pala.

Makalipas ng ilang minuto ay may nagbukas ng pinto sa classroom namin. Nagulat kaming lahat.
Si Ms. Grande pala, ang principal namin.

"Sinabi na sa akin ng Janitor kung anong nangyari. Sinabi niya rin na ikaw, Hannah, ang nakakita. "

"Opo maam" sagot ni Hannah.

"Ano ba ang iyong pakay bakit ka pumunta sa cr?"

"Magsusuklay lang po dapat ako maam"

"Huwag na huwag niyo itong ipapaalam sa iba. Maske magulang niyo. Tatawag na kami ng detective. I rereview na rin namin ang cctv footage. Paalam na"

Bigla na lang siya umalis agad agad.

Principal's POV

"I play mo na ang footage Clark"

Pinlay niya na yung captured sa scene sa cctv. Sa harapan muna namin tinignan. Wala namang kaming nakita doon.

Pinacheck ko yung sa likod ng cr, may bintana kasi dun.

Nabigla ako sa aking nakita. Tinapat niya talaga sa camera yung pagtanggal ng mata ni Ms. Iza. May maskara siya. Ang maskara niya, puno ng dugo, parang demonyo. Pagkatapos niyang patayin si Ms. Iza ay tumapat siya sa cctv at sinira ito.

Mukhang mahihirapan kami sa paghuli nitong killer na ito ah.

Matalino siya. At kung hindi ako nagkakamali sa aking nakita, may tattoo siya. Sa kanyang balikat, Isang serpyente.

Mukhang hindi talaga ito madali.

"Maam ano na po?" Tanong sa akin ni Detective Dexter.

"Isang tattoo sa balikat, serpyente. Lalaki."

"Mag set up po kayo ng event. Sleeveless lang ang attire na kailangan."

Ngumiti ako sa kanya. Ang talino niya talaga.
Salamat detective.

Class STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon