Part 7

5.4K 150 0
                                    

"SIELYN, buti naman lumabas ka na," labis-labis na ang kasiyahan ni Jaron. Binalewala na niya ang pagtataka. At akmang lalapitan niya sana ang nobya ngunit pinigilan ito ni Claudith.

"At saan ka pupunta?!" asik ng dalaga.

"I'm sorry, Claudith, but Sielyn is my girlfriend now. I hope you understand."

"So, siya pala ang babae mo?!" nakataas ang isang kilay na saad ni Claudith. Tiningnan nito mula ulo hanggang paa ang babaeng umagaw kay Jaron. "Really, Jaron? Ipinagpalit mo ako sa isang manang? Hindi ka ba kinikilabutan sa sarili mo?" saglit ay panlalait nito sa laking probinsya na kapwa dalaga. Pagkatapos ay mataray ang hitsura na nilapitan si Sielyn.

"Claudith, utang na loob. Huwag mong aawayin si Sielyn. She has no fault with you," pakiusap ni Jaron.

Sa kasamaang-palad, hindi iyon pinakingan ni Claudith. Sinugod pa rin nito si Sielyn. "Ikaw na babae ka! Kilala mo ba ako?!" pagtataray nito agad.

Hindi umimik si Sielyn. Nakatingin lang ito kay Claudith na walang kakilos-kilos. Ni walang kakurap-kurap.

"I guess hindi mo alam. Puwes, magpapakilala ako. I am Claudith Viscarra, and I am Jaron's girlfriend!"

Sa kabila ng mga isiniliwalat ng kapwa dalaga, wala pa ring katinag-tinag si Sielyn. Wari ba'y wala itong naririnig. Wala ring ekspresyon sa mukha.

"Hindi mo ako narinig?! Ang sabi ko, ako ang girlfriend ni Jaron!" singhal na rito ni Claudith.

"Tama na 'yan, Claudith! Huwag kang nagsasalita ng hindi totoo! Matagal na tayong tapos kaya hindi na kita girlfriend! Si Sielyn na ang girlfriend ko ngayon!" si Jaron. Sumingit ito sa pagitan ng dalawang dalaga at si Sielyn ang halatang nais nitong protektahan.

"Huwag kang makialam dito!" Bigla ay itinulak patagilid ni Claudith si Jaron. "Ikaw layuan mo ang boyfriend ko—huh!" At ginusto rin sana nitong itulak si Sielyn. Hindi lamang nito nagawa dahil bigla ay humangin ng malakas mula sa loob ng bahay nina Sielyn. Iyon ang natulak kay Claudith kaya napalayo kaunti ito kay Sielyn. Napaatras ito ng ilang hakbang. Muntik pang ma-out of balance.

Takang-taka na napatitig si Claudith sa itinuturing na karibal. At noon lang niya napansin na iba ang pamumutla ng mukha nito.

"Claudith, tara na! Umuwi na tayo!" sigaw ulit ni Jaron sa dating nobya. Sa puntong iyon, mas mahigpit na ang hawak na ginawa nito sa kamay ni Claudith. Pakaladkad na niya itong hinila paalis.

"Insan, bitawan mo si Claudith. Nasasaktan siya," saway sa kaniya ni Jake.

"Ano ba kayong mga klaseng kaibigan?! Paanong hinahayaan niyong manggulo ang kaibigan niyo rito?!" singhal ni Jaron kina Jake at Vida.

"Well, ayaw lang naman kasi naming niloloko ng isang lalaki ang kaibigan namin!" saad ni Vida na nakataas ang sulok ng labi.

"Sa tingin mo talaga ay papayag ako na sa isang katulad ng babaeng iyan mo lang ako ipagpapalit?! No way in hell!" pasigaw na turan ulit ni Claudith. Malakas na binawi ulit nito ang kamay at may pagmamadaling nilapitan uli si Sielyn. "Jaron is mine! Bitch!" At akmang sasampalin ito.

Subalit nag-pause ang kamay ni Claudith sa ere at nahintakutan. Bigla ay pumuti kasi ang dalawang mata ni Sielyn at minsan pa ay lumakas ang ihip ng hangin.

"Eiiiihhhh!" malakas na malakas na naitili ni Claudith. Kusang napaatras na siya, ngunit sa kamalasan ay na-out of balance ito dahil sa takot na naramdaman. Napaupo ito sa putikang lupa.

"Claudith!" Agad naman siyang sinaklolohan ng dalawang kaibigan.

Si Jaron ay lumapit naman kay Sielyn. "Umalis na kayo rito at huwag na kayong babalik pa!" at madiing sabi niya sa tatlong magkakaibigan.

Masamang tingin na lamang ang ipinukol nina Claudith, Vida at Jake sa kanila ni Sielyn.

"Sielyn, halika na sa loob. Huwag mo na silang pansinin." Iginiya na ni Jaron ang nobya papasok ng bahay. Nagbago na ang isip niya. Kaysa ang iuwi si Claudith ay samahan na lang niya si Sielyn.

Walang imik na nagpatianod naman si Sielyn. Pumasok na sila sa loob ng bahay.

"Saan ka ba galing, Sielyn? Pabalik-balik ako rito sa bahay niyo. Inakala ko tuloy na wala ka," sabi niya habang inila-lock niya ang pinto ng bahay.

Wala pa ring salita si Sielyn.

"Pasensiya ka na kay Claudith. Gano'n talaga ang ugali ng babaeng 'yon. Hindi ko nga alam kung paanong nagkagusto ako sa kaniya noon," sabi pa ni Jaron nang nilapitan niya ang nobya. Inilalayan niya ito na umupo sa kawayang sofa. "Sana ay hindi ka magalit sa akin. Sinabi ko naman na sa iyo ang tungkol sa kaniya, hindi ba?"

Tumango lang si Sielyn.

Naginhawaang ginagap ni Jaron ang kamay ng nobya. Ganoon nga lang ang pagtataka niya dahil sobrang lamig ng kamay ni Sielyn.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Nanlalamig ka yata?" Nataranta siya't sinalat niya ang noo ng nobya.

Umiling si Sielyn at inalis ang kamay niya sa noo nito.

"Huwag kang magkaila. May sakit ka nga," giit niya.

"Okay lang ako, Jaron. Huwag kang mag-alala," sa wakas ay salita ni Sielyn ngunit kasabay niyon ay napakalungkot na nag-iwas ito ng tingin. Tinalikuran siya nito ng upo.

"Sigurado ka ba?"

Nakatalikod na tumango si Sielyn.

Hindi na umimik muna si Jaron. Napabuntong-hininga na lang siya. Naisip niya na baka nagdadamdam si Sielyn sa ginawa ni Claudith kaya para itong walang gana na makipag-usap sa kaniya. Hindi naman niya ito masisisi.

"Galit ka ba sa akin, Sielyn?"

Dahan-dahan ay humarap sa kaniya ang dalaga. "Hindi ako galit, Jaron. Wala naman iyon sa akin."

Naginhawaan ulit si Jaron. Kinabig na niya ang nobya at mahigpit na niyakap. Nang maghiwalay sila ay natitig siya sa maganda nitong mukha. Noon na niya nahalata na namumutla rin pala si Sielyn. Pati labi nito ay natutuyo. Ayaw man nitong aminin ay halatang may iniindang sakit talaga ito.

"Aalis na ako, Sielyn, para makapagpahinga ka. Babalik na lang ulit ako bukas," masuyong paalam ni Jaron sa nobya nang makapagpasiya siya. Tatayo na dapat siya nang biglang hawakan siya ng dalaga. Napaigtad pa siya dahil sobrang lamig talaga ng kamay ni Sielyn. Para ba'y nailublob iyon ng matagal sa tubig na maraming yelo.

"Puwede bang huwag ka nang umalis? Puwede bang huwag mo na akong iwanan? Puwede bang dito ka na lang sa tabi ko, Jaron?" samo ni Sielyn sa napakalumanay na tinig pagkuwan.

Bandang huli, napangiti siya at masuyong hinawakan niya ang pisngi ng nobya. "Kung gusto mo talaga ako makasama pa ay sige dito muna ako. Babantayan na lang muna kita. Mamaya na lang ako aalis."

Uniti-unting sumilay ang manipis na ngiti sa labi ni Sielyn.

"Wala ka ba talagang nararamdaman? Parang may sakit ka?" paniniguro ni Jaron subalit tulad kanina umiling lang ulit si Sielyn.

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon