Jeremy's POV
Tinignan ko agad ang aking phone dahil may text.
Unknown Number
Dali dali kong binuksan ang laman ng text message.
From: 09128754216
Paghahanda? Hahahaha. Mga bobo! Kahit anong paghahanda hindi niyo ako kaya! 42 days pa naman, kaya chill lang kayo. Sa totoo nga kaya ko na simulan ngayon eh, pero gusto ko may thrill. Yung gusto ko ay yung makita kayong takot. Hahahaha. Sabihin niyo lang kung gusto niyo pabilisin ang oras.
Sht. Nahulog ko yung phone ko sa gulat. Agad ko ring kinuha sa sahig at ipinakita ito sa kanila.
"Punyeta! Sino ba talaga yan! Gago yan ah!" Pagalit na sinabi ni Jeremy.
Makikita mo talaga yung galit niya. Sa mata palang halatang nagagalit na siya. Kilala ko tong si Jeremy. Gagawin niya ang lahat para matuntun ang tao sa likod nitong text.
"Kalma kalang Jeremy" pahinang sabi ni Liane.
"Kalma?! Kalma!!!? Hindi ako kakalma sa bwisit na yan!"
Xander's POV
Hindi ko alam kung bakit ang tindi ng galit niya ngayon. Dati naman ay hindi siya ganito. Inaway ako dati ng kaklase namin at nasuntok niya ito. Halos masira ang muka ng kaklase namin sa lakas. Pero... ngayon kakaiba na siya. Baka makapatay pa siya.
"Hinding hindi ko pababayaan na masaktan ang isa sa atin." Pasersoyo niyang sinabi.
Nakakataba ng puso ang sinabi ni Jeremy pero alam ko naman na iba ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Ang totoo niya talagang ibig sabihin ay ayaw niyang masaktan si Liane. Na kwento niya kasi sa akin na may darating daw na bagong estudyante sa Class S. Nakita niya daw ito dati at nabighani siya sa ganda ng babae. Pangloob at panglabas. Pababa daw kasi yung isang matandang babae at tinulungan ni Liane yung babae.
"Salamat Jeremy" sinabi ni Liane kay Jeremy at bigla niya itong niyakap.
Napatingin kami sa orasan at 3:30 pm na pala. Malapit na mag uwian ngunit hindi pa rin bumabalik si Ms. Iza.
May nagbiglang bumukas ng pinto at akala namin lahat si Ms. Iza na iyon. Si Ian lang pala.
Hannah's POV
"Ian okay na ba yang sugat mo?"
"Ayos na to Hannah. Nakatulog lang kasi ako kaya natagalan hahaha." Tumawa pa siya pagkatapos niyang magsalita.
"Mabuti naman" sagot ko.
" Class!" Agad ko naman kinuha yung attention nilang lahat.
"5 pm yung uwian natin alam ko namang alam niyo na iyon pero pag hindi pa dumating si Ms. Iza ng 4:50 pm, pwede na tayo umuwi."
Agad naman silang nagbalikan sa mga gusto nilang gawin pagkatapos marinig ang sasabihin ni Hannah.
"Napaka responsable mo namang president. Hahahaha." Patawang sinabi ni Ian sa akin.
Dali dali ko rin naman siyang sinagot "At ikaw... napaka iresponsable mong vice president. Hahahah"
"Wow, ang sakit."
Halata namang nagbibiro lang siya hahaha.
Nabali ang aming pag uusap nang biglaw may pumukaw ng aming atensyon. Sina Ms. Iza.
"Pwede na kayong umuwi class. May emergency lang kasi." "Wag niyo na itanong kung ano."
Nagsilabasan na lahat ng estudyante at nagpaalam kay Ms. Iza.
BINABASA MO ANG
Class S
Mystery / ThrillerClass S. Nandito ang mga mababait, matatalino, mayayaman, mga Gwapo at Maganda at mga Sosyal. Pero...Lahat ba sila mababait? O mayroon silang tinatagong katangian?