Last week of Classes

11 0 0
                                    

Tapos na ang thesis namin, so, matatapos na din ang klase namin. Sa wakas! College graduate na din ako magtratrabaho na ako para sa pamilya. Information Technology/ Writer ang kinuha kong course para masaya. Dahil nga matatapos na ang klase, itutuloy ko na ang ginagawa kong tula na pinamagatang PAG-IBIG NA MAPAGLARO. Super relate ako sa ginagawa ko dahil parang ganto talaga ang nangyayari sa buhay ko.
Sadyang MAPAGLARO NGA TALAGA ANG PAG-IBIG.
MADAMI ITONG NASASAKTAN PERO HINDI IBIG SABIHIN NUN, NA TITIGIL KA NA.
MAPAGLARO MAN ITO, NARARAPAT PA DIN NATING PATAWARIN ANG MGA TAONG NANAKIT SA'YO. EVERYONE DESERVES A SECOND CHANCE IKA NGA.
MAY MGA PAGKAKATAON TALAGA NA KAILANGAN NATING MASAKTAN NG LUBUSAN PARA MAREALIZE NATIN KUNG GAANO KAHIRAP ANG MAGHANAP NG TAONG IIBIGIN NATIN.
DAPAT, YUNG MAPAGKAKATIWALAAN AT ALAM MONG MAASAHAN MO.
AT KAPAG NAKAHANAP KANA NG GANOONG TAO, IBIGIN MO NA ITO NG LUBUSAN DAHIL SIYA NA TALAGA ANG TINAKDA NG DIYOS PARA SA'YO.

Yes!!! Sa wakas natapos na din ang tula ko. Hindi ko na ito hinabaan dahil masyadong masaya nanaman. Piniprint out ko na ang tulang ginawa ko. Nandito ako sa bahay. Hapon ang klase ko so, umaga palang tinapos ko na ang tula ko. Maya-maya ay magbibihis na ako. Pumunta muna ako sa bilihan ng supplies upang maayos ko na ang prinint out ko. Pagkalabas ko, may boquet ng flower sa harap ng bahay namin. Tinawag ko si Manang Lolit. By the Way, siya ang katiwala namin dito sa bahay. Siya ang naiiwan kapag wala kaming lahat sa bahay.
"Manang Lolit, sino po ang nagbigay ng mga flowers na ito?"
"May nag-iwan laang diyaan niyan. Hindi ko diin nakita kung sino nagbigay"
"Ganon po ba, sige po Salamat po."
Bago ko makalimutan, taga Batangas si Manang Lolit. Kaya medyo may paguulit ng salita. Mababait at mapagkakatiwalaan talaga ang taga Batangas tulad ni Manang Lolit. Ok so, dahil hindi din alam ni Manang Lolit kung sino ang nagbigay, ipinalagay ko na lang sa kaniya sa vase ang bulaklak. Sayang naman kung naka boquet lang ito at nakatambak sa kwarto ko. Tumuloy na ako sa pupuntahan ko. Naka t-shirt ako na kulay blue at naka tokong. Bumili ako ng Folder, pastener, plastic cover at mga pandesign para doon. Nagpa cashier na ako kaagad ayoko kasing nagtatagal sa labas ng bahay lalo na ngayon dahil hindi pa din ako masyadong nakaka move on sa mga nangyari. For now, focus lang muna ako sa nalalapit na graduation namin. Bumalik na ako sa bahay. Ini-ayos ko na ang tula na ginawa ko at nagbihis na dahil pupunta na akong school. Sabay kami ni Joy papasok. Baka dumating na din iyon maya-maya. We will wear civilian dahil magprapractice lang kami para sa civilian at announcing of honors lang naman gagawin. I wear color violet na polo and then skinny jeans. Step-in na lang para sa paa. Tamang tama, dumating na si Joy at tapos na din ako. Tinanong niya sa akin kung tapos ko na ang tula ko. Tumango lang ako at sinabing oo. Nandito na kami sa school. Pumunta muna kami sa writers' room upang ipasa ang tula ko. Buti naman, tinanggap iyon. Madaming nagsasabi sa akin na ako daw ang Suma Cumlaude ng kursong Information Technology. Pero, hindi muna ako naniwala. Mahirap umasa, nakasasakit.
"Students, go to your designated classrooms. Doon na lang ia-announce ang mga honors ng bawat kurso. Thank You"
Principal ng university namin ang nagsalita. Mabait yun very down to earth. Hindi mo mamalayang bigla mo na lang siya kausap. Sa akin lang ba.? Ewan ko eh kasi yung iba, takot na takot sa kanya. Pumunta na kami sa room namin. Nakatingin sa akin si Steph ewan ko kung bakit pero masama ang kutob ko. Maya-maya, pumasok na ang professor namin.
"Ok class, I'll announce to you your honors. Kung meron dito. Your course is Information Technology. So, here it is."
Ito naman si Sir, pinapakaba kami.
"Congratulations to Ms. Mae Chorizo. She is our Suma Cumlaude. She got the highest average in the whole University ever since this school is made."
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Napaiyak naman ako sa sobrang tuwa. Hindi ko talaga akalain na ako ang pinakamataas sa dami ba naman ng matatalino dito. Pinapunta ako ni Sir sa harapan at hiningian ng speech.
"Ahhmm, First of all, I want to thank God for giving me this blessing. Hindi ko talaga akalain na ako ang makakakuha ng pinaka mataas na grade."
Pinalakpakan nila ako ulit. Maya-maya, nag ring na ang bell. Nagsilabasan na kaming lahat at pumunta sa designated area ng section at course namin. Tinawag ang mga may honors ng bawat kurso. Nauna akong tinawag dahil ako ang pinakamataas na average. Tuwang tuwa ang best friend kong si Joy sa achievement ko. By the way, magkaiba kami ng course ni Joy. Mahilig kasi siyang magcutting classes dati kaya medyo mababa ang average niya. Tinuruan kaming lahat sa mga gagawin namin especially kapag isasabit na ang medal namin. May lumapit sa aking isang guro. Ako lang daw ang mag hahanda ng speech. Hayy nakakakaba naman talaga ito. Natapos na kaming mag practice tumatakbo papalapit sa akin si Joy.
"Bessy, congrats ang galing mo talaga Idol na kita." sinabi niya iyon habang nakahawak sa akin. Tuwang tuwa talaga siya .
"Naku Bessy, buti na lang hindi nakasira yung nangyari sa inyo nila Jacob at Dexter" sa sinabi ni Joy, natahimik ako bigla. Nawala ang mga ngiti ko sa labi nang marinig ko iyon. Itong si Joy talaga alam niyang masasaktan ako, sinabi pa talaga niya. "Best Friend talaga kita Joy. Ang galing ng tanong mo eh"
"Bessy, sorry na hindi ko sinasadya Please..." para siyang bata kung suyuin ako na makipag bati na sa kaniya. Eh ano pa bang magagawa ko? Edi bati na kami ulit. Away bati lang naman kami ni Joy pero hindi yung aabot ng ilang araw o buwan bago magbati. Hindi kami papayag na matapos ang araw na hindi kami nagkaka-ayos.
Nakarating na ako sa bahay at nagtext na din sa akin si Joy na nakauwi na siya. Masaya ako sa mga nangyari ngayon. Sinabi ko na din kela Mommy at Daddy. Excited na sila sa gaganapin na graduation ko. Talagang proud parents sila para sa akin. Kaya mahal na mahal ko sila eh. :)

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon