Consequences of Being a Couple

12 1 3
                                    

Dahil sila na nga ni Mae at Dexter, naninibago sila sapagkat yung mga dati nilang ginagawa, ay nagiging mas level up na ngayon. Gumawa sila ng rules para sa kanilang dalawa. Para daw mas tumagal ang relasyon nila.
RULE NO.1: KAILANGAN HATID SUNDO SI MAE KAY DEXTER.
RULE NO.2: HINDI TITINGIN SA IBANG BABAE SI DEXTER KUNG HINDI, SAMPAL ANG ABOT NITO KAY MAE
RULE NO.3: DAPAT WALANG SIKRETUHAN. DAPAT MAGING OPEN MINDED SILA SA LAHAT NG BAGAY.
Tatlo lang ang ginawa nilang rules para hindi masyadong mahirap kabisaduhin sa 1st Offense, sasampalin ang lalabag dito. Sa second offense, bibigyan na ng note ang girl o boy na nagsasabing maghihiwalay na sila. At ang pangatlo, TULUYAN NA SILANG MAGHIHIWALAY AT KAKALIMUTAN ANG ISA'T ISA.
7:00 am ang oras ng pasok ni Mae. Maaga siyang nagigising para hindi siya ma late. Kapag tapos na at ready na siya, i tetext nya si Dexter upang sunduin ito. Sa una, ok pa naman ang mga ikinikilos ni Dexter. Pero habang papatagal ng papatagal ang relasyon nila, papalamig naman ng papalamig ang trato ni Dexter kay Mae. Isang gabi, tinawagan ni Mae si Joy upang hingian ng advice kung ano nga ba ang gagawin niya gayong puro hinala at madalas mag-isang pumapasok at umuuwi na lang si Mae. Sabi ni Joy, sundan daw nila si Dexter kapag may pupuntahan ito para malaman kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan nito. Kinabukasan, nagpaalam si Dexter kay Mae sa pamamagitan ng text na may pupuntahan daw siyang importante. Nagtaka si Mae dahil wala namang nababanggit ng kahit ano si Dexter na medyo seryoso. Naalala niya ang sinabi ni Joy sa kanya. Sinundan niya ito at kinakabahan siya habang naka sakay sa taxi. Nabigla siya dahil pagbaba niya, hindi niya akalaing isang condo ang pupuntahan nito. Hindi niya tinigilan ang pagsunod kay Dexter. Pumasok ito sa Room 567 dito, nakita niya ang hindi niya inaaasahang magagawa ni Dexter sa kaniya. May nakita siyang babae na nag-aantay kay Dexter. Tumayo ito at sinabing " Come here baby. Let's do it" . Nabigla si Mae ng marinig niya ang mga katagang iyon galing sa babaeng iyon. ilalapit na sana ni Dexter ang mukha niya sa babae ng biglang pumasok si Mae sa loob at pinagsasampal sampal sina Dexter at yung babae.
"PAANO MO NAGAWA SA AKIN ITO" galit na sabi ni Mae
" Mae, let me explain"
"WALA KA NANG DAPAT PANG I EXPLAIN DAHIL NAKITA KO.....NAKITA KO LAHAT!! NAKITA KO KUNG PAANO MO SIYA TIGNAN NAKITA KO KUNG PAANO KA MAAKIT SA BABAENG IYAN" (sabay turo doon sa babae)
"BAKIT DEXTER? HINDI MO NABA AKO MAHAL? O BAKA NAMAN SAWA KA NA SAKIN DAHIL HINDI KO KAYANG IBIGAY ANG GUSTO MO GAYA NG GINAGAWA NYO NG BABAENG IYAN .. NAKAKADIRI KA !! NAKAKADIRI KAYO.. HARAP HARAPAN NIYO AKONG INAAHAS!!"
" Oo Mae HINDI NA KITA MAHAL AT KAHIT KAILAN HINDI KITA MINAHAL"
Nagulat si Mae ng marinig niya ang mga katagang iyon. Lumabas siya sa kwarto at sinabing "WALA NG TAYO DEXTER AT KAHIT KAILAN HINDI NA MAGIGING TAYO" ...
Umuwing luhaan si Mae. Gabing gabi na. Wala pa rin siya sa bahay nila. Nag-alala na ang kaniyang mga magulang tinawagan nila si Joy upang tanungin kung nasan si Mae. Nag volunteer naman si Joy na siya na lang maghanap kay Mae. Natagpuan niya ito sa isang lansangang wala gaanong tao,naka yuko at gusot gusot ang buhok. Halos nababaliw na siya dahil sa mga nangyari kanina. Agad na lumapit si Joy sa kanya. Nakilala ni Mae si Joy, sinabi niya dito na umuwi na daw sila, hindi na niya kaya. Kahit naguguluhan si Joy, dinala niya agad si Mae sa bahay nila. Pagka-uwi nila, agad na nagtanong ang nanay ni Mae .
"Joy, Mae anong nangyari"
" ahhm, tita, naabutan ko lang po si Mae na naka upo sa isang tabi kanina. Hindi nga po siya kumikibo kanina pa ..hindi ko po alam ang nangyari"
"Di bale na lang Joy ipagpahinga na lang muna natin si Mae. Bukas na natin siya kakausapin." Aniya. Tumango si Joy at umalis na din siya. Gusto pa sanang puntahan ni Joy si Dexter upang alamin ang nangyari, ngunit hindi na tumuloy dahil gabing gabi na. Kinabukasan, pinuntahan ni Joy si Mae sa bahay nila. Naabutan nya itong nanaginip. "Dexter, Dexter minahal kita,paano mo nagawa sa akin to" pumasok ss isip ni Joy na baka nag break na sila ni Dexter at Mae. Maya-maya, gumising na ito. Tinanong agad ni Joy kung anong nangyari. Niyakap ng mahigpit ni Mae si Joy. Sinabi niya dito ang buong pangyayari. Nang gagalaiti sa galit si Joy pero naki-usap si Mae na huwag na lang niya itong pagagalitan.
.....


Simula noon, lagi nang naka focus si Mae sa pag-aaral. Hindi na siya palaging lumalabas ng bahay. Gumagawa na lang siya ng tula na maaaring love o hindi. Tahimik si Mae palagi. Pero ng dahil sa panlilibang ni Joy sa kanya, unti-unting nanumbalik ang masayahing si Mae.













Napakapait pala ng nangyari kay Mae. Kaya pala galit na galit siya sa tuwing maalala niya si Dexter. ..

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon