Part 5

12 0 0
                                    

Dexter's P.O.V
May inihandang proposal si Jacob para kay Mae. Dito niya gagawin ang confession, at ang pagtatanong ng WILL YOU BE MY GIRLFRIEND. Nang dumating ang oras na iyon, gulat na gulat si Mae sa kaniyang mga nasaksihan. Nababalot sila ng mga ilaw, may mga nagpapatugtog na Love Song mula sa mga crew ng Resort na ito. May mga inarkila din si Jacob na mga bata na magkakasunod na nagsilabasan mula sa isang kwarto. May mga nabuo silang salita. Syempre, alam na natin kung ano iyon. Matagal nag-isip habang umiiyak si Mae. Siguro nga, hirap na hirap pa din siyang sagutin ang mga katanungan ni Jacob. Maya-maya, humarap na siya kay Jacob. Pero bago siya nakapagsalita, hinablot ko mula sa likuran si Jacob at pinagsususuntok. Pilit kaming pinipigilan ni Mae pero hindi niya magawa. Pinapasok na ng mga crew ang mga bata pati na ang mga inarkila ni Jacob. Kami na lang ang nandoon. Biglang sumigaw si Mae "ANO BA KAYONG DALAWA, HINDI BA KAYO TITIGIL?? TIGILAN NYO NA IYAN TIGIL NA!!!" dahil sa narinig kong iyon,tumigil ang pagsusuntukan namin ni Jacob.
"Dexter, bakit kaba nandito?? Paano mo nalaman na nandito kami?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Nandito ako para sabihin sa'yo ang totoo".
"Totoo? Anong totoo?" bigla namang sumingit si Jacob sa aming dalawa ni Mae. Halata sa kaniyang mukha na kinakabahan siya at pilit na sinasabi ng kaniyang mga mata na itigil ko ang ginagawa ko.
"Dexter, pwede ba, wag kang manggulo sa amin" nanlilisik na sinabi sa akin ni Jacob.
"Mae, hindi ko talaga ginusto na makipaghiwalay sa'yo. Ginawa ko lang iyon para sa kapakanan ni Jacob. Pinsan ko si Jacob, Mae. At itinuring ko siya bilang isang tunay na kapatid. Pero naging ganid siya Mae, unti-unti niya tayong pinaglalayo. Napag-isip isip ko na mali ang ginawa kong pakikipaghiwalay sa'yo. Siya rin mismo ang umamin sa akin na niloko lang niya ako. Na kunwari lang lahat ng sinabi niya sa aking gagawin niya. Mae,mahal na mahal kita. And I'll do everything para mabalik ang tiwala mo sa akin. Plss Mae, trust me nagsasabi ako ng totoo." Unti-unting tumutulo ang mga luha ni Mae mula sa kaniyang mga mata. Hindi niya akalain na mangyayari ang mga ganoong bagay. Pero hindi kadali iyon na paniwalaan.
"Dexter, please, stop making issue and stop telling a lie story. Idadamay mo pa si Jacob sa lahat ng gulo natin."
"Bakit di mo tanungin si Jacob, Mae. Kung siya ang pinaniniwalaan mo."
Sa sinabi kong iyon, lumingon si Mae kay Jacob. Pinagpapawisan na si Jacob at hindi mo mawari ang kaniyang mga gagawin o sasabihin.
"Jacob, Please answer my question in a Honest Way. Don't lie to me because you know how much I trust you. Totoo ba ang sinasabi ni Dexter? At totoo ba na ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay? Magpinsan ba talaga kayo?"
Pumapatak na ang luha sa mga mata ni Jacob. At unti-unting ibinubuka ang kaniyang bibig.
"Ahh..ahh... Oo tama siya.. totoo..ang sinabi niya magpinsan kami. Totoo din na ako ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay. Pero, ginawa ko lang iyon dahil MAHAL NA MAHAL KITA".
Sinampal at sinuntok suntok ni Mae si Jacob. Habang ito ay umiiyak.
"PAGMAMAHAL?? PAGMAMAHAL BA ANG TAWAG DON JACOB? MADAMI KANG SINAKTAN!! NILILIHIM KO PA SAYO NA NAGKA BOYFRIEND AKO PERO ALAM MO NA PALA YUN DAHIL IKAW MISMO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAMI NAGHIWALAY.! ANSAMA MO JACOB, PINAGLARUAN MO AKO
.KAYONG DALAWA NI DEXTER." Tumakbo si Mae palabas ng Resort. Hinabol ko siya pero nang mahawakan ko ang braso niya, sinampal nya ako. "I HATE YOU DEXTER. I HATE THE BOTH OF YOU
PAREHO NYO LANG AKONG PINAGLARUAN".
"Mae, mag-usap tayo"
"HINDI NA KAILANGAN NG USAPAN DEXTER, NASAKTAN NA AKO. WASAK NA WASAK NA AKO."
Marihing tinanggal ni Mae ang pagkakawahak ko sa braso niya at dali-daling tumakbo palayo sa akin. Pero hindi ako natinag sinundan ko siya hanggang sa makauwi na siya sa kaniyang bahay. Iniwan ko na si Jacob doon habang kita sa mukha niya na sising sisi siya sa ginawa niya. Nasaktan man ako, pero naginhawaan din sapagkat nasabi ko na ang totoo kay Mae.





















Medyo intense ang kaganapan na nangyari sa part na ito. Ano kaya ang gagawin ni Mae para matanggap niyang muli si Dexter? Mapapatawad pa kaya niya ito. O tuluyan lang silang paghihiwalayin?? Watch out lang po dahil may mga characters pang mabubunyag 😁😁😁

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon