Part 4

6.2K 180 0
                                    

"Eiiiihhh!" mahabang tili ni Claudith kasabay nang pag-apak niya sa preno.

Nagyakapan na lang naman sina Vida at Jake. Hinintay na lamang ang magiging katapusan nila.

Mabuti na lang at pinagbigyan pa rin sila ng langit. Ligtas silang tatlo nang tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi sila nabangga o ano pa man.

"Thank God," nerbyos na nerbyos na naibulalas ni Claudith. Hingal na hingal siya na natulala sa harapan ng kalsada.

"Kasi sabi ko sa iyo dahan-dahan lang, eh. Muntik na tayo do'n!" sisi pa rin dito ni Vida.

"At kasalanan ko pa talaga?! Ang sisihin mo ay si Jaron dahil hindi siya makuntento sa akin!" singhal niya. Kay sama ng tinging iginawad sa mga tao sa likod ng sasakyan.

"Huwag na kayong mag-away, puwede ba. May nabangga tayo! Tingnan natin!" awat ni Jake sa kanila.

"Oh, my God! May nabangga tayo, Claudith?!" Natutop ni Vida ang bibig.

"H-hindi ko alam," nabahalang in denial ni Claudith. Nangatal ang buong katawan niya. Ang dami agad consequences ang pumasok sa isip niya kapag totoo nga na may nabangga sila.

"Oo meron! Babae! Babae siya!" giit ni Jake. Humiwalay ito sa pagkakayapos kay Vida at umibis sa kotse.

Gumaya sina Vida at Claudith.

"Shit!" naibulalas ni Jake nang makita nila ang nakahandusay na babae sa gitna ng kalsada at ito'y duguan.

Nagyakapan naman ang takot na takot na dalawang dalaga. Nag-iiyak si Vida, habang si Claudith ay nakaluwa ang mga mata sa hindi pagkapaniwala.

"Tingnan mo kung buhay pa siya," nanginginig sa takot na utos ni Claudith kay Jake matapos ang ilang sandali.

Alanganing nilapitan nga ni Jake ang babae. Halos hindi na niya makita ang mukha ng babae dahil naliligo na ito sa sariling dugo. Bagaman mas natakot, lakas-loob niya itong pinulsuhan sa kamay. Saglit lang ay takot na takot itong lumayo sa babae at parang mababaliw na lumapit kina Claudith at Vida.

"Wala na siyang pulso! Patay na siya! Nakapatay tayo!" at imporma nito habang nakasabunot ang mga kamay sa ulo.

"Diyos ko!" Naibulalas ni Vida. Kumawala ito ng yakap kay Claudith at sa nobyo naman yumakap.

Mas lumuwa ang mga mata ni Claudith. Ilang sandali na napatitig siya sa bangkay ng babae. "Halina kayo! Umalis na tayo rito! Hurry up!" mayamaya ay hestirikal niyang sabi. Nagtatakbo pabalik sa kotse.

"Iiwanan natin siya?! Hit and run ang kaso natin niyon, Claudith?!" may pagtutol na sabi ni Jake.

"Are you an idiot?! Kahit dalhin mo 'yan sa ospital, patay pa rin 'yan! Makakasuhan pa rin tayo! Makukulong pa rin tayo!" bulyaw ni Claudith.

Wala pa ring naging tinag sina Jake at Vida. Hindi alam ang gagawin na naglipat-lipat ang tingin nila sa nakahandusay na babae at kay Claudith.

"Gusto niyong makulong?! Pwes, maiwan kayo rito!" bulyaw pa sa kanila si Claudith.

Umiling na si Vida kay Jake. "Ayokong makulong, Jake. Ang dami ko pang pangarap," at samo nito. Nag-unahan muli ang mga luha nito sa pagpatak.

"Sige, tara," natauhan na ring pagpayag ni Jake. Hawak-kamay silang sumunod na kay Claudith.

Pagkasakay nila sa kotse ay pinaharurot na iyon ni Claudith. Tuluyan na nilang iniwan ang bangkay ng babaeng nabangga nila. Tiwala sila dahil wala namang nakakita at wala namang CCTV sa ganoong lugar. Basta walang makokonsensya sa kanila at hindi aamin, sure sila na ligtas silang tatlo sa pagkakakulong.

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon