Nandito ako ngayon sa rooftop ng isang gusali na may labing-dalawang palapag. Nakadapa ako, hawak ang isang sniper riffle habang tinitignan ang target ko gamit ang sight ng riffle sa kaharap kong building.
Nakikita kong nagkasiyahan sila."Tsk.tsk. Magsaya ka lang ngayon, tanda. Ito na ang huling gabi na masisilayan mo sila." Napatawa nalang ako sa aking isipan habang sinasabi ko ito sa aking sarili.
Ikinasa ko na ang riffle na hawak ko. I pulled the trigger and then, viola! Nagkakagulo na ang mga tao sa loob dahil sa biglang pagkatumba ni Mr. Jones. Headshot! Proud kong sabi.
Napailing nalang ako at sinimulan ng ligpitin ang aking riffle. Habang dini-disassemble ko ang aking riffle, nakaramdam ako ng isang presensya dito sa rooftop. Shit! Mukhang hindi lang isa ang mapapatay ko ngayon! Tsk.tsk.
"Wag kanang mag-tago, sayang ang mukha mo" Sabi ko sa isang tao na nagtatago sa likod ng pintuan.
Laking gulat ko nalang bigla itong tumakbo pababa. Tatakas ka ngayon? Coward!
Sambit ko sa aking sarili. Pabayaan ko na nga lang, hindi naman niya siguro ako namumukhaan, diba? Im wearing my red mask, at mata lang ang makikita, and also I'm wearing a overall fitted red shirt and leggings. Oh, diba?! Ang babaeng hindi mahilig sa pula! Halata diba?!
Maka-alis na nga dito, mukha na akong baliw at kinakausap ko ang aking sarili. Dumeretso nalang ako sa aking room dito sa gusali at nag-bihis. Pagkatapos ay umalis.
Hindi na ako pwedeng magtagal dito dahil alam kong malalaman nila na dito nanggaling ang pumatay kay Mr. Jones, and also may nakakita kahit alam kong hindi niya ako mamumukhaan. Pero kung alam niya ang UnderWorld panigurado alam niya kong sino ako. Codename nga lang!
Lumabas ako sa room na parang walang nangyari. May naka-bangga pa nga akong lalaki. At aba! Ako pa daw ang may kasalanan! Siya nga tong nagseselpon habang naglalakad. Sinabihan pa ako ng "Watch your way, idiot!" Aba! Ansarap patayin ng lalaking yun! Pasalamat siya at may sukbit akong malaking bag, kundi deads na yung pesteng lalaki na yun! Sayang hindi ko nakita yung mukha niyang panget!
But anyways, lumakad na ako patungong parking lot pagkatapos kong mag-check-out. Binuksan ko na ang aking pulang kotse at umalis na patungong mansion.
Mansion. Ang sarap pakinggan, kung isa ka lamang normal na tao. Pero kumg sa katulad kong mamamatay tao, its a hell! Mas gugustuhin mo pang tumira sa isang kubong sira kaysa impyernong mansion na tinutuluyan ko. Gustuhin ko mang tumakas, hindi pwede, buhay ang kapalit kung gusto mong umalis o mag-resign. At kung nakatakas ka man, hahanapin at hahanapin ka nila.
Pagkatapos ko mai-park ang aking kotse dumeretso na ako sa office ni Master J. Si Master J., siya ang tumatayong pinunu sito sa mansion, hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha kahit ilang beses ko na itong nakasalamuha, hindi ito pumapalya sa pag-suot ng maskara. Same as me, sa pagkaka-alam ko, lahat kami nagmamaskara, so, ibig sabihin hindi pa namin nakikita ang mukha ng isat-isa. Pero may mga kasamahan kami na hindi nagmamaskara kaya alam namin kong sino sila.
"Job well done, Death" Napalingon naman ako sa nag salita. Si Master J. pala suot ang kanyang itim na maskara, at itim na suit. Halatang galing sa trabaho. I wonder ano kaya ang itsura ni Master J? And also what is the meaning of J? Si Master lang naman ang makaka-sagot niyan, so, why bother asking my self ?
Death. Ang tawag sa akin dito and its my codename.
"Master J," Tumayo ako bilang galang sa kanya. Sininyasan naman niya akong ma-upo at agad ko namang ginawa.
"You killed Mr. Jones as a span of seconds, that's why ikaw ang napili kong pumatay sa kanya" Sabi niya sa akin. Puri ba yun o pinamumukha niya sa akin ma sanay na akong pumatay ng tao?
"If that is a compliment Master J, thank you, and its my pleasure to do what you want me to do" Asik ko kay Master J, tumango-tango lang ito habang tumatawa ng mahina.
"You know what Death? Youre my favorite student here in the mansion, kaya ikaw palagi ang ipinapadala ko sa mga missions na natatanggap ko" Pagtatapat niya sa akin. Uy! Favoritism is bad, Master J. But killing is the baddest after all. (If theres such word like 'baddest')
Nakatingin lang ako kay Master J, habang sinasabi niya yun sa akin. Wala akong masabi, tama ang mga kasamahan ko dito sa mansion. Naiinggit sila sa akin dahil ako palagi ang napag-uutusan. Hindi ko nalang ito binibigyan ng pansin. Kung alam lang nila, hindi ko gusto ito, kung pwede lang sana tumanggi at ipapasa ko sa iba, edi sana ginawa ko na noon pa. Pero iba pag si Master J na ang pumili sa iyo, there's no fucking way to back-out or might you will face what totally is hell look alike.
"I know na maraming na-iinggit sayo dito, at dapat lang yun Death, may kakayahan ka na wala sa kanila, and that's the reason why I like you, Death" Patuloy sa pagsalita si Master J. Parang may mali, sa maraming beses na nagkaka-usap kami ni Master J, ngayon pa lang ito nag open-up sa akin.
"What do you want Master J?" I directly said to him. At tama nga ako, may kailangan ito sa akin. At ano naman kaya yun?
"Youre a straight forward person, Death at marunong kang bumasa sa kung ano ang pakay ng taong nakikisalamuha sa iyo..." Sabi niya sa akin. "... Kaya ikaw ang napili ko sa isang misyong naipadala sa akin at alam kong hindi mo ito matatanggihan" Pagpapatuloy niya. Another mission na naman? At talagang magugustuhan ko? At ano naman iyon? Naka-kunot lang ang noo kong nakatingin sa kanya. Siguro ma feel niyang hindi ako magsasalita kung kaya ipinagpatuloy niya ito.
"You will send to the Philippines"
Bloody hell ?!
-----------
Its been a long time since I unpublished this story. Hoping that you remember this 😊
Love_Jun
Ps. And about the word baddest, i know that there is no such word like baddest. Its just my expression. Thank you!
BINABASA MO ANG
DEATH: The Bloody Queen
ActionIsang sikat na mamamatay tao na naipadala sa Pilipinas para sa isang misyon. Napunta sa isang kakaibang school. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? She's heartless when it comes in killing. Ngumingiti, pero mararamdaman mo ang pagiging cold dahil sa...