Part 12

4.3K 138 0
                                    

Umiyak na lamang si Claudith nang umiyak. Saka lamang siya nagpasiyang lisanin ang lugar na iyon nang mapagod siya't parang wala nang iluluha pa.

Inis na itinapon na lang niya sa kung saan ang ulam na ibibigay niya sana kay Jaron. Laking pagtataka nga lang niya ulit nang makita sa malayong banda si Sielyn. Doon sa may malagong damuhan at ang sama-sama na naman ng tingin sa kaniya.

"Paanong nandoon siya? Hindi ba't naroon siya sa loob ng bahay" kay lalim ng gatla ng noo niya na tanong sa sarili. At lalo pa siyang nagulantang nang biglang naglaho sa paningin niya si Sielyn.

Natigagal na tumaas-baba ang dibdib niya at unti-unting nanlaki ang mga mata niya. Mayamaya ay nagtitili at napakabilis na nagtatakbo na siyang bumalik sa bahay na inuupahan nila na magkakaibigan. Humihingal at pinagpapawisan na pumasok at ikinandado niya ang pinto. Hawak ang doorknob ay napapaisip siya nang husto. What does that mean? How was Sielyn able to do that? Paano nito nagawang maglaho? Si Sielyn ba ang multo kanina na humawak sa kaniya?

"Claudith, nandito na kami," tawag sa kaniya ni Vida.

Laking pasalamat niya at bago pa siya mabuang kakaisip ay dumating na ang kaniyang mga kaibigan. Nagmamadali siyang lumabas sa lumang bahay. Ang daming bitbit na mga groceries sina Jake at Vida nang makita niya ang mga ito.

"Oh, susi ng kotse at ATM mo." Ibinalik agad ni Jake ang mga pinahiram niyang gamit nang makita siya.

"Nabili niyo ba lahat?" malikot ang mga mata niyang tanong na kinuha iyon.

"Of course, kumpleto lahat." Itinaas ni Vida ang mga bitbit na plastic bag. "Bumili na rin kami ng maraming flashlight tapos mga katol at mosquito net para makatulog naman tayo ng maayos."

Iyon lang naman ang problema nila sa lugar. Ang kadiliman at mga lamok sapagkat sa taas ng lugar ay hindi suliranin ang malamig na hangin.

"Good," sabi lang Claudith habang napapahimas sa kaniyang mga braso. Hindi pa rin siya mapanatag. Nasa isip pa rin niya ang kababalaghang nasaksihan niyang ginawa ni Sielyn.

"May problema, Claudith? Bakit parang hindi ka mapakali? Ang likot ng tingin mo?" hindi nakatiis na puna sa kaniya ni Jake nang umupo sila sa yari sa kawayan na balkonahe ng bahay.

"Oo nga. Kanina ka pa lingon nang lingon. May nangyari ba habang wala kami? Ang bilis lang naman namin, ah?" segunda ni Vida.

Nagdadalawang-isip man dahil baka tawanan o tawagin lang siyang baliw ng dalawang kaibigan ay ikuwenento pa rin niya sa mga ito ang nakita niyang paglalaho ni Sielyn na parang isang multo.

"Seryoso? Katakot naman?" patili na ani Vida. Awtomatiko ang pag-angkla ng mga kamay nito sa braso ng kasintahan.

"Sigurado ka ba sa nakita mo, Claudith?" paniniguro naman ng tatawa-tawang si Jake.

Mataray na tinaasan niya ito ng kilay. "Oo nga. Halos mabaliw-baliw nga ako kanina."

"Pero paanong nangyari iyon?" si Vida.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko nandoon sila sa loob ng bahay ni Jaron tapos bigla na lamang siyang naroon sa damuhan na tapat ng bahay," giit niya sa nakita.

Nagkatinginan sina Jake at Vida.

"I know it sounds crazy, but it's true. Hindi ako gumagawa lamang ng kuwento. Kahit mamatay pa ako ngayon," dagdag niyang sabi maniwala lamang ang mga ito sa kaniya.

"Baka marunong mag-magic?" biro pa rin ni Jake.

"Hindi 'yon magic!" Malakas na naipalo niya ang mga palad sa kawayang lamesa. "At saka imposibleng marunong mag-magic ang babaeng iyon! Duh!"

"Kung hindi iyon magic? Ibig sabihin multo si Sielyn?" seryosong hinuha na ni Jake.

"Oh, my God! Multo si Sielyn?!" naitili tuloy ni Vida. Mas kumapit pa ito sa braso ng boyfriend.

Kulang na lang ay mag-isang linya na ang mga kilay ni Claudith. Saglit niya iyong pinag-isipan kahit na kanina ay iyon din ang pumasok sa isip niya ukol kay Sielyn. "Ang kaso may multo bang nagpapakita sa araw? Hindi ba dapat gabi lang? At saka may multo ba na nakikisalamuha sa tao, nahahawakan at nakikipag-usap pa?" mayamaya ay pagsasatinig niya sa kaniyang mga naalisa sa isipan.

"Puwede 'yon. Madami na nga akong napanood na pelikula na ganoon ang multo. Mga multo na nagpapanggap na buhay kasi ayaw pa nilang iwanan ang mga mahal nila sa buhay. Sila raw ang mga kaluluwa na hindi pa ready na umalis," nagseryoso na talaga sa usapan na paliwanag ni Jake.

Nangilabot na talaga si Claudith. Muli niyang nahimas-himas ang mga braso. "Kunsabagay, kung papansining maigi ay hitsurang bangkay na buhay nga ang hitsura ng Sielyn na iyon. Napakaputla ng mukha niya tapos laging puti ang damit tapos kung kumilos, eh, iilan lang."

"Ni hindi ko pa nga nakita na ngumiti," dagdag ni Vida.

Napaisip pa silang tatlo habang natatakot na sa lugar na kinaroroonan.

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon