Part 8

4.9K 144 1
                                    

SA LABAS.

"Ano'ng nangyari sa 'yo? Napaupo ka na lang bigla, eh, hindi ka naman itinulak ng babaeng iyon?" nagtatakang tanong ni Vida kay Claudith nang mapatayo nila ang kaibigan.

"I don't know!" paangil na sagot ni Claudith. Inis na inis na pinampag niya ang naputikang puwetan. "Pero bigla na lamang humangin ng malakas kanina," pagkuwan ay sabi niya nang maalala ang nangyari, "at natakot ako. I was really scared of her."

"Sa babaeng 'yon natakot ka? Eh, parang ang hinhin kaya niya. Kung sinabunutan mo nga siguro siya ay tiyak talo na siya," susog ni Jake.

"Oo nga. Parang wala pa naman siyang kalaban-laban sa 'yo. Nakatayo nga lang kanina, eh," segunda ni Vida sa kasintahan.

"I don't know, but there's something strange about that woman. I just can't pinpoint what it is," wika ni Claudith. Masama ang titig sa pinto ng bahay na nakasara. Gusto rin niya sanang sabihin sa dalawang kaibigan iyong nakita niyang pagputi ng dalawang mata ni Sielyn, ngunit dahil hindi siya sigurado kung nangyari ba talaga iyon, na baka malikmata lang niya iyon ay nag-alangan siya. Imposible namang mangyari kasi iyon.

May kakaiba kay Seilyn. Iyon lang ang sigurado niya at iyon ang aalamin niya.

"So, uuwi na tayo?" untag ni Vida.

"Oo, tara," ani Jake.

"No, hindi tayo uuwi. Hihintayin natin si Jaron," subalit pagsalungat ni Claudith sa napakadiing tinig.

Napakamot na lamang sa kaniya-kaniyang ulo ang magkasintahan. Wala silang nagawa kundi ang maghintay nga. Sa loob ng kotse ay matamang nakaabang sila sa paglabas ni Jaron sa bahay ng babae.

"Pagabi na! Wala na ba talaga siyang balak umuwi?!" hindi nagtagal ay himutok na ni Claudith. Nauubos na naman ang pasensiya niya.

"Uuwi rin 'yon. Relax ka lang. Tingnan mo mayamaya lalabas na siya," pampalubag-loob ni Jake sa kaibigan kahit walang kasiguraduhan kung lalabas pa nga sa Jaron sa bahay na iyon o hindi na.

Naningkit ang mga mata at tumaas ang dibdib ni Claudith. "Talagang sinasagad ng lalaking iyon ang pasensiya ko. Talaga bang in love na siya sa probinsyanang 'yon?! Aisst, nakakainis!"

"Calm down, Claudith. Hindi nakakatulong ang init ng ulo mo," pag-alo rin ni Vida rito.

"And how can I calm down?! Paano kung may ginagawa na silang milagro sa loob?!" singhal ni Claudith sa mga kaibigan. Kung puwede lang sugurin ang dalawa sa loob ay ginawa na niya, pigil na pigil lang niya ang sarili.

Napakamot-ulo na lang ang magkasintahang Jake at Vida. Hindi na sila umimik, pati man si Claudith kahit na noong umabot pa sa ilang oras ang paghihintay nila.

Gabi na. Madilim na ang paligid pero wala pa ring Jaron na lumalabas sa bahay na iyon. At hindi na nga nakatiis pa si Claudith. Padabog na siyang bumaba sa kaniyang kotse at pamarchang lumapit sa pinto ng bahay.

"Jaron! Jaron, lumabas ka riyan!" Kumatok siya ng pagkalakas-lakas.

"Claudith?" takang-taka na sambit ni Jaron sa pangalan niya nang pagbuksan siya nito ng pinto. "Nandito pa kayo?"

"Oo, at uuwi na tayo! Let's go!" angil niya sabay hablot sa kamay ng binata.

"No, Claudith, hindi ako puwedeng umuwi." Subalit tinanggal ni Jaron ang kamay niya sa kamay nito. "Umuwi na kayo kung gusto niyong umuwi. Maiiwan muna ako rito."

"Don't tell me dito ka matutulog kasama ang babae mo?!"

"Oo dahil masama ang pakiramdam ni Sielyn. Hindi ko siya magagawang iwanan. Sasamahan ko muna siya rito dahil wala siyang kasama at baka mapaano siya."

"You're crazy!"

"Sorry, Claudith." Pagkasabi niyon ni Jaron ay isinara ulit nito ang pinto.

Kuyom na kuyom ni Claudith ang dalawang palad sa sobrang inis na nasipa niya ang pinto. "I hate you! I hate you, Jaron!" tapos ay gigil na gigil niyang sigaw.

Inawat siya ulit ng dalawang kaibigan.

"Jake, maghanap ka ng bahay malapit dito at uupahan natin!" hingal na hingal niyang utos dikawasa. "Hindi tayo aalis dito na hindi kasama si Jaron!"

"Ano?!" halos sabay na bigkas nina Jake at Vida.

"Narinig niyo naman ako, 'di ba?!" Lalong nainis si Claudith. Galit na galit na talaga siya. "Hindi ako magpapatalo sa maputlang babaeng iyon! Hinding-hindi!"

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon