Confession Night

13 0 2
                                    

"Mae, salamat nga pala sa ginawa mong pagligtas sa aking buhay kanina. I really appreciate it."
"Syempre naman, hahayaan ko bang mawalan ako ng isang kaibigan na nagpapasaya din sa akin?"
"Dahil diyan, mag-ayos ka mamaya. We will going to the place that is peaceful at tayo lang ang tao."
"Niloloko mo ba ako Jacob? Sa tingin mo, may peaceful na lugar dito? Eh halos lahat, may tao?"
"Basta maghanda ka lang Mae."
Sa sinabi ni Jacob, na excite ako...ano kaya gagawin namin? Saan? Peaceful?? Para naman kasing walang peaceful place dito sa resort na to, lahat puro may tao. At dahil may tiwala ako kay Jacob, sige mag-aayos ako. "May pupuntahan lang ako Mae, mag-ayos kana, itetext ko na lang kung nasan ako." Astig din itong si Jacob. Gabi ang lakad naming dalawa.....mukhang magiging peaceful nga ito,kasi tiyak tulog na mga tao sa ganoong oras. Ok, dahil sabi niya mag-ayos na ako, sige.... buti na lang complete set ang resort hotel na ito. May pangpa curly, pampa straight anything you want na itsura mo. So, una muna, inayos ko ang buhok ko. I chose to make it curly para medyo susyalin ang dating. Almost 2hrs. ang pagcucurly ko. Second, yung mukha ko naman. Nilagyan ko ng Concealer para maiwasan ang maging oily. Then, I put foundation and make up. Gusto ko, yung medyo mag rorossy pink kahit natural na ganun ang hitsura ko. Minsan lang naman ako mag-ayos kaya, ok na din. I put some blushes and masscara and the combination of violet and pink. Then, lip balm lang na pinatungan ko ng oil para naman sa lips ko. Ayan!! Perfect. Lastly, pipili naman ako ng pwedeng suotin. Ok, White na blouse yung citro ang tela. Na pinartneran ko ng shorts. Palagi na lang ako naka palda kaya, medyo maiba naman. Tapos, I wear flat shoes na lang na color white din. Mahilig talaga akong mang combine ng color lalo na sa mga damit at shoes. Almost 2 hours and 30 minutes akong nag-ayos. Tamang-tama, nag text na si Jacob
MAE NANDITO NA AKO SA MEETING PLACE NATIN. SA MAY PLAYGROUND NG MGA BATA. PEACEFUL DITO PROMISE.
Whuut!!??? Playground ng mga bata?? Pinag-ayos ayos niya ako tapos maglalaro pala kami? Ok Mae, inhale,exhale pagpapakalma ko sa sarili ko. Ok fine, hindi naman ako katulad ng ibang babae na maarte. Kahit san niya ako dalhin, ok ako basta mapagkakatiwalaan ko siya. Pumunta na ako sa lugar kung saan niya sinabi na mag meet up kami. Malayo pa ako sa pupuntahan ko, pero sinalubong ako kaagad ni Jacob. Tinakpan niya ang mga mata ko sa pamamagitan ng pag blindfold nya sa akin. Sabay bulong ng You are so elegant today, Mae. Naisip ko tuloy, ngayon lang ba!!?? ...Kinakabahan at ang bilis ng tibok ng puso ko habang lumalakad. Tanong ako ng tanong sa kaniya kung nasan na kami pero hindi siya umiimik. Maya-maya, tinanggal na niya ang blindfold sa mata ko at nabighani sa mga nakita ko. Isang table ang naka complete set-up napapaligiran kami ng mga ilaw sa paligid na kami lang dalawa ang nasa gitna. Isinayaw ako ni Jacob habang may nagpapatugtog na mga crew sa tabi namin. Oh my goshh..!! First time ko talaga to. Naiiyak ako sa sobrang tuwa, feeling ko, debut ko ngayon kahit tapos na. Nakahawak sa bewang ko si Jacob habang ako sa balikat niya nakahawak. Nakatitig siya sa akin at nakatitig din ako sa kaniya. Kita ko sa mga mata niya ang labis na kasiyahan habang isinasayaw ako. Maya-maya, may mga nagsisilabasan mula sa isang kwarto na mga bata. Naka buo sila ng words na M A E P L E A S E B E M Y G I R L F R I E N D..sa nakita ko, napaiyak ako at napaluhod sa kanila. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil akala ko, nagbibiro lang si Jacob sa mga sinasabi niya na MAHAL NIYA DAW AKO. Itinayo niya ako mula sa pagkakaluhod ko. At tinanong uli ako, MAE, PLEASE BE MY GIRLDFRIEND. I'LL PROMISE TO TAKE CARE OF YOU AT HINDI KITA IIWAN. Nakatingin lang ako sa kaniya habang pumapatak ang mga luha ko mula sa mata ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. At lalong hindi ko alam kung anong sasabihin ko o ano ang sagot ko. Malay ko bang magtatanong to sa akin ng ganto?? Eh magkababata lang kami. Naalala ko tuloy si Dexter. Hindi man sa ganitong ka eleganteng lugar siya nag confess sa akin, pero damang dama ko ang ginawa niya. Pero, sa kabila nun nanumbalik pa rin ang pangungulila at sakit na ginawa niya sa akin. Dahil don, nakapag desisyon na ako. Gusto kong lumaya mula sa sakit ng nadarama ko. Tinitigan ko si Jacob. Sasagot na sana ako nang biglang...............



















oopss!! Medyo bibitinin ko lang po kayo ^_^ that's all for today. Don't forget to send me a feedback about my story.
pero ano kaya o sino kaya dumating?? I thought alam niyo na yun..pero watch out pa din sa mga irereveal 😁😁😁😁

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon