When the Secret Revealed

9 1 0
                                    

Mae's P.O.V
Grabe, ansakit ...ansakit sakit.. kung iisipin ko ang mga ginawa nilang panloloko sa akin. Hindi ko lubusang maisip kung bakit nila nakaya ang ginawa nilang panloloko sa akin. Tumakbo ako papalayo sa kanila sa resort. Pero, sinundan ako ni Dexter.
*FLASHBACK*
Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay sa akin ni Dexter at dali daling lumabas sa resort. Umiiyak ako habang papauwi sa bahay. Mas masakit ang nangyari ngayon kesa noong hiniwalayan ako ni Dexter. Ewan ko kung bakit. Pero siguro nga dahil labis akong nagtiwala sa kababata ko na siya rin pala ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Dexter. Pinsan din pala siya ni Dexter. Sugat na sugat at wasak na wasak ang puso't damdamin ko habang tumatakbo palayo. Sumakay ako sa taxi upang hindi ako mahalata ni Dexter. Pero, nagkamali ako dahil nasundan niya pa rin ako. Pagkababa ko ng taxi, agad ding pumunta sa akin si Dexter upang kausapin.
"Mae wait. Let me explain."
"Explain? Ano nanaman bang explanation ang gagawin at sasabihin mo? Do not bother me anymore. Matagal na tayong wala at tapos. Wala na din akong balak na makipagbalikan sa'yo. Pina ikot-ikot nyo ako ni Jacob tapos kelangan ng explanation? Ayoko na Dexter sawang sawang sawang sawa na ako." Pumasok na ako sa gate ng bahay namin. Pagkatingin ko sa pinto, nandun si mommy. Narinig yata ang pagsigaw ko kay Dexter. Tumuloy ako. Mabuti naman at hindi ako tinanong ni Mommy. Tinitignan niya lang ako. Nagmano lang ako sa kamay ni Mommy at umakyat sa kwarto ko. Pagka pasok ko, ni lock ko ang pintuan at umiiyak na dumapa sa kama.
*END OF FLASHBACK*
Ayun, dahil sa pagkakaiyak ko, tinawagan ni Mommy si Joy. Pinapunta niya dito si Joy. Magkasama na kami ngayon upang may maglibang sa akin. Nandito lang ako sa kwarto ko. Mugtong mugto, namamaga at namumula ang mga mata. Halos hindi ako maka-usap ng maayos. At hindi na din makakain.
"Bessy, ano bang nangyari sa'yo? May ginawa nanaman ba si Papa Dexter?" Pagtatanong sa akin ni Joy.
"Joy, hindi lang si Dexter. Pati si Jacob. Pinaglaruan nila ako. Pina ikot-ikot. Winasak nila ng lubusan ang damdamin ko."
"Bessy, totoo?? Bakit? Ano bang ginawa nila sa'yo?"
"Mahabang kwento Joy, pero ibubuod ko na lang para sa'yo. Magpinsan si Jacob at Dexter. Si Jacob ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Dexter. Pinaki-usapan niya na hiwalayan ako ni Dexter dahil gusto niyang magpakamatay. Tinuring ni Dexter bilang isang tunay na kapatid si Jacob kaya niya sinunod." Umiiyak na pagkasabi ko sa kaniya. Hindi na nakapagsalita si Joy sa mga narinig sa akin. Alam niyang masasaktan ako lalo. Sa kaka isip ko sa mga nangyari, nakatulog ako. Hindi ko na namamalayan ang mga nasa paligid ko. Pagkalipas ng dalawang oras na pagtulog ko, ginising ako ni Joy. Nandun daw si Dexter sa labas namin at hinahanap ako. Minabuti kong hindi magpakita sa kaniya. Pinasabi ko kay Joy na masama ang pakiramdam ko at nahihirapan akong tumayo. Masakit, pero alam ko na iyon ang makakabuti para sa aming dalawa.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon