Part 6

5.8K 168 0
                                    

"SIELYN?! Sielyn, nandiyan ka ba sa loob?" Katok na naman ni Jaron sa pinto ng bahay ng nobya. Kanina pa siya kumakatok pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Takang-taka na siya dahil dalawang araw na siyang pabalik-balik roon pero mukhang wala pa ring tao. Wala pa rin ang mga magulang ni Sielyn at mas nakapagtataka na wala rin si Sielyn.

Sa isip-isip ni Jaron ay umalis ba ang kaniyang nobya? Sumunod ba si Sielyn sa magulang nito?

Nanlulumo siyang tumalikod na sa may pinto. Siguro ay babalik na lang ulit siya bukas o sa susunod na araw.

"Manong, puwede pong magtanong?" Nang may makita siyang matandang lalaki. Mukhang galing sa bundok dahil may karga-karga itong mga kahoy.

"Ano 'yon, iho?"

"Napansin niyo po ba si Sielyn?"

"Ah, si Sielyn? Bakit wala ba siya riyan sa bahay nila?"

"Wala po, eh. Noong isang araw pa ako pabalik-balik dito pero wala pong nagbubukas ng pinto. Baka kako nakita niyo po siya na may pinuntahan?"

Napaisip ang matanda. "Nakita ko siya noong isang araw. Maaga. Mga alas-singko yata iyon. Hitsurang mamalengke ulit sa bayan."

"Mamalengke lang po at hindi aalis?"

"Oo kasi ganoon naman na lagi kapag nakikita ko siya. Nagtataka nga ako sa batang iyon dahil lagi na lang namamalengke."

Napakamot-noo si Jaron. Bigla ay tumubo sa dibdib niya ang matinding kaba.

"Sige, iho, mauna na ako," untag-paalam ng matanda sa kaniya.

"Ah, sige po. Salamat po, Manong."

Inihatid niya ng tanaw ang papalayong matanda. Natulala siya saglit dahil sa pag-iisip pa rin sa nobya.

"Jaron!" hindi nagtagal ay tawag ng pamilyar na boses sa pangalan niya.

"Claudith, what are you doing here?" takang-taka na tanong niya nang paglingon niya ay nakita niya ang dating nobya. Kasama pa ang dalawang kaibigan nito.

Pamarchang lumapit sa kaniya si Claudith at malutong siyang sinampal.

"Why did you do that? Ano'ng problema mo?" sapo ang pisnging agad namula na singhal niya sa dalaga.

"Para iyan sa panloloko mo sa akin. Hindi porket pumayag akong makipag-cool off sa 'yo ay puwede ka nang makipag-fling sa iba!" balik singhal sa kaniya ni Claudith.

Namilog ang mga mata ni Jaron. Nauunawan na niya, alam na ng dalaga ang tungkol sa kanila ni Sielyn.

"Hindi ka na nahiya sa balat mo?! Cheater!" bulyaw pa sa kaniya ni Claudith.

"Claudith, magpapaliwanag ako," aniya. Aminado naman siyang may pagkakamali siya. Sadyang naghahanap pa lang siya ng tiyempo para sabihin kay Claudith ang bagong relasyong pinasok niya't hindi na ito umasa.

Nakaramdam siya ng hiya nang sulyapan niya sina Jake at Vida. Sila man ay ang sama ng tingin sa kaniya.

"Nasa'n ang babae mo?! Iharap mo siya sa 'kin!" subalit mataray na asik ni Claudith.

"Please lang, Claudith, ayoko ng gulo. Ang mabuti pa ay umalis na tayo rito," aniya kasabay nang paghaklit sa braso ng dating nobya.

"No, I won't leave this place until I confront and talk to your woman!" gigil na singhal pa rin sa kaniya ng dalaga. Marahas na binawi nito ang braso.

"Sabing umalis na tayo rito! Tara na!"

"Sabing ayoko! Ayokong umalis!"

"Jaron, may problema ba?" Natigil ang dating magkasintahan sa pagtatalo nang biglang may nagsalita na boses babae. Mayuming boses ng babae.

Gulat na napalingon silang apat sa pinanggalingan niyon.

"Sielyn?" nagtakang naisambit ni Jaron sa pangalan ng nobya. Nakatayo si Sielyn sa ngayon ay nakabukas nang pinto ng bahay. Nasa loob lang pala ng bahay nila si Sielyn. Buong akala niya ay wala ito roon.

Walang ekspresyon ang mukhang tumingin si Sielyn sa kaniya.

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon