Part 10

5 0 0
                                    

Dexter's P.O.V
Since napag-usapan namin ni Mae kahapon na pupunta ako sa bahay upang magka-ayos, I am ready now to face my problems.  I know nakakabakla yung taguan mo ang problema mo but, I realize na hindi sapat ang pagtakas sa problema mo kailangan harapin mo iyon. Hiniram ko muna ang kotse ni Mae papunta sa bahay. Pagdating ko, walang katao tao. Tinanong ko kay Manang kung nasan sila Mommy pero sabi niya, nasa rest house daw sila sa Laguna. Iniwan nanaman nila ako... pumunta ako sa sala and I've found a letter na nakalagay sa table sa sala namin.
"Dexter, sakaling umuwi ka, nasa Laguna lang kami ng daddy mo. We try to settle down all of the problems we met. But now,ok na kami ng daddy mo I hope matanggap mo na din siya" ...nag-iisip ako kung pupuntahan ko ba sila Mommy at Daddy sa Laguna malapit na ang kasal namin ni Mae. Nagdadalawang isip ako kung makakaabot ba ako kapag pinuntahan ko sila sa Laguna. I decided to go back to Mae's house mas mabuti nang magkaintindihan kami para wala ng conflict. Pagdating ko, nakita ko siya sa kusina nagluluto para sa lunch naka apron siya and duster na color yellow. Niyakap ko siya mula sa likod niya at halata naman ang pagkagulat niya.
"Dexter, ang bilis mo naman yata"
"Ayaw mo ba Mae?" Nagpout ako sa kaniya at parang nagpapa awa kaya naman Nakatanggap ako ng batok mula sa kaniya.
"Ang O.A mo Dexter. Tinanong ko lang eh"
"Oo na ito kasi yun, pagdating ko sa bahay, walang tao pero may iniwan silang letter para sa akin. Nasa Laguna daw sila doon sa rest house namin."
"Hmmm pupuntahan mo sila?" Pagtatanong ni Mae.
"Hmmmmmm sana..kung ok lang sayo"
"Dexter, syempre naman papayag ako noh parents mo kaya iyon kahit ano pa yan, susuportahan kita" ngumiti siya sa akin and damn!! Ang ganda niya lalo...
"Salamat Future Wife ;)" ... pagkatapos naming mag-usap umakyat ako sa kwarto upang iimpake ang mga kailangan ko. Since pumayag naman na si Mae na puntahan ko sila sa Laguna.
"Sir Dexter, kain na daw po kayo ni Mam Mae." Pagtatawag sa akin ni Manang Lolit.
"Sige po Manang susunod na po"... natagalan ako sa pagiimpake.. may nakita kasi akong picture sa maleta ko. Picture iyon ng whole family namin. Ang saya saya namin sa picture. Mahahalata naman iyon. Sana pagkatapos ko silang balikan sa Laguna, maging maayos na ang family namin.
*Knock *Knock nagulat naman ako ng may kumatok sa pinto. Nainip na yata si Mae!! Naku sana hindi siya magalit.
"Mae, sorry natagalan ako halika na kain na tayo" pag-aaya ko sa kaniya habang hinihila palabas ng pinto. Ayokong makita niya na nagiging mahina ako sa pamilya ko. Problema ko to ayokong madamay siya dito. Nakarating kami sa hapag-kainan at nararamdaman ko ang pagtataka sa kaniya. Ako na ang nag serve sa pagkain niya.
"Mae, let's eat. Yan oh, may pagkain na" naka ngiti kong sabi sa kaniya
"Dexter, what's wrong? "
"Nothing's wrong Mae. Just eat sayang naman yung pinagluto mo"
"Ahmm,, Dexter, kung may problema ka, don't be hesitate to approach me huh! Alam mo naman hehe" ..hayy!! Akala ko naman nagalit siya sa akin. Napaka bait talaga ng magiging asawa ko.
...........
"Mae, mag-iingat ka dito huh! Bye" hinalikan ko siya sa noo at sumakay na sa kotse ko. Kinuha ko na iyon sa bahay namin para naman may magamit ako. Maya-maya pa ay umalis na ako. Medyo malayo layo ang Laguna sa bahay nila Mae  so baka gabihin ako sa biyahe. Habang nagmamaneho ako binuksan ko muna ang stereo ko at nagpatugtog.
"I think I'm fallin' fallin' inlove with you"
*tut .
Pinatay ko na lang dahil masyadong nakaka senti yung kanta.

Mae's P.O.V

Kaaalis lang ni Dexter dito sa bahay. Ako lang mag-isa dito dahil sila Mommy ay nasa company namin at may inaayos lang. Nagdadalawang isip ako kung tama nga ba na pinauwi ko si Dexter na mag-isa. Pero valid reason naman kasi siya kaya pumayag na ako. Binuksan ko ang tv nilipat ko iyon sa balita. Hayst nakakaboring na talaga wala akong kausap !!!!! .... di ko alam kung paano ko ililibang ang sarili ko. Alam ko na!!! Pupunta akong PARADISE PARK!! yes buti na lang naalala ko iyong park na pinaka favorite ko. Lumabas na ako sa bahay at inihanda ko na din ang bike ko. Bago ko makalimutan, pina lock ko muna kay Manang Lolit yung bahay namin baka kasi masalisihan siya mahirap na.
"Manang, pupunta po muna ako sa Paradise Park ikaw na po bahala jan Manang. Salamat po" ... kumaway lang naman si Manang at sinenyasan ako na umalis na. Habang nagbibike hmmm!!! Ang bango at ang ganda talaga sa village na ito peaceful and fresh hahaha. Mga ilang minuto lang, nakarating na din ako sa Paradise Park. Nakita ko agad yung mga suki kong crew na tinitignan ako mula pa kaninang lumiko ako. Ganon naba talaga ako kaganda?? Whahahaha.
"Hi Mam" bati sa akin ng isang crew
"Hi Mam , dito niyo na po ipark yung bike nyo babantayan po namin yan" sabi naman nung isa.
"Sige, basta alagaan nyo yan ha! Lagot kayo sa akin kapag nasira at nawala yan" nginitian ko sila atsaka pumasok sa isang restaurant. Nagulat naman ako nang makita ko si Edmond at si Joy. Nakita na din nila ako kaya nilapitan ko na rin sila.
"Bessy!!!! Nandito ka pala 😀😀 balita ko ikakasal kana ha? Ur so daya talaga." Pagtatampo sa akin ni Joy.
Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong ikuwento kay Joy. Maaga silang umalis dahil may aasikasuhin daw sila ni Edmond. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag at kumuha ng mga litrato mula sa Paradise Park. Maya-maya, bigla na lamang may humawak sa balikat ko.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon