Part 11

4.6K 143 0
                                    

INAYOS muna ni Claudith ang sarili bago niya kinatok ang pinto ng bahay nina Sielyn. Kanina lamang ay ipinagluto siya ng almusal ni Vida bago sila umalis ni Jake paluwas sa Maynila. Nang wala siyang maisip gawin sa pag-iisa ay pumasok ang idea sa isip niya na hahatiran si Jaron. Bigla ay naisip niyang magandang paraan iyon upang makita at makausap niya ang nobyo.

Yes, para sa kaniya ay nobyo pa rin niya si Jaron. Never niya itong tatawaging ex dahil hindi siya makakapayag na maagaw siya ng ibang babae, lalo na ng probinsyanag si Sielyn. By hook or by crook, she will not give up on Jaron

"Jaron, please open this door. May ibibigay lang ako na ulam. Hindi ako manggugulo," malakas na tawag niya sa binata.

Napalayo siya kaunti nang lumangitngit ang kahoy na pinto ng bahay. Pinagbubuksan na siya. Inihanda naman niya ang pinakamatamis niyang ngiti. Subalit isang napakalamig na hangin ang unang sumalubong sa kaniya. Nagbukas nga ang pinto ngunit wala namang tao. Hindi niya tuloy naiwasan na hindi magsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan.

Nanlalaki ang kaniyang mga mata sa kaisipang sino ang nagbukas ng pinto gayong wala namang tao?

Ngani-ngani ay magtitili siya't magtatakbo pabalik sa inuupuhan nilang bahay. Ngunit kinalaban niya ang takot. Sinabi na niya kanina, hindi niya igi-give up si Jaron. Kahit ilang pananakot sa kaniya ni Sielyn ay hindi siya matatakot.

Pinuno niya ng hangin ang kaniyang dibdib. Dikawasa'y sumilip na siya sa loob ng bahay. Mas kataka-taka pa dahil tahimik naman at tila walang tao.

"Jaron, nandito ka ba?" Ipinasya niyang pumasok. "Huh?!" Ngunit anong gulat niya nang biglang may humawak na malamig na kamay sa balikat niya tapos ay bumalibag ang pinto pasara. Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan, lumaki ang kaniyang mga mata at nangatog ang kaniyang ang mga tuhod. Sising-sisi siya na nag-trespass.

"Please don't hurt me. Gusto ko lang mag-share ng ulam. I have no bad intentions," aniya na halos maihi na sa kaniyang panty.

"Claudith, what are you doing here?" mabuti na lamang at bungad na ni Jaron mula sa isang silid ng bahay.

"Oh, my gosh, Jaron!" Nagawa nang itili ni Claudith ang takot. Nagtatakbo siya sa kinatatayuan ni Jaron at kumapit siya sa braso nito nang mahigpit na mahigpit.

"Teka, Claudith, ano'ng nangyayari sa 'yo?" Pinilit ni Jaron na pinalis ang kamay ng dalaga sa braso nito.

"Jaron, may multo!" patiling sagot ni Claudith. Mas kumapit pa siya sa binata. Itinuro niya ang pinto ngunit nagtaka siya nang makita niya roon si Sielyn. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo nito sa pintong nakabukas na buong akala niya kanina ay nagsara. May bitbit ang kapwa dalaga na basket kung saan puno ng mga iba't ibang klase ng gulay.

"Si Sielyn multo? Tumigil ka nga sa kalokohan mo, Claudith." Pinilit na talaga na inalis ni Jaron ang mga kamay niya sa braso nito at tinungo ang nobya.

Mang na napatitig na lang si Claudith kay Sielyn. Takang-taka siya at hindi pa rin maalis sa kaniyang mukha ang bakas ng takot. Paano ba kasi nangyari iyon? At saka may humawak sa kaniya. Ramdam na ramdam niya kanina. Pero imposible namang si Sielyn iyon dahil ang layo ng agwat nang kinatatayuan nila ni Sielyn.

"Namalengke ka pala? Sana ginising mo ako nang nasamahan kita." Masuyong hinalikan ni Jaron ang nobya bago kinuha ang basket. Nang mapansing nakatingin pa rin si Sielyn kay Claudith ay nangamba si Jaron na baka nag-iisip ito ng masama dahil sa nabungaran nitong eksena nila kanina ni Claudith. "Um, Sielyn, wala kaming ginagawang masama ni Claudith. Nakita ko na lang siya na nandito na sa loob ng bahay. Ang sarap ng tulog ko kanina. Siguro hindi ko naririnig ang mga katok at tawag niya kaya pumasok na siya rito sa loob," paliwanag niya.

Walang imik na humakbang papasok si Sielyn. Wari ba'y wala na naman itong narinig. Lumakad ito patungong kusina, pero nang magtapat sila ni Claudith ay tumigil ito saglit. Tiningnan muna nito ng masama si Claudith bago itinuloy ang pagtungo sa kusina.

"Lumabas ka na, Claudith," singhal naman ni Jaron kay Claudith nang wala na si Sielyn. Marahas na hinaklit ang bisig ng dalaga at hinila palabas. "At utang na loob, huwag ka nang nagpupunta rito. Baka kung ano'ng isipan pa ni Sielyn. Mabuti na lang at mabait siyang tao."

Pagkainis ang pumalit sa takot na nararamdaman ni Claudith. "So, sinasabi mo na ako pa rin ang masama rito kahit wala naman akong ginagawang masama? Kahit na ang gusto ko lang ay mag-share ng food sa inyo?"

Halatang napahiya si Jaron. Natahimik ito.

Iwinasiwas ni Claudith ang kamay upang mawala ang pagkakahawak sa kaniya ng binata. "Alam mo nababaliw ka nang talaga?! Ano ba'ng nagustuhan mo sa babaeng 'yon, huh?! Hindi mo ba nakikita na parang may something sa kaniya?!" at malakas ang boses na singhal niya. Wala siyang pakialam kong marinig pa siya ni Sielyn na nasa kusina. "Malakas ang kutob ko na hindi siya normal, Jaron. May itinatago ang babaeng iyan. Baka nga... baka nga isa siyang witch o ano. Wait, hindi kaya ginayuma ka niya kaya nagkakaganiyan ka? Kaya parang baliw na baliw ka sa kaniya?"

"Kung meron mang nababaliw na rito ay walang iba kundi ikaw 'yon, Claudith!" ngunit ayaw makinig na saad pa rin ni Jaron.

"No, Jaron, listen to me," giit ni Claudith. "Pansinin mo kasi siyang maigi! Hindi ba't parang hindi siya normal na tao?!"

"Claudith, umalis ka na habang matino pa ang pag-iisip ko. Tanggapin mo na na hindi na kita mahal dahil si Sielyn na ang mahal ko! Tantanan mo kaming dalawa!" madidiing wika ni Jaron bago nito isinara ang pinto.

Natuod na lang sa kaniyang kinatatayuan si Claudith. Pakiramdam niya ay parang minaso ang puso niya sa mga sinabing iyon ni Jaron. Saglit lamang ay namalisbis na ang mga luha sa mga mata niya. Hindi niya matanggap na ganito na ang pakitungo sa kaniya ni Jaron. Dati naman ay siya ang pinuprotektahan nito. Dati naman siya ang mahal na mahal nito.

Paanong ganito na?

Sa gitna ng kaniyang pagluha ay mabilis na ibinalik tanaw ng kaniyang isipan ang mga masasayang sandali nila noon ni Jaron. Sobrang sweet noon sa kaniya ni Jaron. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kaniya. Kahit sa malilit na bagay na ginagawa nito para sa kaniya. Nga lang dahil sa labis-labis na pagmamahal na iyon ay lumaki na pala ang ulo niya. Hindi niya namalayan na naaabuso na niya si Jaron at hindi na niya pinahahalagahan.

Hanggang sa dumating sa punto na kahit sa maliit na pagkakamali ni Jaron ay pinapalaki na niya sa pag-aakalang hindi siya nito magagawang tiisin. Agad-agad ay makikipaghiwalay siya. Agad-agad ay babalewalain na niya si Jaron. Sa tuwing sinusuyo naman siya, kung hindi niya ito pinapasakitan ay kaniya naman itong ipinapahiya.

Sa madaling salita, naging makitid ang utak niya. Naging kampante siya na hindi siya magagawang iwanan ni Jaron. Isang malaking pagkakamali pala dahil paggising niya isang araw ay nakita na lang niya na malayo na ang loob sa kaniya ng nobyo, at heto na nga ipinagpalit pa siya nang tuluyan.

"Jaron..." Napahagulgol si Claudith. Kinalampag niya ang pinto. "Jaron, bumalik ka na sa akin please! Jaron, mahal na mahal kita! Hindi ko kaya na mawala ka sa akin! Please tayo na ulit, Jaron! Jaron!"

Unfortunately, hindi na talaga nagbukas ang pinto ng bahay nina Sielyn.

PATAY NA SI SIELYNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon