Part 17

4.5K 126 0
                                    

MALUNGKOT na malungkot ang hitsura na tinitigan ni Sielyn si Jaron na tulog-tulog. Nakatayo siya sa paanan ng kama na kinahihigaan ng nobyo.

"Hindi ako makakapayag na makukuha ka nila sa akin, Jaron. Dito ka lang. Hindi ako hahayang magiging masaya kayong dalawa ng masamang babae na iyon! Hinding-hindi!" mayamaya ay maririnig na salita niya pero hindi naman bumubuka ang kaniyang mga bibig.

Mas napatitig pa siya kay Jaron. Hanggang sa napaluha na siya. Lumuluha siya pero dugo. Dugo ang pumapatak na mga luha niya mula sa mga mata niya.

Hindi nagtagal ay unti-unti na ring nag-iba ng kaniyang anyo. Ang maputla pero maganda pa rin niyang mukha ay unti-unting naging naaagnas. Kalauna'y hitsurang nakakatakot na bangkay ng isang babae na siya na dapat ay kinakain na ng lupa.

Naalimpungatan naman na si Jaron. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata.

"Huh?!" At ano na lang ang gulat niya nang maaninag niya ang isang bulto ng tao sa paanan niya.

"Aaahhh!" Saglit ay nagsisigaw na napabalikwas siya ng bangon dahil nang luminaw sa paningin niya ay isa pala itong babae na nakakatakot ang hitsura.

Isang naaagnas na bangkay!

"Sh*t!" Kamuntikan na rin siyang mapatalon sa bintana. Pero nang tingnan niya ulit ang babae ay laking pagtataka niya dahil wala naman na ito.

Magkahalong takot at pagtataka na iginala niya ang paningin sa inuukupang silid. At nang hindi na niya talaga makita ang babae ay nangangatog ang mga tuhod niyang umupo sa kawayang kama na kinahihigaan kanina.

Kinakain siya ng katanungan kung malikmata lang ba iyon o totoo.

Mayamaya ay napabuntong-hininga siya ng malalim at napailing. "Makaihi na nga lang," at inis niyang usal sa sarili nang tumayo.

"Oh, sh*t!" subalit nagulat muling sambit niya nang makakita siya ng babae sa pinto. Mabuti na lamang at si Sielyn lang pala.

"Bakit parang may kinakatakutan ka, Jaron?" malumanay na tanong sa kaniya ng nobya.

"Ah, eh, w-wala. Wala naman. Iyong panaginip ko kasi sobrang nakakatakot," namumutla ang mukha niyang pagsisinungaling.

Napakurap lang si Sielyn habang titig na titig sa kaniya.

"Ihi lang ako," pag-iwas na niya.

Tumango si Sielyn at tumabi upang makadaan siya sa pinto.

Nilampasan niya ang dalaga pero muli siyang napalingon dito nang mapansin niyang malapit nang magliwanag sa labas. "Ano'ng gusto mong almusal pala mamaya? Ako na ang magluluto."

"Kahit ano," sagot ni Sielyn na hindi lumilingon sa kaniya. Tuwid ang pagkakatayo na nanatili lang ito sa kinatatayuan nito.

Ayaw man ni Jaron ay napakunot-noo siya. Minsan nawiwerduhan na rin siya sa kasintahan dahil ang seryoso na talaga nito at parang robot na kung kumilos.

Ipinilig niya ang ulo bago pa man mapunta sa kung saan ang kaniyang utak. Isiniksik niya sa isipan na mahinhin lang si Sielyn kaya ganoon na hindi nagsisipagkilos.

Tama! Ganoon nga!

Tumalikod ulit siya para tunguin ulit ang banyo. Subalit natigilan ulit siya nang may mapansin siya. Bigla siyang lingon ulit pero hindi kay Sielyn siya tumingin kundi sa full-length mirror ng lumang kabinet ng damit. At muli ay napamulagat ang kaniyang mga mata nang makumpirma niya na tama ang nakita niya kanina at hindi lang siyang namalikmata.

Sa salamin kasi ay walang repleksyon doon si Sielyn!

Paanong?

Lumingon sa kaniya si Sielyn. Napaatras siya ng isang hakbang.

"Jaron, kinakatakutan mo ba ako?" sa ginawa niya'y nagtaka ang dalaga.

Ilang sandali na nakatulala lamang siya rito.

"Jaron, may problema ba sa mukha ko? Hindi na ba ako maganda? Hindi mo na ba ako mahal?" Saka lamang siya natauhan nang mga itanong iyon sa kaniya ng nobya.

Hindi niya alam kung saan siya humugot ng tapang. Basta namalayan na lamang niya na nilapitan pa rin niya si Sielyn at mahigpit na niyakap. "I love you, Sielyn. Kahit kailan ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa 'yo."

"Alam ko, Jaron, alam ko at salamat. Salamat dahil mahal mo ako," madamdaming sabi naman ni Sielyn kahit na pati ang pagtugon sa kaniyang yakap ay hindi nito magawa.

Lalong hinigpitan niya ang yakap rito. Wala siyang pakialaman. Wala na siyang pakialam kahit ano na ngayon n si Sielyn. Hindi siya matatakot. Hindi siya mandidiri. Mas lalo pa niya itong mamahalin.

Tuluyan na siyang napahikbi nang isubsob niya ang mukha sa balikat ni Sielyn.

"Jaron, bakit ka umiiyak?" nagtakang tanong sa kaniya nito.

Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Jaron. "Basta kahit ano'ng mangyari ay pakatandaan mo na mahal na mahal kita, Sielyn."

Wala nang naging imik pa ang dalaga.

Kulang na lang ay mapahagugol na naman siya ng iyak nang muling mapatingin siya sa salamin. Yakap-yakap niya si Sielyn pero sa repleka ng salamin ay para siyang tanga na walang kayakap.

"Diyos ko, ano'ng nagyari? Ano ang nangyari sa babaeng ito na pinakamamahal ko?" sa isip isip niya na buong pagtatangis.

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon