Mae and Dexter's Past

13 1 0
                                    

Naglalakad si Mae sa corridor ng school nila nang biglang may nakabangga siya. Nalaglag ang mga gamit na hawak niya. Yung libro, yung notebooks at pati na din yung bag niya. Hindi maganda yung pakiramdam niya noon dahil may red tide siya. "Ano ba naman kasi yan, alam mo namang nagmamadali ako diba? Tumabi tabi ka din try mo!" Masungit na pagkasabi sa kanya ni Mae. Nag appologize si Dexter sa nangyari pero hindi tinanggap yun ni Mae. Dahil doon, madalas ng ini stalk ni Dexter si Mae. Naglakas loob siyang makipag kaibigan kay Joy upang mas lalong mapadali ang paghingi ng sorry niya at madaling matanggap ito ni Mae. Nagkaroon ng conversations sina Joy at Dexter sinabi na lahat ni Joy kung ano ang schedules ng klase ni Mae at kung ano-anong katotohanan tungkol kay Mae. Kinabukasan, pagpasok ni Mae sa room nila, may isang boquet ng flowers ang nakalagay sa desk niya. Walang idea si Mae kung kanino galing ang boquet na yun. May nakasilid doon na letter para sa kanya. "Dear Mae, kita tayo mamaya sa labas ng school..~Dexter" .. hindi alam ni Mae kung sino si Dexter. Hirap na hirap siyang makapag desisyon kung makikipagkita nga ba siya o hindi. After ng klase nila, sinalubong siya ni Joy at agad na kinuha ang gamit. Sinabi niya na kaibigan niya yung gustong makipagkita kay Mae. Dahil don, napapayag niya na makipagkita ito sa labas ng school. Pagkalabas niya, luminga linga muna siya upang makita kung sino nga ba sa mga nandoon si Dexter. Maya-maya, may nakita siyang lalaki na papalapit ng papalapit sa kanya. Nagulat siya ng makita niya yung lalaking bumangga sa kanya. Hindi siya makapaniwala na yun yung lalaking gustong makipag kita sa kaniya. "Ikaw? Ang lakas ng loob mong makipag kita sa akin ahh...binangga mo na nga ako, tapos ano? Pahihiyain mo ako ulit?" Tinakpan ni Dexter ang bibig ni Mae. And then said "Huwag ka na munang mangbintang Mae, let's go to the quiet place I will explain to you". Hinawakan ni Dexter ang kamay ni Mae habang naglalakad sila papunta sa "quiet place" na sinasabi ni Dexter. Doon pala yun sa likod ng school nila. Wala gaanong tao, maganda ang paligid at halos walang gulo na makikita. Madaming puno na siyang nagpapalamig sa paligid. " Bakit mo ba ako dinala dito?" Tanong ni Mae. "Alam mo Mae, ang tahimik ng lugar na ito noh? Kasing tahimik ng buhay ko. Alam mo ba, simula nung nakabangga kita, natuto akong makipagkaibigan. Nong nabangga mo kasi ako, nagtatago ako sa schoolmates natin. Kaya hindi kita napansin. Nahiya din ako pero, mas pinili kong maghanap ng kaibigan para naman may magtatanggol sa akin. Nakita ko yung best friend mo. Kinaibigan ko siya para makapag appologize sa'yo. Ayaw mo kasing mamansin noon baka nga meron ka..kaya ganun." Natulala at natahimik si Mae sa sinabi ni Dexter. "Anong ibig mong sabihin na tahimik? Wala ka bang kaibigan? Sino kaba talaga? Baka naman may tinataguan ka kaya hindi ka nakikipagkaibigan? Talagang si Joy pa ang ginamit mo para makapag appologize sa akin??" sunod sunod na tanong nya. "Hindi ko muna sasabihin iyon Mae. Basta ang alam ko lang, kumportable ako kapag nakikita kita. Kung papayagan mo ako, pwede ba tayong lumabas sa Sabado? Para naman magkakilala talaga tayo ng lubos at hindi kana mahirapan na isipin yung mga sagot sa tanong mo."
"Ayoko nga ano ako? Hello? Ngayon pa nga lang kita naka usap sa tingin mo papayag ako ng basta-basta? No way"
" Mae, wala akong gagawin sa'yo. Gusto ko lang, yung magkakilanlan tayong dalawa"
"Makulit ka, basta ayoko"
" Eh kung ayaw mo, ako magpapaalam sa magulang mo para sure ka."
"Huwag mo silang idadamay dito ah"
" Edi pumayag kana, kung hindi, gagawin ko talaga iyon"
"Sige na nga. Papayag na ako. Anong oras? Saan?."
" 9:00 am. Susunduin na lang kita"
"Hindi mo naman alam bahay namin."
" Ihahatid kita ngayon para malaman ko."
..
Matapos ang marami at makulit na mga tanong ni Mae, pumayag na din ito na makipagkita pa muli. Naging matalik na magkaibigan sina Dexter at Mae. Habang tumatagal, may feelings na namumuo sa kanilang dalawa. Dahil sa pagiging gentleman ni Dexter, madali niyang napa fall si Mae. Pero hindi nagpahalata si Mae na gusto na niya si Dexter. One time, dinala ni Dexter si Mae sa likod ng school nila. Naka blind fold noon si Mae habang ang lugar, napaka tahimik. Tinanggal na ni Dexter ang blind fold ni Mae. Nagulat ito nang makita niya ang ibang schoolmates nila ni Dexter. Pati si Joy nandoon din. May lumalapit na isa isa at nagbibigay ng bulaklak kay Mae. May nabuo na silang salita ito ay ang "PLEASE BE MY GIRLFRIEND" naiyak si Mae sa nakita hindi niya akalain na ganoon ang gagawin ni Dexter sa kanya. sumagot si Mae ng YES ..at nagsigawan ang kanilang mga schoolmates. Pati na din ang adviser ng dalawa. Tuwang tuwa silang dalawa dahil ngayon, ay mag nobyo na sila. Hindi nila akalain na magiging madali iyon para sa kanila.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon