Part 5

5.8K 162 0
                                    

"Ano'ng balita?" tanong ni Claudith kay Jake at Vida nang dumating ang mga ito. Inutusan niya kanina ang mga kaibigan na alamin kung ano ang nangyari sa babaeng nabangga nila dalawang araw na ang nakakalipas. Sobrang nagtataka na kasi sila kung bakit wala man lang naibabalita sa TV ukol sa nangyari o kaya naman ay naghahanap sa kanila dahil may kinalaman sila sa aksidente.

Kahit na nakatakas sila noong araw na iyon, inaasahan pa rin nila na makukuwestiyon sila dahil batid naman nila na magagaling na ngayon ang mga pulis sa pag-iimbestiga.

"Wala, eh. Parang walang nangyari," sagot ni Jake.

"Oo, Claudith. Parang walang nangyari dahil nagtanong-tanong din kami kung may aksidente bang nangyari sa lugar pero wala namang alam iyong napagtanungan namin," segunda ni Vida.

"Ang ibig niyong sabihin ay buhay iyong babae?" takang-taka na tanong pa ni Claudith. Ni hindi siya nakatulog sa nakalipas na dalawang gabi kakaisip sa nangyaring iyon, takot na takot siya kapag may kumakatok sa pinto ng condo niya dahil akala niya ay mga pulis na sila na huhuli sa kaniya, tapos wala naman pala siyang dapat katakutan.

She has started to feel annoyed. Nagmukha lang pala siyang tanga.

"Iyon ang hindi namin alam," sagot ni Vida. "Syempre halatado na kapag itatanong pa namin iyon. Basta ang tahimik ng lugar. Walang pulis, walang imbestigador."

"So, buhay nga iyong babae kasi walang bangkay?" parang tanga na ulit ni Claudith sa tanong. Hindi pa rin siya mapakali.

"Parang ganoon na nga," ani Jake.

Kagat-kagat ang kaniyang hintuturo ay natigilan ng ilang saglit si Claudith. Pero mayamaya lamang ay napangisi na siya. "Well, it's good if that's the case. We can finally sleep soundly."

"Ang nakapagtataka ay bakit nawala roon iyong bangkay? Hindi ba mas nakakatakot iyon kasi parang hindi normal?" paglalabas ni Vida sa kanina pa gumugulo sa isip nito.

"Hindi kaya kinain na siya ng mga ligaw na hayop? Kita niyo naman, puro kagubatan ang daanan na 'yon. Hindi imposible na nilapa siya ng mga baboy ramo o kung anuman," hinuha ni Jake.

Lalong napangisi si Claudith. "Wala na akong pakialam kung ano ang nangyari sa bangkay ng babaeng iyon. Ang mahalaga ay nawala siya. Meaning hindi na tayo makukulong dahil wala namang magsasabi na may aksidenteng nangyari."

"Kinikilabutan pa rin ako," ani Vida.

"Ako rin," ayuda ni Jake.

Nagkatinginan ang magkasintahang bakas pa rin sa mga mukha ang pag-aalala at matinding takot dahil sa nangyari.

"Huwag niyo na lang isipin iyon." Kabaliktaran nila si Claudith. Prenteng umupo siya sa sofa at inabot ang wine glass na kanina pa iniinuman. Ngiting-ngiti na sumimsim siya ng alak. "At mag-ready kayong dalawa dahil bukas ay pupunta ulit tayo roon sa San Matteo. Itutuloy natin ang pagpunta roon. Susugurin pa rin natin ang babae ni Jaron. Kating-kati na ang mga kamay ko na sampalin ang babaeng 'yon!"

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon