Part 19

4.2K 125 0
                                    

 "SO, ANO na ang plano? Mamayamaya lang ay magigising na si Jaron," kinakabahang wika ni Vida. Ilang oras na ang nakakalipas simula pinalo ni Jake ang ulo kanina ni Jaron ng kahoy upang mawalan ito ng malay.

"Oo nga. Naku lagot na naman tayo kay insan nito, Claudith. Baka singilin na ako ng mga utang ko sa kaniya nito kapag nalaman niyang ako ang bumanat sa kaniya sa ulo," himutok din ni Jake.

"Alalahanin mo na mas malaki ang utang mo sa akin. Baka ako ang maningil sa iyo?" pananakot dito ni Claudith.

Napakamot sa batok si Jake. "Nagtatanong lang kung ano na ang plano mo."

"Ito na nga, oh! Nag-iisip na!" mataray na tugon ni Claudith. Naiinis siya dahil mas hindi siya nakakaisip ng gagawin dahil sa kadaldalan ng mga ito. "What if mag-isip din kaya kayo? Gamitin niyo rin ang mga utak niyo!"

Pauwi na sila kanina galing sa kalsada nang hindi sinasadya ay nakita nila si Jaron na lumabas sa bahay nina Sielyn. Noong una'y nagtataka lang sila dahil parang may sinusundan ang binata na hindi naman nila nakikita, pero nang sa huli at nakita nila na patungo ito sa kalsada ay pare-parehas silang naalarma. Naisip nilang tatlo na mukhang natuklasan na ni Jaron ang nagawa nilang aksidente na may kinalaman sa pagkamatay ni Sielyn, dahilan upang magawa nilang kidnapin ito.

Magpahanggang ngayon ay takot pa rin sila na may makaalam sa nangyari at makulong sila.

"Darn it!" Nasapo ni Claudith ang noo. Sa isip-isip niya'y ano ang gagawin nila?! Hindi dapat malaman ni Jaron na sila ang nakapatay kay Sielyn. Oras na mangyari iyon, hindi lang siya makukulong kundi tuluyan nang mawawalan siya ng pag-asa sa puso ni Jaron. Natitiyak niyang mas isusumpa siya ni Jaron.

Nabulabog na naman silang tatlo sa biglaang pagbubukas ng pinto ng bahay na inuupahan nila.

"Claudith!" kapwa naisambit ng mga nagulat at nahintakuitan na sina Jake at Vida. Awtomatiko na sumiksik sila sa kaniya.

Nanlalaki naman ang mga mata niya na napatitig lang sa pinto.

"Ano 'yan?!" takot na wika ni Vida nang may mga usok na naglabasan na parang galing sa labas.

"Nanay ko!" Hintakot na yumakap nang mahigpit si Jake sa nobya.

"Magpakalalaki ka nga!" Binatukan ito ni Claudith. "Daig mo pa kami, eh!"

"Magpakalalaki? Eh, multo 'yan kaya," angal ni Jake.

"Oo nga naman, Claudith," pagtatanggol ni Vida sa nobyo.

"Ewan ko sa inyo!" nagtapang-tapangan na talagang ani Claudith. Inis na kumawala siya sa mga yakap ng dalawa at walang takot na lumapit sa pinto. "Lumakas lang ang hangin, eh. Tinatakot niyo lang ang sarili niyo," aniya pa nang akmang isasara niya iyon.

"Aaahhh!" malakas na sigaw nga lang niya nang biglang litaw si Sielyn sa harapan niya. Nagsisigaw siyang mabilis na bumalik kina Vida at Jake.

"Aaahhh!" duetong sigaw din naman dalawa nang makita na rin nila si Sielyn.

"Akin si Jaron! Umalis na kayo sa lugar na 'to! Hayaan niyo na siya rito! Dito siya nararapat!" nakakatakot na sigaw rin ni Sielyn sa kanila. Animo'y galing sa ilalim ng balon ang tinig nito. Mas naging nakakatakot din ang mukha nitong putlang-putla. Pulang-pula rin ang mga mata nito na ang daming ugat-ugat. Ang buhok ay gulong-gulo. Ang damit nito'y napakadumi at may mga mancha ng dugo.

Sa mas matinding takot, nagtitili ang tatlong nagtatakbo sa isang silid para doon ay magtago. Ini-lock ni Jake ang pinto na para ba'y may magagawa iyon upang mailigtas sila kay Sielyn.

"Sabi ko kasi sa inyo umalis na tayo rito, eh. Umuwi na tayo kasi," nanginginig ang buong katawan na sabi ni Vida. Nagsiksikan ulit sila sa isang sulok ng silid.

"Tumigil ka nga!" singhal ni Claudith. "Ilang ulit ko nang sinabi! Hindi tayo aalis dito na hindi nababawi si Jaron!"

"Eh, paano mo mababawi kung multo na pala ang karibal mo?" ani ni Jake. "Baka naman kasasabi mo niyan maging multo na rin tayo rito."

"Ah, basta! Hindi tayo aalis!" pagmamatigas pa rin ni Claudith.

Kalauna'y muli silang nagtilian nang biglang magbukas pabalibagbag ang bintana ng silid at unti unting umangat sa labas ang nakakatakot na si Sielyn. Ngayon nama'y duguan na ang mukha nito dahil sa malaking sugat nito sa ulo.

Sunod-sunod ulit na lumabas sa silid ang magkakaibigan at sa puntong iyon ay nagkahiwa-hiwalay na sila ng tinakbuhang banda.

"Mommy!" Naalarma si Claudith nang mapansin niyang nag-iisa lang siya sa tinakbuhan at mapansing napakadilim na lugar ang kaniyang narating sa sobrang takot kanina. Nanginginig ang kaniyang mga kamay na nilingon niya ang bahay na inuupahan.

Hanggang sa unti-unti ay napalitan ng inis ang takot niya. Para ba'y nagbukas ang isip niya na hindi siya dapat matakot kay Sielyn dahil baka sadyang tinatakot lamang siya nito upang maangkin nito ng tuluyan si Jaron.

Hindi siya makapayag na mapupunta lang si Jaron sa isang multo! Wala nang karapatan dito sa lupa ang babae na iyon! Kaya wala rin itong karapatan na angkinin pa si Jaron! Ang kapal ng mukha!

Naniningkit ang kaniyang mga mata na humakbang pabalik. Hindi siya magpapatalo sa isang multo. Babalikan niya si Jaron. Ililigtas niya si Jaron.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 15 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon