Part 3

6.7K 195 2
                                    

"FOR PETE'S sake, Jake, tama ba ang lugar na ito? Are we gonna drive forever? We've been on the road for ages!" reklamo ni Claudith nang parang wala nang katapusan ang pagmamaneho niya. Kanina pa sila alas-dose ng hating gabi umalis sa Maynila pero mag-uumaga na'y hindi pa rin sila nakakarating sa destinasyon nila.

"Oo nga. Parang lagpas na tayo sa Pilipinas, ah?" segunda ni Vida.

"Basta diretso lang, Claudith. Don't worry dahil malapit na tayo sa bahay no'ng babae." Pagbibigay direksyon ni Jake sa nagmamanehong si Claudith.

"Tiyakin mo lang na totoo ang sinabi mo na may ibang babae si Jaron, Jake, dahil kung hindi ay malalagot ka talaga sa akin," nagngangalit ang ngiping anang dalaga.

Galit na galit si Claudith habang nagmamaneho patungong lugar kung nasaan ang bagong girlfriend daw ni Jaron. Nagdesisyon siya agad na sugurin ang babae nang isumbong sa kaniya ni Jake ang nakita nito noong sinundan nito sa Jaron. Hindi siya makapapayag na maagaw ng isang probinsyana lamang ang lalaking pinakamamahal niya.

She's the famous influencer, Claudith Viscarra. Meron siyang milyon-milyong followers sa kaniyang mga account sa iba't ibang social media platform. Laging inaabangan ang kaniyang mga post lalo na ang mga kalalakihan dahil sa kaniyang nakakabighaning kagandahan. Isang malaking insulto para sa kaniya kung ang babaeng taga-probinsya lamang siya ipagpapalit.

"Oo nga. Narinig ko talaga na nagsabihan sila ng 'I love you' sa isa't isa," giit ni Jake.

"Maganda ba iyong babae? Tell me the truth, is she prettier than me?"

"Hindi ko masabi dahil hindi naman ako puwedeng magpakita, 'di ba? Hindi ko nakita. Basta sure ako sa narinig ko."

Claudith compressed her lip. Lalong parang uusok na ang kaniyang ilong sa tuminding galit. Kay higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa manibela.

Hindi siya makakapayag! That girl is digging her own grave!

"Grabe naman ang lugar na 'to. Walang kabahay-bahay. Nakakatakot," pag-iiba na ni Vida sa usapan. Ito ang abala sa paglinga-linga sa paligid. Puros kahoy na lang kasi ang nadadaanan nila, paisa-isa na lamang na bahay ang nakikita.

"Don't worry, Vida, I'm here. May lumabas man na multo o zombie ay nandito lang ako. Hindi ko hahayaang mapahamak ka," corny na sabi rito ni Jake na may kasamang kindat. Noon pa man ay sweet na talaga sila na magkasintahan. Kulang na lang ay langgamin ang mga ito na minsan kinaiinisan ni Claudith.

"Puwede ba, huwag kayong insensitive! Nakikita niyong nadudurog ang puso ko rito, panay naman kayo pa-sweet diyan! Gusto niyo ibangga ko 'tong kotse nang matigok na lang tayong lahat! Lintik na buhay 'to!" At ngayon nagpakulo pa lalo sa mga dugo niya.

Awtomatiko na dumistansya sa isa't isa sina Jake at Vida. Natakot na baka tutuhanin ng baliw nilang kaibigan ang sinabi. Nagsenyasan sila sa mata at nagkalabitan sa hita.

"Claudith, relax ka lang pagdating natin do'n, ah? Diyos ko, baka makapatay ka niyan," paalala ni Vida sa kaibigan pagkaraan.

"I will really kill that girl when I see her!" Sa inis ay diniinan ni Claudith nang madiin ang silinyador kaya naman humarurot nang todo ang kotse.

Nagtitili si Vida sa takot. Napakapit ito nang husto sa nobyo.

"Claudith, dahan-dahan lang! Baka tayo ang mamamatay sa ginagawa mo!" sigaw naman ni Jake

"I will kill them both!" Hindi nagpatinag si Claudith. Gusto niyang marating agad ang bahay ng babaeng malandi na 'yon.

Pumaspas pa ang takbo ng kotse. Kaya naman huli na para iprino ni Claudith ang sasakyan nang may biglang may babae sa gitna ng kalsada. Nabangga ang babae na siyang nagpabulabog sa kanila sa loob ng sasakyan

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon