Part 3

10 1 0
                                    

"Krriinnggggg!!!!" Tumunog ng dalawang beses ang alarm clock ko. Hindi ko namalayan, 6:00 am na pala..patay!! Malalate ako nito!! Agad agad akong tumayo mula sa kama ko. Nagmamadali akong pumasok sa banyo. Mag hahalf bath lang muna ako kasi matagal akong maligo. Napanaginipan ko pa kasi yung past ko. Kaya ayun natagalan akong magising. Pagkatapos kong maligo, syempre, nagbihis na ako ng uniporme agad-agad akong bumaba at nagpaalam na kela Mommy at Daddy. Hindi na nga nagalaw ang breakfast na inihanda nila para sa akin. Paglabas ko, buti na lang may taxi agad sa labas at ayun, nakarating ako kaagad sa school. Mga 2km lang naman ang layo hahaha. pagkadating ko doon, buti na lang at wala pa ang professor namin. Pero ang masaklap, ako na lang pala ang hinihintay nila. Medyo nahiya ako kasi ako ang reigning Valedictorian ng school tapos ako pa ang malalate sa thesis namin. After a few minutes, our professor go inside our room but wait,, may kasama!? Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang kasama niya! Whatt?? Si Dexter? Pero, bakit anong ginagawa nya dito?? Classmate ko? No,hindi pwede nauna siyang grumaduate sa akin pero bakit nandito siya?!!.. tumayo kaming lahat.
"GOOD MORNING SIR LOPEZ"
" Good Morning too. I am here to introduce to you your substitute professor for 1 week"
Tekaa... 1week?? Sino papalit? Si Dexter? Nakoo!! patay na!!
"He is Dexter S. Buenaventura he is your substitute professor for a week"
"Good Morning Sir Buenaventura" napansin ni Dexter na ako lang ang hindi nag greet sa kaniya. Maya-maya, nilapitan niya ako at sinabing "Good Morning Ms. Mae"
natulala ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon, ang amo pa rin ng boses ng lokong toh..
"Ms. Mae, hindi mo ba babatiin si Mr. Dexter? Alam ko na lahat tungkol sa inyo kaya wag ka ng mahihiya"
Tiningnan ko ng matalim si Dexter. Sinabi niya kay Sir na naging kami. Sana sinabi din niya na sinaktan niya ako ng todo todo. Ang sakitt...bakit dito pa? Exclusive school ito paano nakapasok ang lokong to dito? Professor pa ang nais. Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko kaya padabog akong umupo. Tumango na lang ako sa kanila. Habang nag lelesson siya, masama ang tingin ko sa kanya. Kahit naman tawagin niya ako lagi, alam ko ang isasagot ko hindi ako magpapa distract sa kaniya. Manloloko itong taong to. Kaya hindi dapat pa ito pinapakinggan. Nag ring na ang bell ng school. Nagmamadali akong umalis nang bigla niya akong hawakan sa braso ko. "Ms. Mae, hindi ka pa rin nagbabago. Maganda ka pa rin" nakangisi pa ang loko. Tinanggal ko kaagad ang kamay niya at umalis akong patakbo patungong cr. Nagtago ako sa isang cubicle ng cr. Umiiyak ...iyak ako ng iyak. Parang kahapon lang kami nag break sa narararamdaman ko ngayon. Pero dapat hindi ako magpa apekto sa kaniya. Wala na kami at wala na kaming dapat pag-usapan pa. Sa kaiiyak ko, hindi ko namalayang may kumakausap sa akin sa labas mabuti na lang at si Joy iyon. Kinwento ko sa kaniya na professor ko si Dexter. Nagulat siya sa sinabi ko hindi din siya makapaniwala.
"Bessy, ok ka lang ba? Magpa transfer kana kung gusto mo"
" Bessy, hindi ako pwedeng mag transfer. Dito ako pina-aral nina Mommy at Daddy. Dito ko rin sineryoso ang pag-aaral ko"
"Sabagay, matalino pala itong bessy ko. Valedictorian ba naman eh"
Dahil sa pagpapatawa ni Joy, naginhawaan ako. Sabay kaming lumabas ng CR. Pero, parang nakita ko si Dexter sa labas ng pintuan. Hindi lang ako sigurado kung siya nga ba iyon. Lumipas ang oras, mugtong mugto ang mata ko. Pagka-Uwi ko, napansin iyon ni Mommy. Sinundan niya ako paakyat ng kwarto ko.
"MAE, SANDALI!!"
" Bakit po Mommy? May problema po ba?"
"Hindi ako dapat magtanong niyan anak. Nanay mo ako, alam ko kung anong nararamdaman mo. Magsabi ka sa akin ng totoo."
Sinabi ko kay Mommy ang lahat ng nangyari. Sinabi ko na nakita ko si Dexter. Sinabi ko na din na professor ko siya in one week. Binigyan ako ng advice ni Mommy. Napawi lahat ng kalungkutan ko. Agad naman ako nakatulog dahil sa madami akong iniisip.

Pag-ibig Na MapaglaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon