Part 9

2 0 0
                                    

Mae's P.O.V
Pinauna ko na si Dexter sa pagtulog ayoko muna siyang makatabi ngayon. Hindi ito about dun sa ginawa niya kanina.

*FLASHBACK*
May kumatok kanina sa pintuan namin pagkakita ko, si Dexter pala dala-dala ang gamit nya. Agad ko siyang pinuntahan sa labas at tinanong kung bakit siya nandito. Sabi niya, gusti niya muna lumayo sa bahay nila. Hindi niya masyadong naipaliwanag kung ano nga ba talaga ang totoong dahilan. Habang inaayos ko ang higaan namin, nakatanggap ako ng text galing sa Mommy niya.
"Mae, pauwiin mo na si Dexter dito sa amin. It's better na mag stay siya dito at malinawan siya sa nangyari" .... text ni Tita Mira sa akin. Saglit akong nag-idip kung tama nga ba talaga na pinatuloy ko siya dito sa bahay habang hindi pa nila naa-ayos ang sarili nilang problema.
*END OF FLASHBACK*
...
"Mae" pagtawag sa akin ni Mommy. Agad ko naman siyang nilingon at tinanong kung bakit hindi pa siya natutulog.
"Pina una mo daw si Dexter sa taas sabi niya."
"Opo Mommy mukhang pagod na kasi siya eh"
"Hindi iyan ang dahilan anak. Kilala kita alam ko kung may problema ko o wala."
"Si Tita Mira po kasi. Nag text po siya na pauwiin ko na si Dexter eh wala naman po akong magawa kasi ayaw niya pong umuwi."
"Palipasin mo muna ang gabing ito anak. Bago mo siya kausapin bukas. Matulog kana ayokong naistress ka"
Agad naman akong sumunod sa sinabi ni Mommy kahit papano naginhawaan ako sa sinabi ni Mommy. Pagpasok ko sa kwarto, mahimbing na ang tulog ni Dexter. Mukhang napagod din siya sa mga nangyari sa kaniya. Tumabi na ako sa kaniya at natulog na din.





















Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon