Part 2

7.3K 197 0
                                    

"JARON, nandito ka ulit." Abot hanggang tainga ang pagkakangiti ni Sielyn nang makita ang nobyo.

"Oo, Sielyn. Gusto ko ulit kasing makita ka at makakuwetuhan." Ganundin si Jaron na may dala pang bulaklak at tsokolate para sa dalaga. "Para sa iyo."

"Salamat. Pasok ka," anyaya ni Sielyn sa bisita.

"Thanks." Umupo si Jaron sa upuang gawa ng kahoy. "Mag isa ka yata? Wala ang mga parents mo?" at tanong niya dahil kapansin-pansin ang katahimikan ng bahay.

"Oo. Umuwi sa Mindoro sina Nanay at Tatay. May sakit daw kasi iyong kapatid ni Tatay at gusto silang makita bago raw pumanaw yata."

"Ganoon ba. Pero hindi ka natatakot mag-isa rito?"

Nasa dulong bahagi na ng probinsya ng San Matteo ang lugar nina Sielyn kaya halos walang katao-tao. Magkakalayo kasi ang bahay sa lugar. Gayunman, hindi na nagtataka si Jaron sa bagay na iyon dahil ganoon naman kalimitan sa mga probinsya. Ang kaniyang ipinagtataka ay ang katapangan ng dalagang binibisita kapag gusto niya itong makita.

"Hindi naman. Bata pa lang ako ay sanay na ako na naiiwanan dito sa bahay dahil na rin sa trabaho nina Nanat at Tatay na pangangahoy sa bundok at pagsasaka," kiming sagot ni Sielyn.

"Ganoon pala." Napatango-tango si Jaron at mas napangiti sa dalaga.

Maganda at mabait si Sielyn. Mahinhin din ito na kaniyang nagustuhan na katangian ng dalaga, dahilan para kahit malayo ang San Matteo mula Maynila ay pinagtitiyagaan niya itong puntahan makita lamang ito. Hindi niya alam na matapang din pala na babaeng ito kaya lalo niya itong hinangan. Tumibok lalo ang puso niya para sa dalaga.

Si Sielyn Bonalos ay nakilala ni Jaron noong nasiraan siya ng kotse. Galing siya noon sa isang kaibigan na ikinasal. Si Sielyn ang tumulong sa kaniya upang maayos ang kaniyang kotse. At dahil sa taglay nitong kasimplehang ganda ay agad siyang nabighani rito.

Hindi siya noon naniniwala sa love at first sight. Ang sabi niya noon ay walang ganoon. Ngunit nang makilala niya si Sielyn ay naniwala na siya. Meron nga pala talagang nai-in love sa isang tao kahit sa unang pagkikita pa lamang nila. Posible nga pala talaga iyon dahil heto't nangyari na sa kaniya.

"Sielyn?"

"Ano 'yon, Jaron?"

"Mahal mo naman talaga ako, 'di ba?"

Kitang-kita ni Jaron ang pamumula ng pisngi ng nobya. And he secretly found it delightful. Sielyn looked so cute whenever she blushed. She looked even more innocent.

"Ah, eh, naitanong ko lang kasi hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend kita. Ang suwerte ko," nadadyaheng paliwanag niya nang napansin niyang hindi na umimik pa ang dalaga.

Tumitig sa kaniya si Sielyn.

Ngumiti naman siya't napahimas sa batok. "Sorry kung parang na-awkward ka, Sielyn. Masaya lang talaga ako na nakakasama kita ng ganito."

"Ako rin, Jaron. Masayang-masaya ako kapag magkasama tayo," ang sabi na ni Sielyn matapos ang pananahimik nito.

"Talaga?" Mas natuwa siya sa sobrang kasiyahan. Kulang na nga lang ay magtatalon siya't magsisigaw.

"Oo dahil mahal na mahal din kita, Jaron," sabi pa ni Sielyn na mas ikinakilig niya kahit lalaki siya.

"Salamat, Sielyn." Walang sinayang sa sandali si Jaron, iglap ay nakabilanggo na si Sielyn sa kaniyang mga bisig. "Pangako hindi mo pagsisisihan na ako ang pinili mong mahalin. Titiyakin ko lagi na magiging masaya ka," at madamdaming sabi niya bago ang masuyo na pag-angkin sa mga labi ng dalaga.

"I love you, Sielyn," anas pa niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

"And I love you, too, Jaron," ngiting-ngiti na sagot naman ng dalaga.

Wala silang kaalam-alam na nasa likod si Jake ng bahay at nakikinig sa kanila. Natutop nito ang sariling bibig.

"Patay may bago na ngang gf si Jaron. Naku, malaking gulo ito oras na malaman ni Claudith. Sigurado makakapatay 'yon ng tao!" sa isip isip ni Jake kasabay nang maingat nitong pag-alis sa lugar.

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon