Mall Scenarios

21 2 0
                                    

Wala pa si Jacob so gagala muna ako. Pumunta ako sa botique na lagi naming pinupuntahan ni Joy. Mga sapatos at damit ang mga tinitinda nila. Habang pumipili ako ng damit, may nakita ako si Dexter. Si Dexter na ex-boyfriend ko. Si Dexter na nanakit sa akin. Si Dexter na nagpaikot at pinag laruan ako. Ansakit naman na makita ko siya ulit at dito pa talaga sa store na pinaka paborito ko. Lumabas ako agad nang makita ko siya. Kinakabahan at ambilis ng tibok ng puso ko. Sinilip ko uli siya. Kita sa mukha niya na parang hindi talaga siya nasaktan sa ginawa niya sa akin. Nakikita ko din na parang ansaya saya niya. Bumibili siya ng damit, pambabae!!!?? Para kanino yun? Sa akin? Ay este!! Sa bagong girlfriend nya? Umalis na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kinaya yung mga nakita ko. From head to toe, at sa mga ikinikilos niya, hindi talaga halata na may sinaktan siya na kagaya ko. Bumalik na ako kung saan kami magkikita ni Jacob. Nandun na pala siya. Tumatakbo akong pumunta sa kanya at niyakap ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun basta ang alam ko, nasasaktan ako. "JACOB, bakit ba nangyayari ang lahat ng ito. Bakit kapag kinakalimutan ko siya, lalo kaming pinagtatagpo. Bakit Jacob?". Yan ang mga kataga na binanggit ko sa kanya. Hindi siya umimik. Grabe, naman hindi niya ako dadamayan? Hanep na iyan. Dahil don, tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. (Negestehen pe nge yete nye ehh..) "Jacob naman eh ,!! Bakit hindi mo ako dinadamayan? Dati naman nagbibigay ka ng advice sa akin diba"? Paninigaw ko sa kanya. " Hindi ko nga alam kung anong nangyari sayo. Bigla bigla mo na lang akong niyakap tingnan mo, may dumi na yung damit ko." Nagulat ako sa sagot ni Jacob. Oo nga pala, hindi niya alam na nagka boyfriend ako. Hindi din niya alam na sinaktan niya ako. Nakakahiya naman. Nawala sa isip ko ngayon lang kami lalabas ni Jacob na magkasama. "OH ANO? ANO BANG NANGYARI SAYO MAE?" sinigawan ako. Tumango ako at sinabing wala kahit meron naman talaga. Ayoko kasi na madadamay pa siya dahil sa mga kadramahan ko sa buhay. Niyaya niya akong manood ng sine. Comedy ang pinili ko para na din maka relax ako. Nasa Kalagitnaan na kami ng pinapanood namin. halata sa mukh ko na giniginaw ako kahit na naka long sleeves ako. Nakita ako ni Jacob na nangangatog na. ngumiti siya sa akin at tinanggal ang jacket niya at isinuot sa akin. Ang sweet naman niya. Hinawakan niya pa ang kamay ko na nakalagay sa left side ng upuan. Ano ba ito??!! Jacob naman.. kababata kita hindi ka naman ganito dati...
Sunod naman, kumain kami sa isang restaurant. Dahil matakaw ako, madami akong inorder. tig iisang order ng spaghetti, fried chicken, leche flan. And then 3 extra rice ... andami no? masarap naman kasi. Nagulat si Jacob sa nakita niya. Hindi niya akalain na madami ako kung kumain. Dahil hindi halata sa katawan ko. After a few minutes, yehey!! Nandito na yung lahat ng inorder namin. Isang plato lang inorder niya samantalang ako, tatlong plato plus extra rice !!. Tinititigan niya lang ako habang kumakain tapos, bigla akong nabulunan. Natalsikan mo siya ng kanin na lumabas mula sa bibig ko hahahaha. Naasar sa akin si Jacob at pinisil pisil ang chubby cheeks ko. Pinunasan ko na lang yung mga natapon ko. At tumigil na din ako sa pagkain. Binilhan ako ni Jacob ng bagong damit,sapatos nakakahiya naman.. siya na nanlibre tapos binilhan niya pa ako? Magpapaalam na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sinabing, " Ihahatid na kita". Medyo nag alangan ako kasi sobrang nakakahiya na talaga as in. Pero nagpapilit siya at dahil don, pumayag na ako. ..
Mabilis kaming nakarating sa bahay at umalis na din siya. Ayaw niya pa talaga pumasok sa bahay namin. .. pagod, pero masaya. Andaming nangyari kanina sa mall.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon