Part 7

11 0 0
                                    

Nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko nang biglang may nag text sa cellphone ko. Kinuha ko iyon sa may lampshade sa kanang bahagi ko. Pagkaopen ko ng message, may nag "HI" sa akin kinumusta ako. Unknown number sya kaya takang taka ako kung sino iyon. Bumaba ako sa kwarto at lumabas para magpa load. Ilang buwan ko na din hindi nagagamit ang Apple kong cellphone libro kasi ang inaatupag ko kaya hindi masyadong nakakapag load. Pinaloadan ko iyon ng 200 para hindi na ako labas pasok sa bahay para lang magpa load. Pagka-akyat ko ulit sa kwarto, nireplyan ko ang nagtext sa akin
"Hi din po, by the way Who You?? Unknown number po kasi ikaw sensya na po" ganon talaga ako mag reply. Ibababa ko na sana ang phone ko nang biglang nagreply na agad siya.
"This is Dexter, may nalaglag na papel sa photo album mo nung pinaalis ka ni Mommy then sa likod nun, may nakasulat na number. I thought it's yours so, nagbaka sakali ako."
Si Dexter. Si Dexter pala ito nasayahan ako kasi may komunikasyon na kami ulit. Pwede ko na siyang kausapin kahit hindi ako pumunta sa bahay nila. Nag text siya ulit.
"Hello??? Bat hindi kana nag rereply??"
"Ayy sorry Dexter. Nabigla lang ako akala ko kasi hindi na kita makaka-usap"
"Pwede ba iyon Mae? Eh ikaw yata ang mahal ko. Pinipilit kong maalala na kita ulit kasi nararamdaman ko talaga na mahalaga ka sa buhay ko."
Mahal ako ni Dexter. Sa sinabi niyang iyon parang wala siyang amnesia.
"Dexter, huwag pilitin. Handa naman akong maghintay para sa'yo."
"Ayoko kasing nakikita kang nasasaktan sa tuwing pinapagalitan ka ni Mommy at wala akong magawa kasi hindi ko naman iyon matandaan"
"Nakakain kanaba Dexter? Baka mag-alala nanaman si Tita Mira kapag hindi ka kumain"
"Isantabi muna natin iyon Mae. I miss you kaya mas pinili ko muna ang kausapin ka".
Sunod-sunod ang palitan namin ng messages ni Dexter. Umakyat naman sa kwarto ko si Manang Lolit upang sabihan na kakain na. Dahil namiss namin ang isa't isa ni Dexter, dinala ko ang phone ko hanggang sa kainan.
"Dexter, kumakain kami nila Mommy pwede bang ikaw na din kumain na?"
"Ahhmm.ok sasabayan kita para kahit wala ako jan, maramdaman mo na nasa tabi mo ako".
Nawala ng konti si Dexter. Siguro kumakain na din siya. Tinitignan naman ako ni Daddy nakakahalata na siguro na kada subo ko, tinitignan ko ang phone ko. Kaya ibinaba ko muna iyon. Strikto si Daddy sa harap ng pagkain. May lahi kasi siyang Chinese kaya namana niya iyon. Masarap ang pagkain namin. Adobong Manok, Carbonara atsaka Ice Cream. Medyo natagalan akong kumain kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kumakain ng madami. Sinaway naman na ako ni Mommy na tumigil na ako sa pagkain dahil baka mamaya ay ma high blood ako. Dahil takot ako ma high blood, tinigil ko ang pagkain ko. Tapos na din naman kumain si Daddy kaya tumayo na din ako. Bago ako umakyat ng kwarto, tinulungan ko muna si Manang Lolit sa mga hugasan na plato. Di naman maiwasan ni Manang Lolit ang magtanong.
"Mae, mukhang ganado ka yata ngayon. Masayang masaya ka eyyy ano bang meron ala e!"
"Hahaha Manang,, masaya po ako kasi nakaka-usap ko na di Dexter. Sige po Manang, aakyay na po ako"
Ngumiti naman sa akin si Manang sa sinabi ko. Bumalik na ako ulit sa kwarto at tinuloy ang pag-uusap namin ni Dexter. Naka 10 messages na pala sa akin si Dexter..
"Mae!! Tapos na ako kumain"
"Mae, namiss na kita agad"
"Mae, what are you doing now?"
"Mae, hello!!!!"
"Mae, nasan kana!"
"Mae,,,,,,, I miss you so much!!"
"Nasan na ang pinakamagandang babaeng nakita ko?"
"Mae!!"
"Mae!! Yow"
"Mae, nararamdaman ko na mahal kita".
Natawa naman ako sa mga messages niya sa akin. Na amnesia ba talaga ito o ano? ...sa kinikilos niyang iyan, mukhang hindi hahaha.
"Dexter, sorry late reply madami kasi akong nakain tsaka tinulungan ko si Manang"
"Who's Manang?? Ang sipag naman ni Mae kaya mahal na mahal kita eh"
"Si Manang Lolit katiwala namin kilala mo siya Dexter"
"Familliar nga ang name na iyon.  I love you Mae 😘"
"Dexter, may amnesia kaba talaga?"
"Oo naman bakit Mae?? Nakatatak ka kasi talaga sa puso ko kaya ganun"
"Naku!! Dexter, sinasabi ko sa'yo o sya sige, matutulog na ako"
"Matutulog kana agad?!"
"Inaantok na kasi ako eh may party dito mamaya sa amin."
"Pwede ba akong pumunta?"
"Ikaw bahala, baka kasi magalit nanaman si Tita Mira"
"Sige sabi mo iyan anong oras ba?"
"6pm sa garden namin"
"Sige i'll be right there later 😘"
"Magpaalam ka ng maayos kay Tita Mira. Inaalala kita. Paano mo pala malalaman kung saan ang bahay namin?"
"Kilala ka ng driver ko right?? Sa kaniya ako magpapatulong."
"Ayy oo nga pala si Manong Tomas?? Oo nga pala sige, mag-iingat ka Dexter"
"Bye Mae see yah later Love you 😘"
"I love you too 😘".






















Bat ganon?? Sana lahat ng lalaki ganyan choss... nagka amnesia nga ba si Dexter?? Bakit ang sweet niya pa rin kay Mae?? ... nako!! Abangan natin kung anong magaganap sa party ☺☺☺☺😊😊

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon