Graduation Day

16 1 0
                                    

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang Graduation Day. Masayang masaya ako dahil dumating na ang Tamang Panahon para ako ay makatapos sa aking kolehiyo. Nagsuot ako ng kulay pink na blouse and then pencil cut na skirt. Pinatungan ko ito ng aming toga uniform at isinuot ang sumbrero. Kulot kulot ang buhok ko and then naglagay ng make-up. Feeling ko, ang ganda ganda ko. Inayusan ako ng husto ni Ate Divine. Kaibigan ni Mommy sa salon na pinag-ayusan sa akin. Medyo madami na ding nalaman sa akin si ate Divine.
*FLASHBACK*
"Hi Tita Stella, ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Pagtatanong ni Ate Divine.
"Pagandahin mo ang anak ko Divine. Make her the most beautiful and elegant girl doon sa graduation nila mamaya."
"Perfect! Hayaan mo tita, pagnakita mo na ang anak mo, aakalain mong isa na siyang artista." Pagbibiro ni ate Divine. Pinapasok na ako ni ate Divine doon sa isang kwartong pinag-aayusan talaga nila. Sa kalagitnaan ng pag-aayos sa akin, hindi naman mawawala ang konting personal na katanungan.
"Mae,if you don't mind. Nagka boyfriend kana ba? Manliligaw? O kasalukuyang may Boyfriend?"diretsahan na tanong sa akin ni ate Divine. Tumango na lamang ako at hindi na din niya ako pinilit na sagutin ang katanungan niya.
"Naku Mae, kung ano mang status ng relationship mo, gora ako diyan. Pero, ito tatandaan mo, HUWAG MONG HAHAYAANG MASAKTAN ANG SARILI MO SA ISANG TAONG WALANG KAKWENTA KWENTA." pagpapayo sa akin. May point din si Ate Divine hindi dapat ako magfocus sa mga taong nananakit. Tapos na ang pag-aayos niya sa akin. Curly ang hair ko, at iba't iba pa. Perfect combination din ang inilagay niya sa aking kulay ng make-up sa mata at mukha. Ang galing talaga ni ate Divine. Nabighani naman sa akin si Mommy. Hindi niya akalain na may igaganda pa pala ako. O diba! Hahaha. Nagpaalam na kami kay ate Divine. Sinabihan naman siya ni Mommy na may grand celebration sa bahay mamaya after ng graduation namin at invited siya.
"Ate Divine, pumunta ka ah" pagyayaya ko sa kaniya.
Nakarating kami agad ni Mommy sa bahay. Nakabihis na agad si Daddy. Ready na talaga siyang umalis. Pero hinintay niya muna kami ni Mommy.
*END OF FLASHBACK*

Paalis na kami nila Mommy at Daddy papunta sa school namin. Kinakabahan na excited ang nararamdaman ko habang nasa biyahe. Super nakaka overwhelming kasi talaga kapag gragraduate kana. After 1hr. na biyahe, nakarating na din kami. Pagkababa ko, picture ko agad ang bumungad sa akin. Pano ba naman kase, naka tarpaulin ang nag-iisang mukha ko.
CONGRATULATIONS! MAE CHORIZO FOR HAVING THE HIGHEST AVERAGE IN WHOLE UNIVERSITY .....
syempre, nakaka proud kasi biruin mo, nag worth it lahat ng bagay na pinaghirapan mo. Iniwan ko na agad sina Mommy sa upuan nila. Pinapapunta na kasi ako sa backstage para ready na sa tawagan ng honors mamaya. Mabilis ang mga pagkilos ko. Maya-maya, may nagsalita na. Medyo matagal bago kami natawag syempre, limang course ang nasa school namin tapos, 1,000 students yata ang estimated na nag-aaral dito kaya madami. Pero, after 123456789hours, sa wakas! Kami na ang tatawagin. Una munang tinawag ang mga nasa honors ng Culinary Arts. Second, sa Chemistry Section. Third, sa Environmentalist. Fourth, sa Political Science and lastly, kami. Information Technology course.
"The Suma Cumlaude of Information Technology course is, Congratulations Mae Evangelista Chorizo." Wow, complete name ang tinawag sa akin. Mahal na mahal talaga ako
ng school nato. Pumunta sina Mommy sa stage at isinuot ang medal ko. Super proud sila sa akin sa achievement na nakuha ko. Di kasi namin akalain na ganito ang mararating ko. Dumating ang oras na binigyan nila ako ng Speech ay hanep!.
"First of all, I want to thank God for all the blessings I received. Not only on this achievement, but also in the daily life. I also thank Mommy and Daddy (sabay turo sa kanila) for all the supports they gave to me. They didn't stop to give an advise to me especially the moments that I am so hopeless and sad. I also dedicated this medal and awards to my Best Friend, Joy (tinuro ko din si Joy at tumayo siya na pumapalakpak pa proud na proud na kumaway sa iba naming schoolmate and parents) she is always there in times of trouble (tumawa), in times of sickness, in times of hopeless. And also to all utilities, staffs, principal, teachers of this school. Thank you for the support and overflowing appreciation. I have also a very heavy problem before the graduation but I will not tell it anymore to all of you. My heart and feelings are all broken. I didn't know what to do in that time. But, when I remember my inspirations and goals in life, I'll able to survive in that trials. I always pray to God for solving that problem. Yet, it disappear. My advise to all of you, schoolmates, whatever the trials or problem will come to your life, as long as you have an inspiration and goals in life, you will be successful. And that problem, will come out to your life. Always remember that God is beside you and you have a family waiting for your success. So, don't be so hopeless everything will be ok. Again, Congratulations and Godbless us all." Very short speech but, full of good advises ang speech ko. On the spot ko lang yun ginawa. Kaya may mga konting sablay. Natapos na ang graduation namin. Sumabay sa amin si Joy sa paglabas ng school.
"Bessy, thank you talaga"
"Saan??"
"Sa pag appreciate mo sa akin. Biruin mo yun, hindi mo ako nakalimutang batiin kanina hahaha"
"Syempre naman, bessy kaya kita" niyakap ko si Joy. Pareho kaming luhaan. Nag promise kami sa isa't isa na lagi paring magkikita anuman ang mangyari. Walang bibitaw, best friends pa rin kami habang buhay. Hindi na sumama si Joy sa bahay dahil may celebration din sa kanila. Kaya nauna na kami. Pagkadating namin, may mga kapit bahay kami na nasa labas ng bahay. May mga banner na nakasulat, na Congratulations Mae. Yung iba , may mga picture ko din. Nice, nakakaiyak naman sila. Bumaba na ako sa kotse at dinumog ng mga fans ko. Ay este, mga kapit bahay namin. Punong puno sila ng pagbati sa akin. Para akong nanalo sa lotto sa lagay na ito. Pinapasok ko na sila sa bahay. Sabi naman ni Mommy, all is welcome in our Home. Pinaghanda na rin kasi namin sila Manang Lolit ng mga ihahanda ngayon. Masayang masaya ako. Syempre, pati na din sina Mommy at Daddy.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon