Facing Problems

6 0 0
                                    

Dexter's P.O.V
Sabay kaming lumabas ni Mae sa lugar kung saan kami huling nag-usap. Ayokong magkatampuhan kami dahil ngayon lang kami ulit bumalik sa dati ng ganito. Nasigawan ko siya sa hindi sinasadyang pagkakataon. Pero mabuti naman at nagka-ayos na kami ulit. Hinatid ko muna si Mae sa bahay nila dahil hindi pa makakauwi sina Tita Stella.
"Dexter, thank you sa paghatid sa akin. Sorry sa nangyari kanina."
"Ako nga dapat magsorry sayo Mae. Kasi nasigawan kita. I love you Mae" hinalikan ko siya sa noo.
"I love you too Dexter. Mag-iingat ka" nagpaalam na kami sa isa't isa. Hinintay ko munang pumasok si Mae sa bahay nila bago ako umalis. Habang nasa kotse ako, iniisip ko yung mga pwedeng mangyari.... nakarating ako sa bahay. Wala pa si Mommy. Nasan na kaya siya?. Tinanong ko kay yaya Emma kung dumating na nga ba si Mommy pero hindi pa daw siya dumadating mula pa kanina. Habang hinihintay ko si Mommy, umakyat muna ako sa kwarto para magbihis at para mai text si Mae. Namimiss ko na siya agad... nagpalit muna ako ng damit. Nagsuot muna ako ng jersey. Ganito talaga ako kapag nasa bahay laging naka jersey. Kinuha ko yung phone ko sa bag at tinext si Mae.
"Hi Mae...namiss na kita agad" iyan ang unang send ko sa kanya. Antagal niya magreply siguro marami siyang ginagawa ngayon. Naka idlip ako ng kaunti at maya-maya, may tumatawag. Si Mae.... o.O sinagot ko agad iyon.
"Hi Dexter!! Sorry kung ngayon ko lang nabasa yung message mo sa akin. Busy kasi kami dito sa bahay eh. Nga pala, bakit ka napa text??"
"Wala, namimiss na kasi kita eh."
"Maayos naba yung problema nyo ng daddy mo?"
Nagulat ako sa tanong ni Mae. Hindi ko inaasahan na masasama pa siya dito sa usapan namin.
"Dexter,bat dikana sumasagot?"
"Ahmm, ito, hinihintay ko pa dumating si Mommy. Mula pa kanina ay hindi pa siya dumadating"
"Natawagan mo na ba si Tita?"
"Hindi pa. I decided to wait for her na lang muna para naman hindi ako makatanggap ng kung anumang balita iyon".
"Ahh ganun ba. Ok"
"Sige Mae, salamat sa pagtawag. Matutulog na lang muna ako Bye I love you."
"Ok sige. Mukhang pagod kana din eh. I love you too."
Natapos na ang pag-uusap namin ni Mae. Maya-maya, may nag busina sa baba hudyat na dumating na si Mommy. Pagkababa ko, pumunta si Mommy sa sala at tinawag ako.
"Dexter, nandito na ang Daddy mo."
"What?? Dinala  mo pa talaga siya dito?"
Nakita ko naman na lumalapit sa amin si Daddy. Tinititigan ko lang siya habang naglalakad. Nang makarating na siya sa loob ng bahay namin at unti-unti siyang lumalapit sa akin ay lumalayo naman ako sa kaniya.
"Dexter, ikaw naba iyan? Binatang binata kana talaga" hindi ko siya pinansin nang sabihin niya iyon.
"Dexter, sorry sa ginawa ko noon. Hindi ko naman talaga ginusto na iwan kayo ng Mommy mo."
"Hindi ginusto?? Wow ha!! Antagal naming namuhay ni Mommy ng payapa tapos ngayon, bumabalik balik ka? Who the hell are you?"
Umakyat ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko at nilagyan ng mga damit. Pupunta muna ako kila Mae. Doon muna ako titira pansamantala habang di ko pa kayang makita ang Daddy ko. Bumaba ako mula sa kwarto ko at nagulat naman sila nang may dala dala akong bag.
"Dexter, anak saan ka pupunta?"
"Wala kana don Mommy. Diba himdi mo rin sinabi na dadating pala iyang lalaking iyan?".
Iniwan ko sina Mommy sa loob ng bahay namin. Masakit man ang ginawa ko, pero kailangan kong gawin iyon para sa kapakanan naming lahat.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon