Part 1

15.8K 304 2
                                    

“SAAN iyon pupunta?” nakabusangot na tanong ni Claudith kay Jake at Vida habang sinusundan nila ng tingin ang kotse ng dating boyfriend na si Jaron Ugerio. Nasa tabi sila ng kalsada na magkakaibigan at pauwi na dapat mula sa bonding session nila sa bahay nina Jake. Saktong nakita nila ang pag-alis ni Jaron kaya natigilan sila saglit.

“Hindi ko alam. Tinanong ko nga kasi nagkasalubong kami. Ang kaso parang hindi naman niya ako nakita,” sagot ni Jake na kakamot-kamot sa sariling ulo. Pinsan ito ni Jaron. Ito ang kapitbahay ni Jaron na siyang laging pinupuntahan ni Claudith para lamang kahit sa malayo ay masulyapan niya ang dating nobyo.

“Eh, hindi ba ikaw ang gf niya? Bakit hindi mo tanungin ‘yong tao? I-chat mo kaya?” sabad ni Vida. Ito naman ang kasalukuyang girlfriend ni Jake.

The three of them have been friends since high school. Nagkataon lang na na-develop sina Vida at Jake kaya naging magkasintahan. Wala namang naging angal si Claudith dahil inasahan na niya iyon. Noon pa naman ay nakikita na niyang may pagtingin ang dalawa sa isa’t isa. Katunayan siya pa ang nag-push sa kanila para umamin na’t hindi sila parang mga tanga na nagtataguan ng feelings.

“Gaga, alam mo namang hindi kami bati ngayon ni Jaron ngayon,” napahalukipkip na saad ni Claudith.

“Hindi ka pa rin niya sinusuyo? Aba, himala na natitiis ka na ni Jaron ngayon. Nagsawa na malamang sa iyo. Ayaw na sa iyo kasi nga ang arte-arte mo.”

“Ikaw naman bida-bida. Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” Pamaldita na itinulak ni Claudith ang braso ng kaibigan.

“Bida-bida na kung bida-bida pero puwede talagang mangyari iyon kung nauntog na si Jaron sa katotohanan ukol sa iyo,” patutsada pa rin ni Vida.

“Tigilan mo ako, Vida! Baka makalimutan kong kaibigan kita! Makita mo!” angil ni Claudith. Totoong naiinis na siya sa kaibigan.

“Ang sinasabi ko lang ay magbago ka oras na balikan ka ulit ni Jaron. Huwag mo na masyadong sinusungitan ang boyfriend mo at lalong huwag mong ipinapahiya sa mga tao. Hindi mo pa nga asawa, ina-under mo na,” patuloy ni Vida.

“Tama si Vida, Claudith. Ang totoo nga’y minsan nasabi na akin ni Jaron na nakakasawa na raw ang relasyon niyo,” na sinegundahan ni Jake.

Sa nalamang iyon ay tila natauhan naman si Claudith. Nakaramdam siya ng takot na what if tama si Vida na baka nagsawa na sa kaniyang ugali si Jaron? Na what if wala na talaga itong balak na suyuin siya dahil wala naman na talagang balak itong makipagbalikan pa ito sa kaniya?

“It can’t be!” malakas na naihiyaw niya sa kaniyang isipan.

“Hindi kaya may ibang babae nang pinupuntahan si Insan Jaron?” wika ni Jake pagkaraan.

Matulis na tingin ang ipinukol ni Claudith sa binata.

“Oy, joke lang!” nagtatawang bawi agad ni Jake. Napakabilis na nagtago kunwari sa likod ni Vida.

“Patawarin mo na lang ako, Vida, kung isang araw ay ilalambitin ko ng patiwarik ang pulpol mong boyfriend na iyan,” baling ni Claudith kay Vida.

Napailing na lamang si Vida.

Sa kanilang tatlo, si Claudith ang matapang. Hindi lang kay Jaron ito maldita, kahit sino ay kaya nitong malditahan. Nananapak agad ito kapag na-badtrip. Palibhasa ay mayaman ang magulang nito kaya wala itong kinakatakutan.

“Bukas kapag aalis siya ay sundan mo ang pinsan mo, Jake.  Alamin mo kung saan siya pumupunta at sabihin mo agad sa akin ang anumang matutuklasan mo,” mayamaya ay utos ni Claudith sa kaibigan habang naniningkit pa rin ang mga mata.

Huwag lang babae talaga ang pinagkakaabalahan ngayon ni Jaron dahil isinusumpa niya, maghahalo ang balat sa tinalupan!

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon