Conflict

9 0 0
                                    

Dexter's P.O.V
Maaga akong nagising upang ipagluto ang pamilya ni Mae. Para naman mabawasan ang inis sa akin ni Mae. Alam kong may mas malalim na dahilan kung bakit niya ako iniiwasan kagabi. Binuksan ko ang double door refrigerator nila. Bumungad sa akin ang isang dosenang itlog na nakalagay sa egg section ng ref nila. Tocino,hotdog, patties naman ang nakalagay sa chiller habang sangkatutak na isda at karne naman ang nasa freezer. Ang daming pagkain sa ref nila kaya naman madami kung kumain itong si Mae haha. Kumuha ako ng apat na itlog tsaka apat na hotdog din. Iprinito ko iyon. Maya-maya, may narinig akong pagbukas at pagsara ng pintuan kaya naman napalingon ako sa hagdanan. Nakita ko si Mae na pababa at parang naalimpungatan pa. Sinalubong ko siya ng isang halik sa noo niya at binati ng Good Morning. Natawa lang naman si Mae nang gawin ko iyon. Nang matapos na ang niluluto ko, agad akong naghain at tamang tama ang gising nila tito at tita.
"Oh hijo nag-abala ka pa nandiyan naman si Manang" pag-aalala sa akin ni Tito.
"Si Mae, gumising naba?" Pagtataka namang tanong ni tita.
"Opo tita nasa cr lang po siya." Pagsagot ko naman. Hinintay muna naming dumating si Mae bago kami kakain. Nang mapansin namin na antagal na niya sa cr, nag presenta akong puntahan na lang siya. Bubuksan ko na sana ang pinto pero naka lock ito. Kinatok ko ng kinatok pero wala namang sumasagot.
"Mae!! Mae, si Dexter ito. Buksan mo ang pinto. Mae!!" Malakas ang pagsigaw ko kaya naman pumunta na din sina tito at tita sa cr.
"Dexter, what happened?" Seryosong tanong ni tito
"Tita,tito, si Mae po hindi siya sumasagot"
"What? Mae!! Mae!! Mae!! Get out there" nag-aaalala na kaming lahat. Pumunta si tita sa may vase niya at kinuha ang susi ng cr. Pagkabukas namin, walang Mae kaming nakita. Malinis ang buong sulok ng cr at walang makikitang bakas na may nanggaling na tao dito.
"Dexter, nasan si Mae?" Pagtatakang tanong ni tita Mira. Hindi ko alam ang isasagot ko...kinakabahan at pinagpapawisan ako. Maya-maya ay sinigawan ako ng daddy niya.
"Ano pang tinatayo tayo mo jan Dexter? Hanapin mo na si Mae". Agad akong kumilos at teka!! Naiwan ko nga pala sa bahay yung kotse ko wala akong service... nahalata naman ni tita Stella na wala akong magagamit dahil naglayas ako.
"Dexter, gamitin mo na lang muna yung kotse ko. Nasa may vase yung susi. Dalian mo at iuwi mo na dito si Mae, please Dexter" tangin tango na lang ang naisagot ko kay Tita Stella. Nagmadali akong lumabas ng bahay nila at hinarurot ang kotse. Mabuti na lang nakabukas na agad ang gate. Hahanapin ko si Mae kahit saan, kung kailangan pati mga bahay ay iisaisahin ko, gagawin ko maibalik lang sa amin ang pinakamamahal namin.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon