Part 8

5 0 0
                                    

Dexter's P.O.V
Yess!!! Sa wakas ikakasal na kami ni Mae. Kay tagal ko itong hinintay hinding hindi ko na sya papakawalan pa. Kagigising ko pa lang 7:00 am na ng umaga susunduin ko pa si Mae sa bahay nila mamayang 9:00 am. Bumaba ako upang makapag-umagahan. Natanaw ko si Mommy sa may garden namin mukhang malungkot pinuntahan ko siya at tinanong kung bakit.
"Mommy, is there any problem?" Nung una, umiling lang si Mommy pero di naglaon, sinagot nya ang tanong ko.
"Dexter, what if, your dad comes back to our life. Matatanggap mo pa ba siya?" Si Daddy nanaman pala. Matagal na kaming iniwan ng Daddy ko.. hindi kasi legal ang relationship ni Mommy and Daddy noon. Si Daddy, mayaman siya while si Mommy, hindi pa. Ayaw ng mga magulang ni Daddy si Mommy para sa kaniya. Kaya nung nagka isip ako, iniwan niya kami. Kaya si Mommy, todo kayod para sa kinabukasan naming dalawa. Pumunta kami ng states ni Mommy para doon simulan ang magandang buhay at mga pagsubok. Kaya may galit ako kay Daddy ngayon. Gusto ko makita niya na kaya naming mamuhay ni Mommy kahit wala siya.
"Mommy, what kind of question is that!? Iniwan na tayo ni Daddy kaya wala na siyang puwang sa atin."
"Pero Dexter everyone deserves a second chance. Gaya ng ginawa sayo ni Mae, pinatawad ka pa rin niya kahit na mali ang ginawa mo".
"Pero Mom,"!! Ayoko nang magkasagutan kami ni Mommy kaya hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.
"Susunduin ko na si Mae." Nagmadali akong bumalik sa kwarto ko para maligo,magbihis at mag-ayos ng sarili para gwapo ako tignan sa magiging asawa ko. I wear white polo shirt and then pants. Nagpaalam na ako kay Mommy at sinabihan na wag na lang isipin si Daddy. Sumakay na ako sa Mercedez Benz ko na sasakyan at mabilis na tumungo kela Mae. Pagkadating ko doon, wow!! Bumungad sa akin ang napakagandang si Mae. Naka suot ng mini skirt na pink and tube na black na pinatungan ng blazer na pink wow!!! I want to kiss her !!!! I think nasa heaven na ako...... bumaba na ako sa kotse ko at nagmamadaling pumunta sa kaniya.
"Mae, you're so beautiful" at kinuha ko ang kamay niya sabay hinalikan ito. Sinampal naman ako kaagad ni Mae.
"Ikaw, Dexter ha!! Baka mamaya magnanakaw ka nanaman ng halik ayoko na!!!."
"Kahit isa lang Mae pleaseeeeee..." pamimilit ko sa kaniya.
"Tumigil ka na nga Dexter. Teka, nasan si Tita? Bakit di mo siya kasama".
"Ahhmm, susunod na lang daw siya sa atin. So,,,let's go?" Hinawakan ko ang kamay ni Mae at pinagbuksan ko siya ng pinto para makasakay. Sabay sumakay na din ako.
"Take a deep breathe Mae, gagawin kitang paraiso dito". Pagpapaalala ko kay Mae. Malayo ang pupuntahan namin. From Cavite to Makati. Sa kalagitnaan ng biyahe naku!! Nakatulog si Mae ganyan talaga siya mabilis makatulog. Tinitignan tignan ko lang siya at nabibighani naman ako sa kanya nakakainlove talaga siya. Nakarating na kami sa paroroonan namin. After a few minutes, dumating na din sina Mommy kasama ang parents ni Mae. Pinapunta na kami sa isang part ng building nila upang doon pag-usapan ang gaganaping kasalan. Binigyan si Mae ng isang booklet na doon nakalagay ang mga style ng gowns and motif color ng magiging kasal. Habang pumipili siya, biglang may tumawag kay Mommy.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon