New Problem

13 1 0
                                    

Pag-uwi ko sa bahay, nandun si Dexter naka-upo sa sofa namin. Napatigil ako sa paglakad ko at biglang sumimangot. Dinalhan naman ng merienda ni Mommy si Dexter.
"Anak, nandiyan kana pala"
"Mommy, bakit nandito si Dexter? Ayoko na siyang makita." Nagdadabog akong umakyat sa kwarto ko. Naiinis ako ...bakit ba ginagamit ni Dexter si Mommy para patawarin ko siya. Kahit anong gawin niya, hinding hindi ko na siya papatawarin.
"Tita Stella, mauna na po ako. Bibigyan ko po ng space si Mae."
"Pagpasensiyahan mo na si Mae. Hindi ko alam kung ano ba o paano ka mapapatawad non eh"
"I understand tita. Sige po Mauna na ako"
Narinig ko ang pag-uusap nila Mommy. Umalis na uli si Dexter. Talagang matigas na ang puso ko pagdating sa kaniya. Maya-maya, kumatok si Mommy sa kwarto. Nakahawak lang ako sa libro na binabasa ko. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Mae, kailan mo ba papatawarin si Dexter?"
Tinignan ko si Mommy nagulat ako sa tanong niya. Ano ba kasing ginawa ni Dexter sa kaniya bakit ganun na lamang kadaling pinatawad ni Mommy si Dexter.
"Mae, hindi ka niloko ni Dexter. Alam mo iyan. Pinagkaisahan ka ni Jacob at ni Steph."
Si Steph?? Bat nasama si Steph dito?
"Si Steph? Bakit po nasama si Steph? Anong kinalaman niya sa gulo?"
"Nakipag sabwatan si Steph kay Jacob. Mahal din niya si Dexter kaya pinaghiwalay nila kayo. Pero di naglaon, nagsisisi si Steph sa ginawa niya sa inyo ni Dexter. Kaya naman, nang may ipagawa si Dexter sa kaniya para sa'yo, agad niya itong sinunod"
"Pero kahit na Mommy. Kahit na sinong masangkot sa gulong ito. Hindi na mapapawi ang sakit na nadarama ko". Natulog na ako matapos ko iyong sabihin kay Mommy. Pagkagising ko, umuulan na. Kumukulog at kumikidlat. Sumilip ako sa bintana upang makita kung ano ng nangyayari sa labas sapagkat napaka lakas talaga ng ulan. Dimo mawari kung bagyo nga ba ito. Pagkasilip ko, nakita ko si Dexter sa tapat ng bahay namin. Basang-basa. Ibig bang sabihin, simula kanina na dumating ako, hindi siya umuwi? Nagdadalawang isip ako dahil nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko rin pala kayang makita si Dexter na nasasaktan ng lubos at nahihirapan ng ganyan. Pumasok si Mommy sa kwarto ko.
"Mae, tititigan mo na lang ba si Dexter diyan? Hindi mo man lang siya tulungan?"
"Mommy, hindi. Ginusto niya iyan. Hindi ko sinabing hintayin niya akong lumabas."
"Mae, ganyan kana ba? Ang tigas na ng puso mo. Patawarin mo na si Dexter. Give him another chance para maitama niya ang pagkakamali niya sa'yo dati."
"Ayoko nang masaktan Mommy!."
"Sa ginagawa mong iyan Mae, hindi ka ba nasasaktan?". Napatigil ang ikot ng mundo ko nang marinig ko ang mga katagang binanggit ni Mommy. Dahil don, natauhan ako. Kinuha ko agad ang payong at dali daling bumaba upang papasukin si Dexter. Pagkababa ko, agad ko siyang tinawag. Lumingon ako sa bandang kanan ni Dexter nang biglang may truck na sumulpot.
"Dexter!! Diyan ka lang!! Wag kang tatakboooo""!!.........!" Peeeppl!!!! Bam! Bam! ..
Nabalot ng hamog ang paligid namin ni Dexter. Pagkawala non, bumungad sa akin ang duguang si Dexter. Lumapit ako sa kaniya habang tumutulo ang luha ko.
"Dexter, wag mo akong iiwan please. Mahal pa rin kita Dexter. TULUNGAN NYO KAMI!!! MOMMY !! MANANG LOLIT!! DADDY!! TULONG"! bumaba agad si Mommy. Si Daddy naman, ini ready na ang sasakyan at dinala na namin sa Hospital si Dexter. Sising sisi ako sa nangyari. Hindi ko alam ang mga gagawin ko. Masyadong mabilis ang nangyari. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito ni Dexter. Nasa ICU ngayon si Dexter. Kritikal ang kundisyon niya. Iyak ako ng iyak at nanghihina dahil sa nangyari. Pumunta ako sa chapel ng hospital upang ipagdasal si Dexter. Umiiyak, at basang basa ako habang lumalapit sa altar.
"Panginoon, patawarin nyo po ako dahil hindi ko kaagad tinanggap si Dexter sa buhay ko. Patawad dahil hindi ko na siya binigyan ng isa pang pagkakataon. Pero, nagmama kaawa ako sa inyo Lord, pagalingin nyo na po si Dexter. Mahal ko pa rin po siya. Hindi ko kaya na mawala sa buhay ko si Dexter. Kasama siya sa paggawa ng mga pangarap ko. Please Lord..nagmamakaawa po ako" sumisinghot at tuloy-tuloy ang pag-iyak ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Halos mabaliw na ako sa mga oras na iyon. Itinayo ako ni Mommy sa pagkakaluhod ko. "Mae, nagising na daw si Dexter" sa narinig kong iyon, labis akong nasiyahan. Nagpasalamat ako sa Panginoon. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto kung saan nandon naka confine si Dexter. Nilapitan ko siya.
"Dexter, nandito na ako. Ako ito si Mae. Sorry sa lahat lahat" hindi sumasagot sa akin si Dexter. Tinanong ko si Doc. kung anong nangyayari dahil hindi siya responsive.
"Doc, ano po bang nangyari kay Dexter? Bakit hindi po siya responsive?"
"Mae, sorry to tell you. Nagkaroon ng minor amnesia si Dexter. Hindi ka niya agad makikilala pero, after a few months, babalik na muli ang memories niya. You just have to tell all of your moments with him. Kung sino siya,  sino ka sa buhay niya. Ibalik mo siya kung saan kayo nagsimula" pumatak muli ang mga luha ko sa mga mata ko. Grabe naman ang mga nangyayari sa akin. Bakit ganito?? Pinahihirapan kami. Kung kailan ko na realize na mahal ko pa si Dexter, tsaka naman dumating itong mga problema na ito.






















Nagka amnesia si Dexter!! Pano na kaya ang love story nila?? Itutuloy pa kaya ito ni Mae?

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon