The Unexpected Visitor

10 0 0
                                    

Kasalukuyang nagaganap ngayon ang grand celebration sa graduation namin. Habang papatagal ng papatagal ang celebration, paparami naman ng paparami ang mga pumupuntang bisita na inimbita nila Mommy at Daddy. Nakarating na din si ate Divine. Agad ko siyang nilapitan. Ang gaan ng loob ko kay ate kapatid na din ang turing ko sa kaniya.
"Ate Divine!!" pagtatawag ko sa kaniya.
"Uy!! Mae, congrats ahh.... i'm so proud of you"
Mabait talaga si ate Divine. Transgender siya. Kabilang siya sa mga grupo ng LGBT. Lubos ko siyang ginagalang dahil ang mga katulad nila, ay nararapat ding bigyan ng respeto. Pinaupo ko si Ate Divine at pinakuhanan ng pagkain kay Manang Lolit. Medyo matakaw din si ate katulad ko haha. Sa kalagitnaan ng kasiyahan, nagmamadaling lumapit sa akin si Manang Lolit at halatang pagod na pagod nung dumating sa harapan ko.
"Mae (hingal na hingal)!!"
"Manang Lolit, bakit po?"
"May naghahanap sa'yo sa labas."
"Sino po yun?" Hindi sinagot ni Manang Lolit ang tanong ko. Dahil don, nagpaalam muna ako kay ate Divine na pupuntahan ko ang naghahanap sa akin sa labas. Tumango si ate Divine at pumunta kela Mommy para may maka-usap siya. Medyo nahihiya akong lumabas kasi naka ayos ako ng todo. Yung damit na pinatungan ko ng toga, yun pa din ang suot ko. Pagkalabas ko, nabigla ako. Si Dexter nandito. Pero sino nagpapunta? Dahil don, tumalikod ako nang makumpirma kong si Dexter iyon. Sinundan niya ako sabay hawak sa kamay ko. Agad ko naman iyon inalis.
"Mae, i'm here to congratulate you."
"Thank you Dexter, pero hindi ka invited dito so, wala ka ng dapat pang ipagtagal dito."
"Tita Stella, invited me here." Ano? si Mommy? Si Mommy nag invite sa kaniya!!??
"Si Mommy? Pwede ba Dexter, wag ka ng manggugulo dito. Napaka saya ng celebration na ito. Nakikisabay ka pa." Maya-maya, dumating si Mommy. Kasama si Ate Divine. Sinabi yata sa kaniya na may naghahanap sa akin.
"Mae, what's going on here?"
"Mommy, si Dexter bakit nandito siya. At sinabi niya na ikaw daw nag invite sa kaniya."
"That's true Mae. I invited him because I think, this is the way para makapag-ayos na kayo."
"Mommy, I can't. Kahit anong pilit kong kalimutan ang nakaraan, hindi ko talaga kaya!."
"Then try it again and again."
"No Mommy, paalisin nyo na ang lalaking iyan dahil ayoko na siyang makita pa!".
Pumasok na ako sa bahay namin. Nakatingin sa akin si Daddy. Nag "excuse me" lang ako sa mga bisita namin. Umakyat ako sa kwarto ko. Hindi ako umiyak doon gaya ng ginagawa ko dati sa halip, humiga na lang muna ako. I need a rest right now para makalimutan ko ang nangyari. Nang maayos na ang pakiramdam ko, sumilip muna ako sa bintana at tinatanaw sina Mommy. Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan nila.
"Dexter, pagpasensyahan mo na si Mae. Hindi pa kasi siya talaga nakaka move on."
"Ok lang tita. Maghihintay lang po ako . "
pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nila, umalis na din si Dexter. Haayy Salamat. Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Si Ate Divine. Dahil close ko siya, pinapasok ko siya. Nakangiti siya sa akin habang lumalapit at umupo sa tabi ko.
"Mae, hindi naman sa nangigialam ako sa problema mo, pero nakita ko kung paano mo pagtabuyan yung Dexter kanina."
"Ate, marami na po kasi siyang nagawang hindi maganda sa akin"
"Mae, everyone deserves a second chance. Pagbigyan mo siya. Halata naman na sincere siya sa pagsisisi niya sa ginawa niya sayo dati".
"Pero ate Divine, may sugat pa rin sa dibdib ko. At mukhang hindi na yata iyon matatanggal."
"Matatanggal iyan Mae kapag sinubukan mong turuan ang puso mo na muling ipanumbalik ang pagsasamahan nyo ni Dexter."
"Sana nga po Ate Divine. Kasi hirap na hirap na din po ako eh"
Sa gitna ng pag-uusap namin ni ate Divine, kumatok si Daddy at sinabihan kaming bumaba na dahil may sasabihin pa ako sa mga bisita. Tinapik ni Ate Divine ang balikat ko at bumaba na. Hinarap ko ang mga bisita. Tumayo ako sa stage na ginawa ni Daddy kanina. Doon ang venue sa garden namin sa labas at nagbigay ng closing remarks.
"Thank you very much po sa lahat ng pumunta kahit medyo gabi na. I really appreciate it. Ingat po sa inyong pag-uwi Godbless po." naka ngiting pagsabi ko. Bumaba na ako sa stage. Inalalayan naman ako ni ate Divine. Pumunta ako sa gate namin at kinamayan ang mga bisitang dumalo sa celebration ko. Nagpaalam na din si ate Divine. Pero napansin ko, parang kotse ni Dexter ang nakaparada sa may tapat ng bahay namin. Hindi ko na lang pinansin at pumasok na sa bahay namin at nagpahinga.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon