Part 4

10 0 0
                                    

Dexter's P.O.V
Nandito ako ngayon sa school. Hinihintay kong dumating si Mae. Nauna na ako pumasok para maabangan ko siya. 6:45 na ng may nakita akong sasakyan na dumating. Kasama nanaman ni Mae si Jacob. Hindi ako nagdalawang isip, at sinalubong ko siya kaagad. Pinagbuksan ko siya ng pinto bago pa nakababa si Jacob. Halatang nagulat si Mae sa ginawa ko.
"Prof. Dexter, bakit po kayo nandito?" Pagtatanong sa akin ni Mae.
"Don't call me professor anymore, Mae."
"What do you mean? Pwede bang diretsuhin mo na lang ako?"
"Tapos na ang 1week na substitute ko sa tunay na professor nyo. Remember? a week lang ang ibinigay sa akin. Ngayon, hindi mo na ako professor".....
"Ganun ba, ok sige, Dexter. Dadaan pa ako may klase pa ako. Baka ma late ako"...
Tumabi ako sa daanan ni Mae. Nakita ko si Jacob na nanggagalaiti sa galit. Hindi ko na lang siya pinansin. Para ano pa? Para mag-away kami? Eh kahit anong sabihin ko dito, hindi niya ibabalik sa akin si Mae. Nagpasiya akong pumunta sa Mall malapit sa school. Binilhan ko si Mae ng mga damit, sapatos, at iba pang accessories na paborito niya. Madami na akong nabili actually. Nakatambak na lang ito ngayon sa bahay ko. Gusto ko itong maibigay sa kaniya, sakaling magkabalikan kami. Tinitiis ko talagang matulog nang nag-iisa, nang siya ang iniisip ko. Kinukuha ko lagi ang cellphone ko just incase na tawagan niya ako or ako ang kakausap sa kaniya. Pumunta din ako sa kainan kung saan lagi kami doon kumakain dati. Naalala ko tuloy dito, ang mga masasayang alaala na ginawa naming magkasama.
5:00 pm na. Labasan na ni Mae. Umalis na ako agad at pumunta sa school. Wala pa si Jacob doon, pero nakalabas na si Mae. Walang paliguy ligoy na tumakbo papunta sa kaniya. Nabigla siya sa nakita niya.
"Mae, halika na. Ako na maghahatid sa'yo pauwi."
"Dexter, ano nanaman ba ito?"
"Gusto lang kitang maihatid, Mae. Walang ibang meaning ito. Wala akong gagawing masama sa'yo"
"Dexter, yan din ang sinabi mo sa akin noon. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo pa rin ako"
"Hanggang ngayon ba naman Mae yung past pa rin natin ang iniisip mo? Past is Past kalimutan mo na lang iyon."
"Kalimutan? Ganun ba kadali iyon? Alam mo, hindi kasi ikaw ang nasaktan kaya Wala kang Alam."
........"Peeeeppp!!! Peeeeeep!! Busina ng sasakyan ni Jacob. Bumaba si Jacob mula sa isang kulay pulang sasakyan niya. Naka suot siya ng Pantalon, airmax na sapatos at polo shirt na kulay Green. Baduy naman neto Green pa ang nais. Mukhang may lakad yata sila ngayon ni Mae. Pero kahit saan pa iyon, susundan ko sila. Pinasakay na ni Jacob si Mae sa sasakyan niya. Naka uniform pa si Mae mukhang uuwi pa siya. Binusinaan ako ni Jacob. Ang siga kong pinsan at sakim kong pinsan. Mabilis akong tumungo sa sasakyan at sinundan ko sila.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon