2. Keila. (Edited)

18.2K 442 14
                                    


"You will send to the Philippines"

Bloody hell ?!

What the bloody hell he just said?! Sabi niya may misyon ako tapos sa Pilipinas yun? Bloody Keila! Aba! Tatanggapin ko na ito! Alam niya talaga na gusto kong pumunta sa Pilipinas.

Wala naman akong pinagsabihan tungkol dito. At anong klaseng misyon na man kaya ito?

"And what kind of mission is that, Master J ?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako. At base na rin sa kanyang mga mata, alam kong nakangisi ito. Mukhang excited ito sa misyong gagawin ko.

"Lets just say, na kailangan mong bawiin ang minsan ng pag-aari natin" Sabi niya sa akin. Bawiin? At ano naman kaya yun? Atsaka natin ? So ibig sabihin, pagmamay-ari ito ng Hayashi Empire?

"What do you mean, Master J?" Takang tanong ko dito. Tumayo ito at nagsimulang magsalita.

"May isang napakahalagang bagay ang nawala dito sa Hayashi Empire. They stole it. At kailangan kong mabawi yun." Panimula ni Master J. Naguguluhan ako. Ano ang mahalagang bagay na yun? At sino ang kumuha? Sa pagkaka-alam ko, ang tanging bagay na pinag-kakaingatan ng mga taga Hayashi Empire ay ang,
"Golden Crest" Saad ko dito.

Napatingin sa akin si Master J. Tumango ito at lumagok ng alak sa kanyang hawak na kopita.

"Tama ka, Death. Ang Golden Crest ang ibig kong sabihin na kailangan kong mabawi, at alam ko makakaya mo itong makuha, at alam kong hindi mo ako bibiguin" Saad nito sa akin. Talagang pinagkakatiwalaan ako ni Master J sa misyong ito. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa misyong ito.

All I know is, lahat ng clan o empire naghahangad na makuha nila ang Golden Crest. Kahit patayan, gagawin nila, makuha lamang ito. Im sure alam ng lahat na nawala ito kaya hindi lamang ako ang may misyon tungkol dito.

"Master J, saan ko naman ito matatagpuan?" Tanong ko sa kanya.

"Huwag ka ng mag-alala, I already enrolled you sa isang school na alam kong makaka-tulong sa iyong misyon" Master J said. School? Papasok ako sa isang school?! I feel excited. Sa pagkaka-alam ko, graduate na ako sa college, kahit I'm already 18 years old. Kahit na hindi pangkaraniwang school ang pinapasukan ko dati, Yes, parehas lang ng subject ang itinuturo but may nadagdag na subject, at kung may subject may project. At kung talagang weak ka, well, goodbye you may rest in hell.

"I know youre excited, kaya mag-impake ka na at bukas ng umaga ang flight mo, you may go, Death" Pagkatapos niyang sabihin yun, tumayo na ako at nag-bow sa harap niya at umalis.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-iimpake. Habang nag-iimpake, nakita ko ang isang litrato, mababakas ang lumang frame at crumpled na ang picture, pero makikita mo parin kung sino ang nasa litrato. May isang edarang babae at lalaki, napa-gigitnaan nila ang dalawang batang lalaki, naka-akbay ang isang batang lalaki na nasa tantiya ko ay ang nakakatanda sa katabi nitong isang may pag-kachubby na batang lalaki rin na may hawak na isang batang babae. Nasa mga dalawang taon yung batang babae. At isa itong Family Picture. Yung edarang lalaki, masasabi mong malakas ang dating niya, sa tindig at titig palang niya, alam mong hindi ito basta-bastang ama. Yung babae, nasa mga mata niya ang kasiyahan at pagmamahal ng isang ina at asawa. Masaya silang tignan. Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking puso. Ang saya nila, masaya rin kaya sila ngayon? Na kahit wala ako? Yung batang babae, ako yun. At mga kapatid ko yung dalawang batang lalaki. Hindi ko alam kung bakit nila ako ibinigay. Tsk. Hindi ako nalulungkot, dahil galit ako. Galit sa pamilya ko. Hindi niyo naman ako masisisi.

Nagpapasalamat ako sa taong kumupkop sa akin. Ipinadama niya sa akin kung ano ang buhay ng merong isang ama at ina, minahal nila ako na parang isang tunay na anak. Hanggang sa namatay sila, hindi pala, pinatay sila.

Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha sa aking mga mata. Pinunasan ko ito at napadako amg paningin ko sa isa pang litarato. Ako kasama ang isang lalaking ka-edad ko. Napaka-laki mg ngiti niya, habang ako, seryoso lang na nakatingin sa kamera.

Its been two years. Simula nung umalis siya sa tabi ko, wala na akong ibang kaibigan. Siya lang ang naging kaibigan ko simula nung inampon ako ni Master J. Isa sa rason ko kung bakit excited akong pumunta sa Pilipinas dahil, nasa Pilipinas siya at madadalaw ko ang puntod ng tumatayong magulang ko.

Kailangan ko na palang matulog. Maaga pa ang flight ko bukas. Nag-ayos na ako at natulog na rin.

**

Nasa labas na ako ng mansion para pumunta na ng airport.

Napatingala ako dahil may isang tao ang nasa harap ko. Nagulat naman ako dahil nakita ko siya ngayon, siya ang taong hindi ko inaasahan na makikita ngayon.

"Master J" Tama kayo, si Master J, nakasuot pa rin ito ng itim na maskara. Ano naman ang kailangan nito sa akin?

Pero mas nagulat ako sa sinabi niya sa akin.

"Take care, Keila"

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon